RIDER BINOGA SA ULO NG NAKAMOTORSIKLO

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider makaraang barilin sa ulo ng kapwa niya nakamotorsiklo sa Dasmariñas City noong Sabado ng hapon. Dead on the spot ang biktimang si alyas “Miguel” dahil sa tama ng bala sa ulo makaraang paputukan ng hindi pa nakikilalang motorcycle rider na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo habang binabagtas ang Sitio Pook, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City nang dikitan siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo bandang alas-2:43 ng hapon. Matapos ang pamamaril, tumakas ang…

Read More

CASINO AGENT, TIKLO SA P3.6-M DROGA

LAGUNA – Hindi nakapalag ang isang lalaking casino agent matapos masamsam dito ng mga awtoridad ang P3.6 milyong halaga ng illegal drugs sa buy-bust operation sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng PDEA Regional Office 4A, isinagawa ng kanilang mga operatiba, kasama ang PDEA Laguna Provincial Office, at mga miyembro ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang buy-bust operation sa bahay ng suspek na si Nikki Zotomayor sa Sitio Maunawain, Barangay Duhat, mag-aalas-12:00 ng hatinggabi. Sinasabing si Zotomayor ay nakatala bilang high-value…

Read More

GRUPO NG DOLPHINS NAISPATAN SA RESORT SA SAMAL ISLAND

NAMATAAN sa pambihirang pagkakataon malapit sa beach resort sa Samal Island, ang pod o grupo ng dolphins noong Miyerkoles ng hapon. Nangyari ang ‘sightings’ sa Kaputian District sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte Makikita sa drone video ng resort ang hindi bababa sa labingdalawang dolphin na tila naglalaro habang lumalangoy sa bahagi ng Davao gulf. Sa video naman ni Brooks Salinas, kitang namangha ang mga bisita nang makita ang pambihirang paglitaw ng mga dolphin. Ayon sa mga eksperto, ang ‘sightings’ ng mga dolphin at iba pang…

Read More

36 PAMILYA NASUNUGAN SA CAVITE, 1 SUGATAN

CAVITE – Nawalan ng tirahan ang 36 pamilya nang lamunin ng apoy ang mga kabahayan sa sunog sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-11:30 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Phase B, Tabing Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang yari sa light materials. Umabot sa unang alarma ang sunog at bandang alas-12:20 ng hapon nang ideklarang fire-out ng ground commander na si Fire Senior Insp.…

Read More

3 PATAY SA KINAING BUTETE SA ALBAY

ALBAY – Tatlong magkakapamilya ang binawian ng buhay matapos malason sa kinaing puffer fish o butete sa bayan ng Libon sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga nasawi na sina Tirso Concepcion, 47, ang asawa nitong si Marissa Concepcion, 46, gayundin ang kanilang manugang na si Louise Lucañas, 36, pawang mga residente ng Tambo, Libon. Apat pang kapamilya nila ang nagpapagaling sa ospital matapos makaramdam din ng mga sintomas ng pagkalason sa butete. Ayon sa report ng Libon Police, inulam ng pitong mga biktima noong Miyerkoles ang kanilang…

Read More

P56-M SHABU NASABAT SA BALIKBAYAN BOXES

TINATAYANG mahigit P56 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, at Manila International Container Port mula sa sinuring kahina-hinalang balikbayan boxes. Sinasabing nagmula sa Thailand ang mga kontrabando na nakasilid sa misdeclared balikbayan boxes, na idineklara bilang household items, sapatos, at motorcycle parts. Subalit nang suriin ng BOC ang mga bagahe at isalang sa X-ray scanners ay tumambad sa mga operatiba ang plastic pouches na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng dalawang electric fans,…

Read More

HVI NABITAG SA P340K SHABU

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi. Nakakulong na sa Imus City Custodial Facility ang suspek na si alyas “James” matapos maaresto sa inilatag na buy-bust operation. Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office (PPO) at Imus City Police Station sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City na nagresulta…

Read More

800 LGBTQIA SA QUEZON TUMANGGAP NG AYUDA

TUMANGGAP ng tulong pinansyal ang daan-daang residente ng Bondoc Peninsula sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkoles, sa programa na isinagawa sa bayan ng General Luna. Ang 784 na benepisyaryo ay mga miyembro ng grupong lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual (LGBTQIA+) na bawat isa ay tumanggap ng P3,000. Ang Bondoc Peninsula, siyang 3rd District ng Quezon, ay binubuo ng 12 bayan. Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay pinangunahan ni Rep. Anna Villaraza-Suarez ng…

Read More

BULAKENYO INALERTO KONTRA HIV, AIDS

LUNGSOD NG MALOLOS – Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos, sa pamamagitan ng pagtataas ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS noong Lunes, Mayo 6. Isang mensahe ng pagkakaisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office – Public Health sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat, kung saan iprinesenta ang simbolikong pulang laso na sagisag ng patuloy na laban sa HIV at AIDS.…

Read More