LALAKI HINATAW NG DE CABRA SA AWAY-PAMILYA

CAVITE – Inoobserbahan ang kanang mata ng isang lalaki makaraang hatawin ng de cabra ng kanilang kapitbahay nang komprontahin dahil sa away nito sa kanyang pamilya sa Bacoor City noong Sabado ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si alyas “Lawrence” dahil sa malalang sugat sa kanyang kanang mata. Nahaharap naman sa kasong serious physical injury ang suspek na si alyas “Judito,” kapitbahay ng biktima. Ayon sa ulat, pinuntahan umano ng biktima ang suspek sa kanilang bahay bandang alas-6:00 ng gabi sa Brgy. Habay 1, Bacoor…

Read More

ROAD CLEARING OPERATION SA BULACAN PINALAWIG

LUNGSOD NG MALOLOS – Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang pagsisikip ng trapiko sa pamamagitan ng road clearing operation at pagsiguro sa isang ligtas at mapayapang probinsya na tinuran niya sa 2nd Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) noong Martes sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center. “Magkaroon tayo ng public hearing tungkol sa mga road clearing operation, mga pagpupulong…

Read More

Suspek pumalag, patay sa parak 15-ANYOS GINAHASA, BINAGSAKAN NG BATO

COTABATO CITY – Patay ang isang 15-anyos na dalagita na hinihinalang ginahasa at binagsakan ng bato sa mukha ng suspek na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT), sa Brgy. Sumbac, Kidapawan City sa lalawigan noong Lunes. Wasak ang mukha at halos hindi na makilala ang biktimang si alyas “Dawn” nang matagpuan sa tabi ng ilog. Napag-alamang nasa lugar ang dalagita para manguha ng mga gulay. Ayon sa Kidapawan City Police, ang suspek na si Eric Lim, BPAT’s member ng kanilang lugar, ay namatay makaraang manlaban umano sa mga awtoridad…

Read More

BABAE PINATAY, INILAGAY SA COOLER NG KAPITBAHAY

CAVITE – Pinatay sa sakal gamit ang nylon cord at inilagay sa cooler ang isang babae ng kanyang kapitbahay dahil sa galit nang singilin sa kanyang utang sa Trece Martires City sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Ana”, 26, may live-in partner, ng Trece Martires City, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Willy”, 35, may asawa, ng Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City. Ayon sa ulat, pinuntahan ng biktima ang suspek sa bahay nito bandang alas-4:45 ng hapon at siningil sa…

Read More

KUMASA SA KAGAWAD, HOLDAPER PATAY

QUEZON – Patay ang isa sa dalawang holdaper na nanloob sa bahay na tinutuluyan ng limang negosyanteng Muslim sa bulubunduking lugar ng Sitio Pulo, Brgy. Bukal Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan, nang makipagbarilan sa nagrespondeng isang kagawad ng barangay noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report ng Candelaria Police, ang napatay na suspek ay nagngangalang “Aldrim”, habang nasugatan at naaresto ang kasama nito na si alyas “Rommel”, 21, residente ng Brgy. Bawi, Padre Garcia, Batangas. Sugatan din ang nakabarilang isang barangay kagawad na si Ricardo Escamo, nilalapatan…

Read More

LOTTO OUTLET OWNER PATAY SA HOLDAPER

CAVITE – Patay ang isang lalaki na may-ari ng isang lotto outlet nang pagbabarilin matapos holdapin sa kanyang sasakyan sa Imus City noong Martes ng umaga. Isinugod sa De La Salle University Hospital ang biktimang si alyas “Anthony” subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril. Ayon ulat, galing ang biktima at live-in partner nito sa kanilang lotto outlet at naglalakad patungo sa kanilang nakaparadang sasakyan na isang Toyota Hilux…

Read More

Ayon sa DNA test at forensic experts PAGKAMATAY NG LOVERS SA DAVAO CONDO, NO THIRD PARTY

INILABAS na ng Davao City Police ang resulta ng DNA test na ginawa kaugnay sa pagkamatay ng mag-live in partner na sina Jennifer Chavez at Jeff Predas na kapwa natagpuang walang buhay sa magkahiwalay na lugar sa isang condominium sa Davao City noong Abril 21. Ibinunyag ni Davao City Police Office spokesperson, Police Captain Hazel Tuazon, base sa resulta ng DNA at isinagawang pagsusuri ng Forensic Unit ng Davao City, wala silang nakitang iba pang taong sangkot dahil ang dugo at mga fingerprint na natagpuan sa ikatlong palapag ng condo…

Read More

6 PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN SA QUEZON

PATAY ang anim na magkakapamilya kabilang ang tatlong menor de edad, habang tatlo ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Canda Ilaya, sa bayan ng Lopez, lalawigan ng Quezon pasado alas-2:00 ng madaling araw nitong Miyerkules. Ayon sa report ng Lopez Police, kabilang sa sangkot na mga sasakyan ang isang Bajaj three wheeled motorcycle o toktok, isang cargo truck, at pampasaherong bus na minamaneho ni Amor Atabillo Pedragosa. Lumabas sa imbestigasyon, patungo sa Libon, Albay ang toktok tricycle na may sakay na 9 katao at nakahinto…

Read More

2 SUNDALO PATAY, 4 SUGATAN SA HAGUPIT NG KIDLAT

KALINGA – Patay ang dalawang tauhan ng Philippine Army habang apat pa nilang kasamahan ang sugatan nang humagupit ang isang matalim na kidlat sa posisyon ng mga sundalo habang nagsasagawa ng manhunt operation sa nalalabing mga kasapi ng New People’s Army sa boundary ng Western Uma, Lubuagan at Balatoc, Pasil sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, kinilala ang dalawang nasawi na sina Corporal Andrew Monterubio ng Gamu, Isabela, at Private First Class Inmongog Aronchay mula sa Sadanga, Mt. Province. Habang…

Read More