CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang dalawang kalalakihan makaraang looban ang isang Korean barbecue restaurant at tinangay ang cash at gadgets sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pumasok sa Wagyuniku Sangyup, sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Armando Perez ng Bacoor City Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang matuklsan ni Michelle Anne Ann Marinas Gonzales ang nawawalang cellphone (P10,000), isang tablet, isang laptop at P28,000 cash mula sa cash register, pagbukas nito sa nasabing…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ZERO CRIME RATE SA CAVITE IBINIDA
IBINIDA ng pamunuan ng Cavite Police na sa pangalawang pagkakataon ay nakasungkit ng zero crime rate ang lalawigan. Sinabi ni Police Lt. Col Jack E. Angog, Deputy Provincial Director for Operation sa isinagawang “Dialogue with Cavite Press Corp” sa Camp BGen. Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite, simula alas-6:00 ng umaga noong Martes hanggang alas-6:00 noong Miyerkoles ng umaga ay walang anomang naitalang krimen sa buong lalawigan sa Cavite. Pero paliwanag ni Angog, ito ay partikular lamang ang crime against property, at crime against person. “Natuwa rin ako kanina kasi simula…
Read MorePASLIT NALUNOD SA HUKAY NA MAY TUBIG
CAVITE – Hinihinalang nahulog at nalunod ang isang 4-anyos na lalaking paslit nang matagpuan ito mula sa isang hukay na may tubig sa isang covered court na under construction sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Larz Salem Celestino ng Trece Martires City, nagtungo umano ang biktima at isa pang menor de edad na kaibigan nito sa covered court sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City na under…
Read MoreGROUNDBREAKING NG P7.89B CANDABA 3RD VIADUCT PROJECT ISINAGAWA NG NLEX
Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kasama ang iba pang opisyales na sina Pampanga 1st District Rep Jon Lazatin, Pampanga Gov Dennis Pineda, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., MPTC President and CEO Rogelio Singson, NLEX Corp President and Gen Manager J. Luigi Bautista, TRB Director Alvin Carullo makaraang isagawa ang groundbreaking ceremony ng Candaba 3rd Viaduct project na ginanap sa Barangay Dulong Bayan, Pulilan, Bulacan nitong Miyerkules. Photo by ELOISA SILVERIO PULILAN, Bulacan – Nagsagawa ng groundbreaking ang NLEX Corporation para sa konstruksyon ng five-kilometer Candaba 3rd…
Read MoreBSKE HILING NA IPAGPALIBAN SA NEGOR
HINILING ni Senador Francis Tolentino na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa limang cluster sa Negros Oriental. Gayunman, inanunsyo ng Commission on Elections na ang public consultations sa mungkahi na ipagpaliban ang BSKE ay isasagawa sa June 27 hanggang 29. Ayon sa Comelec, gaganapin ito sa limang clusters na binubuo ng iba’t ibang lungsod at bayan sa Negros Oriental. Nauna nang iminungkahi ni Senador Tolentino na sa Oktubre 30 itakda ang BSKE, ngunit ibig nitong ipagpaliban ang botohan sa lalawigan dahil sa mga kaso ng political violence.…
Read MoreBAHA, LANDSLIDE RUMAGASA SA DIGOS CITY
NAGPATUPAD ng force evacuation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa mga flood at landslide-prone area sa 12 barangay sa Digos City, Davao del Sur nitong Martes ng gabi. Inilikas ng mga awtoridad ang ilang pamilya na apektado ng mga pagbaha at landslide partikular sa mga lugar sa bayan ng Sta. Cruz at Digos City sanhi ng patuloy na pag-ulan sa lugar dala ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ. Maging ang Digos PNP ay tumulong sa evacuation ng ilang pamilya sa Barangay Aplaya at dinala sa evacuation…
Read More9 KINASUHAN NG NBI SA PALUWAGAN SCAM
SIYAM na opisyal ng isang investment group ang kinasuhan ng NBI Lucena District Office ng 40 counts ng syndicated estafa matapos na mangolekta ng milyong pisong halaga ng contributions mula sa tinatawag nilang “investors” sa kanilang “paluwagan” scheme sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa rekomendasyon ni Atty. Bernard de la Cruz, Agent-in-Charge ng NBI-Lucena, sinampahan sa Provincial Prosecutors Office sa bayan ng Infanta, Quezon ng kasong paglabag sa Article 315, Paragraph 2 ng Revised Penal Code in relation to Presidential Decree no. 1689, at ng kasong paglabag sa Securities Regulation…
Read MoreDLSUMC NABULABOG SA BOMB THREAT
BAHAGYANG nagdulot ng tensyon sa mga doctor, guro, mag-aaral at staff ng De La Salle University Medical Center (DLSUMC) ang natanggap na text messages na umano’y may nakatanim na bomba sa paligid nito sa Dasmariñas City, Cavite noong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat ni Police Corporal Arthur Rejano ng Dasmariñas City Police, dakong alas-3:09 ng hapon nang makatanggap ng text si Mansueto Ibabyo y Mejia, 60, security guard ng DLSUMC, mula sa number na 09329788456 na may mensaheng: “Mga guro, estudyante at opisyal ng HIS, gusto ko malaman ninyo na kaming CPP-NPA-NDF ay…
Read More35 KASO NG RESPIRATORY DISEASE NAITALA SA MT. MAYON
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 35 kaso ng respiratory disease sa evacuation centers sa Albay sa pagpapatuloy ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Kabilang sa mga ito ang mga nakaranas ng ubo, sipon, at sore throat na iniulat noong Hunyo 13. Ayon sa DOH, ang iniulat na mga kaso ay hindi pa tiyak kung adverse effects ng sulfur dioxide at ashfall. “We would like to assure the general public that the Department of Health is on the ground and continuously monitoring the affected population,” sabi ng DOH. Hindi bababa sa…
Read More