NATIMBOG sa lalawigan ng Quezon ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa insidente ng pamamaril sa national highway junction sa Brgy. Batong Malaki, Los Baños City, Laguna, na ikinamatay ng isang biktima at ikinasugat ng kasama nito, noong Lunes ng tanghali, Pebrero 6. Ayon sa report, nasakote ng magkasanib na mga tauhan ng Los Baños Police at Candelaria, Quezon Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sadam” sa pinagtaguan nito sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria. Ito umano ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit na get-away vehicle sa krimen.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
5 HOLDAPER TIMBOG SA GPS NG NINAKAW NA CELLPHONE
LAGUNA – Timbog ang limang holdaper matapos mambiktima sa Alaminos, Laguna, nang matunton ang mga ito sa Cavite dahil sa GPS ng kinulimbat na cellphone. Ayon kay P/Cpt. Edwin Goyena, hepe ng Alaminos Police, dumulog sa kanilang himpilan ang 24-anyos na estudyante matapos na siya at ang kasama nitong isang 35-anyos na online virtual assistant, ay holdapin ng limang armadong kalalakihan sa Brgy. Sta Rosa, sa nasabing bayan noong Lunes ng madaling araw. Sa pamamagitan ng IPhone na kinuha ng mga suspek mula sa online virtual assistant, na-monitor na ang tumakas na mga suspek ay nasa bisinidad ng Tanauan-Talisay Road sa Batangas.…
Read MoreCAINTA POLICE TUMANGGAP NG BAGONG KAGAMITAN
BILANG suporta at pagpapalakas sa kakayahan ng lokal na pulisya ng Cainta, Rizal sa pagtugon sa kanilang tungkulin, nagkaloob ang lokal na pamahalaan ng mga armas at motorsiklo sa mga ito. Pinangunahan nina Cainta Mayor Maria Elenita “Elen” Nieto at PCOL Dominic L. Baccay, Provincial Director Rizal PPO ang turnover ceremony na ginanap sa Cainta Municipal Police Station bandang alas-8:30 ng umaga ngayong Miyerkoles. Tinanggap ni PMAJ Alfonso Saligumba III ang sampung pirasong EMTAN basic assault rifle; 70 magasin; ammos; at Honda XR150 light motorcycle. Ayon kay PCOL Baccay, ang…
Read MoreP10K NA ITINAGO SA KAMA TINANGAY NG AKYAT BAHAY
CAVITE – Halagang P500 na lamang mula sa kabuuang P10,000, ang narekober sa isang 31-anyos na ‘vulcanizer’ nang maaresto matapos na looban ang bahay ng isang vendor sa Imus City, sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Arestado ang suspek na si Michael John Salvacion y Solo, binata, ng Brgy. Palico 4, Imus City, matapos pasukin ang bahay ni Anthony Parina y Padeenal, 28, ng Brgy. Palico 4, Imus City. Ayon sa ulat, mahimbing na natutulog ang biktima sa kanyang bahay nang dahan-dahang pumasok ang suspek sa pamamagitan ng pagdaan sa silong patungo…
Read MoreKAGAWAD, MISIS PATAY SA SALPOK NG AMBULANSYA
BATANGAS – Patay ang isang barangay kagawad at ang asawa nito na isang guro, nang ang sinasakyan nilang tricycle ay masalpok ng ambulansya sa national highway sa Brgy. Sambat, sa bayan ng Balayan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Crispin Comia, 60-anyos, dead on the spot, at Gavina Comia, 62-anyos, binawian ng buhay noong Martes sa ospital. Batay sa report ng Balayan Police, minamaneho ng biktima ang kanilang tricycle at kasama ang kanyang misis, nang salpukin ng ambulansya na Nissan Urvan, na patungo sa Metro Balayan Medical Center para magdala…
Read MoreOBRERO PATAY SA LANDSLIDE SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang construction worker matapos na matabunan ng gumuhong lupa sa construction project sa Brgy. Bubuyan, sa bayan ng Mataas na Kahoy sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Ayon sa report ng Mataas na Kahoy Police, dakong alas-4:00 ng hapon, naghuhukay ang biktimang si Elmerto Tiosan ng drainage system sa bakanteng lote kasama ang isa pang worker na si Mario Valencia, nang biglang matibag ang mataas na bahagi ng lupa katabi ng kanilang hinuhukay. Bunsod nito, natabunan ng makapal na lupa at mga bato ang dalawang…
Read MoreLASING NAKATULOG SA KALSADA, PATAY SA TRUCK
LAGUNA – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang hindi pa kilalang lalaki na dahil umano sa kalasingan ay napahiga at nakatulog sa kalsada kaya nasagasaan ng truck sa bayan ng Lumban, sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Ayon sa report ng Lumban Police, nakaladkad pa ng 40 metro ang biktima na nagdulot ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na agad nitong ikinamatay. Base sa imbestigasyon, dakong alas-5:30 ng umaga, tinatahak ng truck na minamaneho ni Ronald de Guzman, ang national highway patungo sa bayan ng Pagsanjan ngunit pagsapit sa…
Read MoreLASING NAKATULOG SA KALSADA, PATAY SA TRUCK
LAGUNA – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang hindi pa kilalang lalaki na dahil umano sa kalasingan ay napahiga at nakatulog sa kalsada kaya nasagasaan ng truck sa bayan ng Lumban, sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Ayon sa report ng Lumban Police, nakaladkad pa ng 40 metro ang biktima na nagdulot ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na agad nitong ikinamatay. Base sa imbestigasyon, dakong alas-5:30 ng umaga, tinatahak ng truck na minamaneho ni Ronald de Guzman, ang national highway patungo sa bayan ng Pagsanjan ngunit pagsapit sa…
Read MoreManhunt sa killer ng PNP Sulu director 7 ASG PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS
TARGET ng manhunt operation ang isang lider ng Abu Sayyaf Group matapos na makatakas sa isinagawang law enforcement operation ng mga pulis at militar na ikinamatay ng pitong terorista, na sinasabing sangkot sa pananambang at pagpatay sa Sulu Police Provincial director, may ilang taon na ang nakalilipas. Ayon sa ulat, napatay ng military, at ng PNP-Special Action Force at PNP Criminal Investigation and Detection Group ang pitong kilabot na miyembro ng ASG sa Kapuk Pungol, Parang, Sulu noong nakalipas na linggo, sinasabing sangkot din sa pananambang sa isang pangkat ng…
Read More