QUEZON – Hinatulan bilang guilty sa kasong double murder ng Lucena RTC nitong Huwebes ng umaga ang tatlong dating pulis na pangunahing akusado sa pagpatay sa anak ng mayor ng bayan ng Sariaya na si Christian Gayeta at sa kasama nitong si Christopher Manalo noong March 13, 2019. Ayon kay Atty. Crisanto Buela, legal counsel ng pamilya Gayeta, hinatulan ni Judge Dennis Orendain ng Branch 53 ng Lucena RTC, sina dating Tayabas Police chief, Lt. Col. Mark Joseph Laygo, Cpl. Lonald Sumalpong at Pat. Robert Legaspi ng double life imprisonment dahil sa pagpatay sa dalawang biktima. Hindi…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
GINANG SINAKSAK NG 300 BESES NI MISTER
PANGASINAN – Nahaharap sa kasong parricide ang isang security guard makaraang walang-awang pagsasaksakin ng napakaraming beses ang kanyang misis sa bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Mangaldan PNP, patay sa multiple stab wounds ang 39-anyos na ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister. Base umano sa medico legal examination, umabot sa 300 ang sugat ng biktima mula sa nasabing pananaksak. Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Zarate Jr., base sa police report, nangyari ang pamamaslang sa loob ng isang inn sa Barangay Bantayan ng nasabing bayan. Inaalam pa…
Read MorePENTECOSTAL CHURCH PINURI SA SENADO
SA pagkilala sa kanilang pag-aalaga sa ‘holistic well-being’ ng mamamayan, kinilala ni Senator Cynthia A. Villar ang Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) 4th Watch sa pagdiriwang ng kanilang International Missionary Day. Idadaos ng PMCC 4th Watch ang kanilang International Missionary Day sa January 15, 2023 na dadaluhan ng kanilang kapatid sa pananampalataya at ministro na nasa bansa at ibang lugar sa mundo. “Through this online event, PMCC 4th Watch affirms its missionary mandate notwithstanding the restrictions imposed due to COVID-19,” ani Villar. Sa Resolution 407 ni Villar, binati nito…
Read More10 PATAY SA LOW PRESSURE AREA
SAMPU na ang iniulat na namatay habang apat ang sugatan bunsod ng naranasang epekto ng Low Pressure Area sa bahagi ng Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa, Northern Mindanao, Davao at BARMM. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa halos 300,000 indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng Low Pressure Area ngayong Enero. Nabatid mula sa NDRRMC, apektado ng masamang panahon ang 69,308 pamilya o 291,826 indibidwal sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa, Northern Mindanao, Davao at…
Read MoreHIGIT 1M DEBOTO NAKIISA SA PISTA NG NAZARENO
TINATAYANG mahigit isang milyong deboto ang nakiisa sa limang araw na pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila. Base sa pagtaya ng Quiapo Church Operation Center, nasa kabuuang 1,268,435 ang mga dumalo sa mga aktibidad ng kapistahan. Sa simbahan ng Quiapo ay umabot sa 925,782 ang mga dumalo sa misa mula Biyernes (Enero 6) hanggang nitong Martes, Enero 10. Sa Quirino Grandstand naman, nasa 254,653 mananampalataya ang nakiisa sa pagpupugay, dating ‘pahalik’ sa imahe ng Itim na Nazareno. Nauna nang iniulat na nasa 88,000 deboto ang lumahok…
Read MoreLUMILIYAB NA BAGAY SA PALAWAN POSIBLENG BULALAKAW – PHILSA
MAAARING meteoroid o bulalakaw at hindi rocket debris ang gumulantang sa maraming residente sa bayan ng Bataraza at Rizal sa Palawan nang makarinig ang mga ito ng pagsabog habang naramdaman ang pagyanig sa lugar matapos na isang ‘di matukoy na bagay ang bumagsak mula sa langit noong Sabado ng gabi. Sa isang kalatas, sinabi ng Philippine Space Agency (PhilSA) na “based on publicly available information, which includes CCTV footage, the phenomenon could have been caused by a meteoroid as it enters the atmosphere.” “Small meteoroids (usually a few centimeters across)…
Read MoreTOMANDA CRIME GROUP NABUWAG
PINANINIWALAANG nabuwag na ang notorious na Tomanda criminal group matapos na madakip ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pinuno at 2 miyembro ng sindikato sa ikinasang police operation sa sa Sultan Kudarat. Kinilala ni PNP-CIDG Director P/BGen. Ronald Lee ang nadakip na lider ng grupo na si Norylyn Delos Reyes Tomanda, no.8 provincial most wanted person ng Sultan Kudarat. Kasama sa nadakip ang dalawang tauhan nito sina Jeve Delos Reyes Tomanda, no.10 provincial MWP ng Sultan Kudarat, at Jenelyn Piedraverde Maquidato, no.9 provincial MWP ng…
Read MoreCURFEW SA MALOLOS HINIGPITAN
IPINATAWAG ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang mga kabataang lumalahok sa mga gang sa lungsod pati ang kanilang mga magulang upang paalalahanan sa parusang maari nilang kaharapin kaugnay ng pagpapaigting ng ipinatutupad na curfew matapos ang pagkakapaslang sa isang PWD kamakailan. (Kuha ni ELOISA SILVERIO) PINAIGTING ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang kanilang City Ordinance No. 07-2004 o mahigpit na pagpapatupad ng curfew partikular na sa mga kabataan kasunod ng pagpaslang sa isang person with disability noong araw mismo ng Bagong Taon kung saan nasasangkot ay mga menor…
Read MoreNAHULI-CAM! FOOD DELIVERY DRIVER KINUYOG
LUCENA CITY – Kinuyog at pinagtulungang bugbugin ng limang hindi kilalang kalalakihan ang isang food delivery rider sa isang gasolinahan sa lungsod. Noong Lunes hapon, nagharap ng reklamo sa Lucena Police Station ang biktimang si Reynaldo Calisay, 30, Food Panda delivery rider. Ayon dito, bago ang pagbugbog sa kanya noong Linggo ng tanghali ay may nakasagutan siya sa kalsada dahil sa simpleng traffic incident habang sakay ng kanyang bisikletang ginagamit sa pag-deliver ng pagkain. Nabatid sa imbestigasyon ng Lucena Police at base sa kuha ng CCTV ng gasoline station, nakahinto ang biktima sa…
Read More