PULIS BINARIL SA SURVEILLANCE OPERATION

CAVITE – Sugatan ang isang pulis nang barilin ng isang suspek nang magsagawa ang mga awtoridad ng surveillance operation sa Bacoor City noong Linggo ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Patrolman Mark Paolo Quizon, 27, nakatalaga sa PNP Intel Section ng Bacoor CPS, dahil sa mga tama ng bala sa kanang dibdib at hita. Naka-hospital arrest naman ang suspek na si Eugene Palicpic, 33, ng Barangay Zapote 2, Bacoor City, matapos isugod sa Southern Tagalog Regional Hospital, dahil sa sugat sa katawan, habang pinaghahanap…

Read More

LITRATO NG GUNMAN SA MINDORO BROADCASTER SLAY INILABAS

NANINIWALA ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na malapit nang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Cresenciano Aldevino ‘Cris’ Bundoquin, 50, isang broadcaster at radio block timer ng Calapan City, Oriental Mindoro, na pinagbabaril noong Mayo 31, 2023. Ito ay matapos ilabas ang mga larawan ng kinilalang gunman na si Isabelo Lopez Bautista. Sa isang pahayag, sinabi ni Usec. Paul Gutierrez, pinasasalamatan ng PTFoMS ang mga kasapi ng media, lalo na sa Mindoro, at iba pang indibidwal, na nagresponde sa kanilang panawagan para sa tulong at kooperasyon sa…

Read More

ADMIN OFFICER NG BUCOR, SUGATAN SA SALPUKAN

CAVITE – Sugatan ang isang admin officer ng Bureau of Correction (Bucor) nang magsalpukan ang motorsiklo ng biktima at isang Nissan Navara na minamaneho ng isang engineer sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Maria Loresca y Iglesias, admin officer ng BuCor, at residente ng Cupang, Muntinlupa City. Kinilala naman ang driver ng kulay earth brown na Nissan Navara na may plate number na NCU 5102, na si John Kevin Camba y Carino, 25, isang field engineer ng Brgy. Salitran…

Read More

6 PATAY, 1,290 TINAMAAN NG DENGUE SA BULACAN

NAKAPAGTALA ng anim na patay at 1,290 kaso ng dengue ang lalawigan ng Bulacan mula Enero hanggang Mayo kasabay ng pagdiriwang ng National Dengue Awareness Month. Ito ang kinumpirma ni Dr. Hjordis Marushca Celis, Provincial Public Health Officer II ng Bulacan kung saan ang nasabing dengue records ay nasubaybayan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Bulacan mula January 1 to May 27 ng taong ito. Nabatid na ito ay 41% lower kumpara last year na nakapagtala ng 2,195 cases at apat ang nasawi, ayon sa PESU. Ito ay naitala sa mga barangay ng Kaypian, Muzon at Sto. Cristo sa City of San…

Read More

HUSTISYA SA PINAS NAIIMPLUWENSYAHAN NG MGA POWERFUL?

DUDA ang mga kaalyado ni dating Sen. Leila de Lima sa Kamara na naiimpluwensyahan ng mga makapangyarihang tao sa lipunan ang hustisya sa bansa. “Denying bail to Senator De Lima, despite her poor health condition and the lack of evidence against her, is a clear indication that justice in this country is influenced by powerful interests,” ani House Deputy Minority Leader, Rep. France Castro. Hindi nagbanggit ng pangalan ang mambabatas kung sino ang kanyang tinutukoy subalit si De Lima ay kilalang vocal critic sa ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi…

Read More

CHINA DAPAT NA RING LUMAYAS SA WPS

DAPAT na ring umalis sa West Philippine Sea (WPS) ang China. Ito ang iginiit ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez matapos umalis ng mga ito sa 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Vietnam. Ayon sa mambabatas, tuluyan nang nilisan ng research ship ng China na Xiang Yang Hong 10 at escort vessels ang territorial water ng Vietnam matapos magprotesta ang nasabing bansa. “I don’t know what prompted the Chinese to leave Vietnam’s territorial waters, whether it was the Vietnamese protest or the US-China talks. But whatever it was,…

Read More

TOMADOR BUKING SA ALAK SA SHORTS

TAGAYTAY CITY – Hindi umubra ang pag-iiskandalo ng isang 50-anyos na lalaki upang pagtakpan ang itinagong dalawang mamahaling alak sa kanyang shorts, na kanyang inumit sa isang establisyemento sa  lungsod na ito noong Miyerkoles ng umaga. Kasong theft thru shoplifting ang kinahaharap ng suspek na si Rex Andrada, ng Brgy. Rizal, Blumentritt, Manila dahil sa reklamo ni Nico Cacao, 25, ng Brgy. Silang Crossing, Tagaytay City, Cavite. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Joseph Ryan D. Bascugin ng Tagaytay City Police, dakong alas-11:50 ng umaga nang pumasok ang suspek sa nasabing…

Read More

6-ANYOS TOTOY NASAGASAAN PATAY

CAVITE – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki nang masagasaan ng isang Mitsubishi Xpander sa loob ng isang subdivision sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Saint Paul Hospital ang biktima dahil sa malubhang pinsala sa katawan. Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Xpander na si Joven Jersey Francisco, 37-anyos. Ayon sa ulat, minamaneho ni Francisco ang kanyang sasakyan sa loob ng Makati Drive City Homes sa Brgy. Sampaloc 4 at papalabas sa nasabing subdibisyon nang nabangga nito ang bata na naglalakad sa kalsada dakong alas-2:30…

Read More

OR MINDORO GOV. DOLOR HINAMONG PANINDIGAN PAGPAPATIGIL SA JUETENG

HINAMON ng mga taga Oriental Mindoro ang kanilang gobernador na si Humerlito Dolor na panindigan ang pagpapatigil sa operasyon ng jueteng sa lalawigan. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, ilang araw nang tigil ang operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro matapos mapatay nitong Mayo 31, ang radio broadcaster na si Cris Bunduquin. Gayunman, duda ng mga impormante ay posibleng pansamantala lang ito habang pinaplantsa umano ng hindi pinangalanang maimpluwensyang politiko ang operasyon ng ilegal na sugal. Ayon sa mga nagrereklamo laban sa jueteng, kailangan kumilos si Dolor upang mabura sa…

Read More