NAKAKUHA na ang ilang consumers ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa Iloilo City ng refund sa kanilang bill deposit. Sa simpleng seremonya sa tanggapan ng MORE Power ay tatlong consumers ang unang nabigyan ng refund kabilang sina Emmanuel Improgo, Baby Jean Agustin at Barangay Chairman Romeo Losario Jagorin Jr. ng Brgy. Sambag, Jaro, Iloilo City. Ang Bill deposit ang ibinabayad ng mga consumer kapag nag-apply ng kanilang electric meter, alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for residential electric consumers, ang bill deposit ay kailangang ibalik ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TULAK SA TONDO, 2 PA SWAK SA SELDA
SWAK sa selda ang target na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kasama ang isang security guard at vendor, sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Delpan St. at Claro M. Recto Avenue, Barangay 12, Tondo Manila, noong Sabado ng madaling araw Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses III, commander ng Manila Police District- Moriones Police Station 2, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ilatag ang buy-bust operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Aye”, 25-anyos, gayundin ang kasama nitong sina alyas “Altazim”…
Read MoreCOASTAL ROAD/SEAWALL PROJECT SA QUEZON DUMAAN SA TAMANG PROSESO
ANOMANG araw ay maaari nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon III District Engineering Office ang bahagi ng 4.75 kilometrong Coastal Road at Seawall sa kahabaan ng coastal areas ng Catanauan, Quezon. Inaasahan na malaki ang maidudulot na pakinabang ng proyektong ito sa mga residente at turistang dumaraan sa lugar na ito ng Catanauan at maging sa progreso ng nasabing lugar sa usapin ng komersyo, kalakalan at turismo. Nabatid mula sa officer-in-charge ng mahigit P96M project na si District Engr. Jorge C. Pasia, dumaan sa tamang…
Read MoreMGA PATAY NA ISDA LUMUTANG SA ILOG SA LUCENA CITY
NAGLUTANGAN ang mga patay na isda sa Iyam River sa Barangay 5, Lucena City, Biyernes ng umaga. Ayon sa mga residente malapit sa ilog, dakong alas-10:00 ng umaga nang mapansin nila ang mga nagsisipaglutangang isda na karamihan ay tilapia. Pinagkaguluhan ito ng mga residente at hinuli ang mga lumulutang na buhay pa. Marami naman sa mga patay ng isda ang inanod na lang ng tubig. Hinala ng mga residente, dulot ng mainit na panahon ang nagyaring fish kill. Ayon naman sa iba, posibleng kontaminado at polluted ang tubig kaya namamatay…
Read More6 SUGATAN SA 2 HIGHWAY ACCIDENTS SA QUEZON
QUEZON – Anim na katao ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na vehicular accident sa Quirino Hi-way, sa bayan ng Tagkawayan noong Sabado. Ayon sa Quezon Police Provincial Office, nangyari ang unang aksidente sa Brgy. San Francisco kung saan nagkasalpukan ang isang owner type jeep na sinasakyan ng magkakapamilya, at isang pampasaherong bus dakong alas-9:45 ng umaga. Ayon sa imbestigasyon, nag-overtake ang Bicol bound P&O passenger bus sa sinusundang sasakyan sa paakyat at kurbadang bahagi ng highway kaya nakasalpukan nito ang kasalubong na pababang owner type jeep na nasa kanyang linya. Nagresulta ito sa pagkasugat…
Read More2 LALAKI ARESTADO SA BARIL SA CAVITE
CAVITE – Dalawang lalaki ang naaresto makaraang mahulihan ng baril sa magkahiwalay na lugar sa Cavite City noong Sabado ng hapon. Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sina Alexander Levardo Jr. y Sapasap, 37, at Mark Warren Ambat Bawalan, nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ang gabi, nagsasagawa ng barangay visitation ang mga operatiba ng MESPO ng Carmona City Police Station sa Patinding Araw, Brgy. Milagrosa ng nasabing lungsod nang humingi ng saklolo ang isang April Santos dahil pinagbantaan siya ng kanyang live-in…
Read MoreSUPER HEALTH CENTER ITATAYO SA TANZA, CAVITE
ISANG Super Health Center ang nakatakdang itayo sa bayan ng Tanza, Cavite. Ang dalawang palapag na Super Health Center na pinondohan sa ilalim ng Department of Health (DOH) Health Facility Enhancement Program sa ilalim ng GAA 2023, ay magbibigay ng lahat ng mga kakailanganin na basic health kabilang ang specialized health services, outpatient department, laboratory, X-ray, ultrasound, birthing services , diagnostic, pharmacy at emergency service. Sinabi ni DOH-Regional Director Ariel Valencia, ang pagtatayo ng health facility ay magpapalakas ng health referral system sa lugar at mas maraming Tanzenos ang mabibiyayaan…
Read MoreALBUFUERA DRUG GROUP MEMBER NAKORNER
CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang tulak at miyembro ng Albufuera drug group sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite City nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Pio Nieva y Villanueva, miyembro ng Albufuera drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs). Ayon sa ulat, dakong alas-12:20 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite City Police Station sa Barangay 8, Cavite City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakumpiskahan ng 1.75 gramo ng hinihinalang shabu na may…
Read More4 TERORISTA NAPATAY, 3 NA-RESCUE SA SAGUPAAN
APAT na bangkay ng mga teroristang Daulah Islamiyah-Lanao ang natagpuan ng military kasunod nang engkuwentro sa Barangay Piangologan, Marogong, Lanao del Sur. Ayon sa ulat, nakasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army 3rd Scout Ranger Battalion ang isang grupo ng local terrorist group na pinaniniwalaang kasapi ng DI-Lanao na pinamumunuan ni Abu Zacariah, sa isinagawang operasyon sa Barangay Piangologan, Marogong. Habang nagsasagawa ng clearing operation sa encounter area ay na-rescue ng mga sundalo ang tatlo pang miyembro ng local terrorist group na kinabibilangan ng isang babae at dalawang menor de edad. Nakuha…
Read More