ANIM na supporters ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang arestado matapos salubungin ng itak ang mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant sa Davao City. Ayon sa Police Regional Office XI, sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga pulis laban kay Quiboloy sa Glory Mountain sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City, hinarang ang mga awtoridad ng mga tagasuporta ng pastor kaya inaresto ang anim sa mga ito. Sinugod din umano ng mga nahuling lalaki ang mga pulis gamit ang kanilang mga itak. Dalawang menor-de-edad…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P595-M SMUGGLED CIGARETTES, GINUTAY-GUTAY
PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga ang pagsira sa mahigit P595 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa inuupahang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City nitong Hunyo 13. Bunsod ito ng pinaigting na anti-smuggling campaign sa Region 9 at BARMM na nagresulta sa pagkumpiska at pagsira sa mahigit 8,816 cases at 1,014 reams ng ismagel na sigarilyo. Nasabat ang nasabing kontrabando sa pamamagitan ng maritime patrol operations sa iba’t ibang lugar sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi mula Nobyembre 2023 hanggang Abril 2024. Ang mga sigarilyo ay…
Read MoreBULKANG KANLAON NAKATAAS PA RIN SA ALERT LEVEL 2
NAKATAAS sa alert level 2 status ang bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes. Nabatid sa Phivolcs, iniulat ang isang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan nitong Huwebes. Iniulat din ng Phivolcs ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may 300 metrong taas at ang pamamaga ng bulkan. Sinabi pa sa Phivolcs, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ). Hindi rin pinahihintulutan ang paglipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok…
Read MoreRAPE SUSPECT PATAY SA UMARESTONG PULIS
CEBU – Patay ang isang lalaking suspek sa panghahalay sa isang 12-anyos na batang babae matapos na umano’y mang-agaw ng baril sa mga pulis na umaresto sa kanya sa bayan ng Argao sa lalawigan noong Martes. Kinilala ang napatay na suspek na si Anthony Bautista, 40-anyos, residente ng Sityo Candabong, Argao Island. Nangyari ang insidente nang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga miyembro ng Argao Police dahil sa reklamo ng ina ng 12-anyos na biktima na apat na beses umanong hinalay ng suspek. Natagpuan ng mga awtoridad ang suspek…
Read More3 RIDERS BUKING SA DROGA SA CAVITE CHECKPOINT
CAVITE β Nabuking ang itinatagong umano’y droga sa tatlong motorcycle riders sa ikinasang Oplan Sita ng mga awtoridad sa checkpoint sa Bacoor City noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina alyas “Chris”, ng Brgy. Ligas 2, Bacoor City; “Nel”, ng Brgy. Zapote 2, Bacoor City, at “Ed” ng Brgy. San Jose 2, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police bandang alas-10:30 hanggang 11:30 ng umaga…
Read MoreHALF-BROTHER INARESTO SA PAGPATAY SA LADY FISCAL
INARESTO ng Digos City Police ang half-brother ng pinaslang na lady prosecutor matapos na iturong suspek sa pagkamatay ng biktima na binaril sa Chapter 8, Tienda, Brgy. Aplaya, Digos City, Davao del Sur noong Lunes ng hapon. Ayon sa mga awtoridad, ang suspek na si Arnel Dela PeΓ±a, 56, ay inaresto noon ding Lunes ng gabi kasunod ng isinagawang hot pursuit operations sa pagkamatay ni Atty. Eleanor Dela PeΓ±a, na binaril sa loob ng kanyang sasakyan. Ayon sa Digos City Police, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng mga pahayag ng…
Read MoreLADY FISCAL PATAY SA PAMAMARIL
DAVAO DEL SUR β Patay ang assistant provincial prosecutor ng Davao Occidental matapos barilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Chapter 8, Tienda, Brgy. Aplaya, Digos City sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Eleanor Polancos Dela PeΓ±a, 54-anyos. Ayon sa report ng Digos City Police, nagmamaneho ang biktima ng kanyang Ford Raptor pickup malapit sa kanyang tahanan, nang barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek. Idineklarang dead on the spot ang biktima ng nagrespondeng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council. Agad namang…
Read MoreCHINESE MILITARY UNIFORMS, NASAMSAM SA SINALAKAY NA POGO
NAKATUTOK ngayon ang militar at pulis sa nasamsam na Chinese military uniforms sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firm sa Porac, Pampanga na ni-raid ng mga awtoridad kamakailan. Ayon sa Armed Forces of the Philippine, posibleng ginagamit o gagamitin ito ng ilang indibidwal para sa paghahasik ng karahasan o pananakot subalit hindi para sa paghahanda sa posibleng pagsalakay. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margarette Padilla, “Regarding the discovery of alleged Chinese military uniforms at the POGO facility in Porac, Pampanga, it is important to note that POGO…
Read MoreCHINESE NATIONAL ARESTADO SA KIDNAPPING
ARESTADO ng mga operatiba sa lalawigan ng Zambales ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa insidente ng kidnapping noong Lunes ng gabi. Sinabi ni Police Regional Office (PRO3) Director, PBGen Jose Hidalgo Jr., si alyas “Wu”, isang 35-anyos na Chinese national, ay inaresto ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station matapos itong i-flag down sakay ng kanyang minamanehong puting BMW sedan para sa beripikasyon. Sa halip na huminto, mabilis na humarurot palayo patungo sa Castillejos ang suspek na nagdulot ng matinding habulan. Matagumpay na naharang ang sasakyan ng…
Read More