BATANGAS – Hustisya ang hinihingi ng pamilya at mga kaanak ng isang 16-anyos na dalagita na hinihinalang hinalay muna bago pinaslang sa Tanauan City. Ayon sa report ng Tanauan City Police, nadiskubre ang walang buhay na biktimang si Rhean Armillo Lopez sa damuhan sa bakanteng lote sa Soledad Park, sa Brgy. Darasa, Tanauan City, pasado alas-11:00 ng umaga noong Lunes. Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinasabing wala itong pang-ibabang saplot nang matagpuan kaya malaki ang posibilidad na ginahasa muna ito bago pinaslang. Ang nanay nito ang nakatunton sa bangkay ng biktima…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
4 BANGKAY NATAGPUAN SA DAVAO DE ORO
DAVAO DE ORO – Apat na bangkay ang natuklasan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong Lunes. Ayon sa mga awtoridad, tatlo sa mga ito ay may mga tama ng bala ng baril. Nabatid sa report ng Davao de Oro PPO, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan sa damuhang bahagi sa Purok 1, Bitoon, Barangay Tagdangua, sa bayan ng Pantukan, ang bangkay ng isang lalaki. Nakahandusay ang lalaking biktima na kinilalang si Rey Quidato, 44-anyos. Ayon sa Pantukan Municipal Police, may tama ito bala ng baril. Kinahapunan, isang hindi pa…
Read More26 BAHAY WINASAK NG MUDSLIDE SA SURIGAO DEL NORTE
SURIGAO DEL NORTE – Umabot sa 26 kabahayan ang winasak ng mudslide na tumama sa Barangay Siana sa bayan ng Mainit sa lalawigan noong Sabado. Ayon sa report ng Office of Civil Defense CARAGA, nangyari ang mudslide dahil sa pagguho ng tailing storage facility (TSF) ng mining company na Greenstone Resources Company, dahil sa sunod-sunod na malalakas na pag-ulan. Nagdulot din ito ng pagkabitak-bitak ng lupa, pagkasira ng mga kalsada at pagkatumba ng mga puno. Sa video na kuha ng mga residente, makikitang gumapang ang putik patungo sa mga kabahayan…
Read MorePULITIKA SA LIKOD NG KONTROBERSYA SA BAMBAN MAYOR
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGPAHAYAG ng kalungkutan ang ilang taga-Bamban kaugnay ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang alkalde na anila’y malinaw na bahagi ng pulitika. Sa pahayag ng ilang mamamayan ng Bamban sa lalawigan ng Tarlac na tumangging magpabanggit ng pangalan, natutuwa sila sa kanilang mayor dahil kahit bago ito sa pulitika ay napakarami na nitong nagawang magagandang proyekto at naihatid na serbisyo sa kanilang bayan. Ang pagiging proactive din anila ni Mayor Alice Guo ang dahilan kaya siya hinalal ng mga taga-Bamban sa kauna-unahang pagkakataon niyang sumubok sa pulitika.…
Read MoreNAGTALO SA PARKING, 1 PATAY SA SAKSAK
CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay dahil lamang sa isyu ng parking ng sasakyan sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Cavite East Asia Medical Center ang biktimang si alyas “Jimmy” ng Brgy. Molino 2, Bacoor City ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Jerson”, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima at kapatid nito sa harapan ng kanilang bahay sa isang subdibisyon sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, bandang…
Read MoreNagdiwang ng Mother’s Day NIYAYA NI MISIS SA ILOG, MISTER NALUNOD
CAVITE – Humantong sa trahedya ang pagdiriwang ng mag-asawa sa Mother’s Day noong Linggo nang malunod sa ilog ang isang lalaki na niyayang maligo ng kanyang misis sa bayan ng Amadeo sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Isinugod pa sa Rural Health Center ng Amadeo ang biktimang si alyas “Ranel” subalit hindi umabot nang buhay. Napag-alaman, bilang pagdiriwang sa Mother’s Day, niyaya umano ng ginang ang kanyang mister na maligo sa Biting Bayong river sa Brgy. Banay Banay, Amadeo, Cavite. Ngunit habang naliligo ang dalawa, bigla umanong nagtungo ang biktima…
Read MoreGRANADA, BARIL AT BALA NASAMSAM SA MAG-ASAWA
CAVITE – Sari-saring mga kalibre ng baril, bala at granada ang nasamsam sa bahay ng isang mag-asawa at dalawang kasamahan ng mga ito makaraang salakayin ng puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng search warrant, sa bayan ng Naic noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang isilbi ng CIDG Southern MM DFU (lead unit), NCR RFU CIDG at Naic Cavite MPS, ang isang search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act, na inisyu ni…
Read MoreKAALYADO NG POLITIKO SA CAVITE, PATAY SA TANDEM
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang riding in tandem makaraang pagbabarilin at napatay ang isang negosyante at kaalyado sa pulitika ng isang kasalukuyang kongresista sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktimang si alyas “Jose”, isang negosyante at residente ng Brgy. Magdalo-Potol, Kawit, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Ayon sa ulat, kabababa lamang ng biktima mula sa kanyang sasakyan na isang Nissan Navara at papasok sa…
Read MoreDALAGANG MASAHISTA GINAHASA SA HOTEL
ANTIPOLO CITY – Nagharap ng reklamo ang isang dalagang empleyado ng massage services business makaraang gahasain at pagnakawan ng kanyang customer sa isang hotel sa lungsod. Nagharap ng reklamo sa Women’s and Children Protection Desk ng Antipolo Component City Police Station, ang biktimang si alyas “Lenlen”. Ayon sa reklamo nito, nangyari ang insidente noong gabi ng Marso 21. Tumawag umano sa kanilang hotline ang suspek na kinilalang sa mga alyas na “Reynaldo Marinas /Angelo/Michael”. Nag-request umano ang suspek ng room massage service sa isang hotel sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan,…
Read More