GASOLINAHAN, HINOLDAP NG DATING GAS ATTENDANT

CAVITE – Tinatayang P40,000 cash na kita ng isang gasolinahan ang tinangay ng dating gas attendant nito sa Dasmariñas City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang dating gas attendant ng Phoenix Gasoline Station na si alyas “Gelo” na iningusong suspek sa panghoholdap. Sa salaysay sa pulisya ni alyas “Jotge”, 33, cashier ng Phoenix Gasoline Station sa Governor’s Drive, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, dakong ala-1:14 kahapon ng madaling araw, nasa loob siya ng opisina nang pumasok ang suspek na armado ng patalim, nagdeklara ng holdap…

Read More

P400K CASH NATANGAY SA NAKAW NA CELLPHONE

RIZAL – Umabot sa mahigit P400,000 ang natangay mula sa isang babae makaraang madukot ang kanyang cellphone sa bayan ng Taytay sa lalawigan, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa 60-anyos na biktimang si Ma. Carina Victoria Bayabo, nakatayo siya sa isang waiting shed sa Ortigas Avenue, Brgy. San Isidro, Taytay, nang may lumapit sa kanyang likuran na isang lalaki. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay dinukot nito mula sa kanyang bag ang isang Iphone na P40,000 ang halaga, kung saan naka-log in ang mobile apps para sa online money services.…

Read More

P6-M SHABU NASABAT SA ZAMBO PENAL COLONY

ZAMBOANGA CITY – Tinatayang nasa P6 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa labas ng gate ng San Ramon Penal Colony sa Zamboanga City noong Martes. Ayon sa PDEA, isinagawa ang buy-bust operation laban sa person deprived of liberty (PDL) na si Kerwin Mohammad Abdila, 42, isang living out inmate sa nasabing bilangguan. Naaresto rin ang kasama nito na si Albadir Mala Ajijul. Nakuha mula sa mga ito ang isang kilo ng droga na tinatayang nagkakahalaga…

Read More

PAGKAHULOG NG BATA SA HIGH RISE CONDO, PINASISIYASAT

CEBU CITY – Pinaiimbestigahan ng isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Cebu ang nangyaring pagkahulog at pagkasawi ng isang 4-anyos na bata mula sa ika-27 palapag ng condominium sa Brgy. Lahug sa lalawigan noong Lunes. Sa isinumiteng resolusyon ni City Councilor Rey Gealon sa Cebu City Council, sinabi nito na dapat suriin ang occupancy permit ng gusali. Sinabi rin ni Gealon na nais niyang makita kung nakasunod ang condominium sa guidelines na itinakda ng National Building Code of the Philippines. Iimbitahan ang Office of the Building Official o OBO na…

Read More

DEMILITARISASYON SA SOUTH CHINA SEA, IGIIT SA UN — EX-SOLON

IGINIIT ng isang dating kongresista kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pangunahan ang Joint Resolution sa United Nations para ipatupad ang demilitarization policy sa South China Sea matapos payagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng pitong (7) military bases sa rehiyon. Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares, kailangang igiit ni Marcos sa UN na ipatupad ang Article 2, Paragraph 3 sa UN Charter na resolbahin ang problema ng dalawang bansa sa pamamagitan ng mapayapang paraan kabilang na ang pagtatanggal ng puwersa sa pinag-aawayang teritoryo. “The militarization…

Read More

SENIOR, 2 PA BINUGBOG NG MGA LASING

CAVITE – Sugatan ang tatlo katao, kabilang ang isang senior citizen nang gulpihin ng tatlong lasing na kalalakihan na lumusob sa kanilang lugar sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga biktimang sina alyas “Billy”, 40, isang painter; alyas “Mulong”, 38, tricycle driver, at alyas “Librado”, 66, mga residente ng Brgy. Burol 3, Dasmarinas City. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Totoy”, 27, mekaniko, at alyas “Bokbok”, 29, maintenance crew, kapwa residente ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas…

Read More

1 PANG MIYEMBRO NG VELASCO DRUG GROUP, 2 KASAMA TIMBOG

CAVITE – Umabot na sa limang miyembro ng grupo ng Velasco drug group, kabilang ang kanilang lider, ang hawak na ng mga awtoridad makaraang isa pang miyembro nito at dalawang kasama ang naaresto sa buy-bust operation sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Bukod sa naarestong miyembro ng Velasco Drug Group na si alyas “Kuya”, 38, ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite, naaresto rin si alyas “Ronnie”, 46, at alyas “Angela”, 26, kapwa residente ng Taguig City, pawang nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya. Ayon sa…

Read More

BAHAGI SA NATIONAL WEALTH TAX NG ANGAT DAM ILALABAN NG BULACAN

LUNGSOD NG MALOLOS—Maghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court (SC) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando, kaugnay ng inilabas na desisyon kamakailan ng Kataas-taasang Hukuman na nagtanggal sa lalawigan sa mga karapatan nito o share sa nasabing national wealth tax. Sa panayam kay Gov. Daniel Fernando, matapos matanggap ang kopya ng desisyon ng SC, agad inatasan nito si Provincial Legal Officer (PLO) Abogado Gerard Nelson Manalo, na hilingin sa mataas na hukuman na muling isaalang-alang ang hinahabol na rights o share na dapat ay…

Read More

MISIS BINARIL NI MISTER BAGO NAGBARIL SA ULO

BATANGAS – Trahedya ang sinapit ng isang pamilya sa bayan ng Cuenca sa lalawigan matapos na barilin ng mister ang kanyang misis at pagkatapos ay magbaril din sa sarili noong Sabado ng umaga. Kinilala ng Cuenca Police ang mag-asawang sina Candido at Elsa Mendaña. Ayon sa report dakong alas-7:00 ng umaga, magkasamang nakasakay sa kanilang owner type jeep ang mag-asawa nang biglang na lamang bumaba sa sasakyan ang misis at magsisigaw na humihingi ng tulong dahil papatayin daw siya ng kanyang mister. Tumakbo itong papalayo subalit kasunod ding bumaba ang…

Read More