BEACH RESORT CARETAKER PATAY SA PAMAMARIL

QUEZON – Patay ang isang 34-anyos  na  babaeng caretaker ng isang beach resort  matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek habang nasa isang kubo sa Sityo Paraiso, Barangay Guis-Guis Talon, sa bayan ng Sariaya noong Sabado ng hapon. Ayon sa report ng Sariaya Police, dakong alas 5:20 ng hapon, nakatayo ang biktimang si Aiza Magboo sa harap ng isang kubo ng Beneraza Beach resort, at pasan ang kanyang 2-anyos na anak, nang pagbabarilin ng mga suspek na pagkaraan ay mabilis na tumakas. Masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang paslit…

Read More

BOOKKEEPER NG CPP-NPA NA MAY PATONG NA P5.2-M ARESTADO SA BULACAN

ISANG mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines at armadong galamay nitong New People’s Army, na may patong na P5.2 million sa kanyang ulo, ang nadakip ng mga tauhan Philippine National Police sa San Jose Del Monte, Bulacan. Ayon kay SJDM City PNP Director P/Lt. Col. Rannie Lumactod, dinakip ng mga awtoridad sa pangunguna ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, ang 78-anyos na babae na sinasabing isang high ranking official umano ng CPP-NPA kamakalawa ng gabi sa Towerville, Barangay Minuyan. Sa pahayag ng PNP-CIDG, may…

Read More

2 PATAY, 4 SUGATAN SA TAMA NG KIDLAT SA CAVITE

CAVITE – Dalawang menor de edad ang namatay habang apat na iba pa ang sugatan nang tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na insidente sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang mga biktimang sina Xian Agripa Parangan, 10; John Carlo Mira, 9; Vince Angelo Angcaya, 8; Edison Hachero, 16, construction worker, at Jovic Gubat, 24-anyos, construction worker. Subalit hindi umabot nang buhay sa pagamutan sina Hachero at Parangan. Kinumpirma naman na isang Daniel Geabo, 22, ang biktima rin ng pagtama ng kidlat sa Sitio…

Read More

ONLINE TEACHER HULI SA BUY-BUST

NAARESTO ng Cavite Police ang isang online teacher at nasamsam ang mahigit P60,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Imus City, Cavite, Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Cherrie Monzon y Tobis, alias Pik, 46, ng Brgy. Medicion 2-B, Imus City, Cavite. Sa ulat, dakong alas-2:48 kamakalawa ng hapon nang masakote ang guro sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Imus City Police sa Brgy. Malagasang 2-B, Imus City. Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P69,000 at…

Read More

5 PULIS SABIT SA DRUG OPS NA NAUWI SA RAPE

LIMANG pulis ang sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal matapos dalhin sa isang panuluyan ang 19-anyos na dalagang dinakip sa operasyong ikinasa sa Barangay San Nicolas sa lalawigan ng Cebu walong buwan na ang nakalipas. Bukod sa limang pulis, kaladkad din sa asunto ang police asset na di umano’y kasama ng mga operatibang sumalakay sa bahay ng kaibigan ng biktima Setyembre 19, 2022. Batay sa kasong inihain sa piskalya, pinilahan di umano ng mga hindi tinukoy na suspek ang dalagang sinaktan muna bago ginahasa. Matapos di umanong pagsawaan, pinakawalan ang…

Read More

P100-M PROJECTS IPINAGKALOOB NI FERNANDO SA TABANG, GUIGUINTO

PINAGKALOOBAN ni Gobernador Daniel R. Fernando ng halos P100 milyong halaga ng proyekto ang kanyang barangay sa Tabang, Guiguinto simula noong 2020. Ayon kay Engr. Glenn Reyes, hepe ng Provincial Engineer’s Office, noong 2020, nagbigay ang gobernador sa kanilang barangay ng P60,436,206.49 para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng kalsada sa Tabang at Ilang-ilang; P14,863,041.10 para sa konstruksyon ng multi purpose building, daycare at evacuation centers sa Purok 1; P7,956,997.35 para sa suplay at instalasyon ng solar street lights sa kahabaan ng Guiguinto Old Road; at P15 milyon para sa rehabilitasyon at pagsasaayos…

Read More

ESTUDYANTENG RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK

CAVITE – Patay ang isang 22-anyos na estudyante nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck sa gilid ng kalsada sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Mark Ladao y Dazo, ng Brgy. Loma, Amadeo, Cavite, na idineklarang dead on arrival ng mga doktor sa Ospital ng Tagaytay. Iniimbestigahan na ang driver ng isang puting Sinotruk Howo A7 tractor truck na may trailer truck na may plakang CUX 106, na si Romelou Ando, 36, ng Brgy. Cabezas, Trece Martires City. Ayon…

Read More

7 TULAK SWAK SA BUY-BUST

TINATAYANG sampung gramo ng shabu ang nasamsam sa limang hinihinalang tulak kabilang ang tatlong babae na nasa listahan ng Street Level Individual (SLI) sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, Lunes ng gabi. Nasa kustodiya na ng Bacoor CPS ang mga naaresto na sina Jasmine Gardon, alias Nene; Janet Gardon; Ferdinand Bautista; Patricia Reyes at John Luis Torre, pawang residente ng Bgry. Zapote 1, Bacoor City. Alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang masakote ang mga nabanggit sa Anti-Illegal Drugs operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS.…

Read More

DRUG BUY-BUST NAUWI SA ENGKWENTRO PULIS, 2 SUSPEK PATAY

Patay ang isang pulis at dalawang drug suspek habang dalawang pulis pa ang ang nasugatan nang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation Orion, Bataan. Minalas na masawi sa palitan ng putok si PCpl Darnel Alfonso, nakatalaga sa Orion police station at ang suspek na si Mark Anthony Capacia, may kasong murder. Kinikilala pa ng mga awtoridad ang isa pang napatay na suspek. Sugatan naman sina PMajor  Dennis Duran at PSSG Glen Salac. Batay sa report, isinagawa ng mga tauhan ng CIDG PFU Bataan, PIU Bataan, 2nd PMFC at Orion PNP…

Read More