PULIS NA-HEAT STROKE SA DUTY, PATAY

CAVITE – Pinaniniwalaang namatay dahil sa heat stroke ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang makaramdam ng hirap sa paghinga habang nagpapatrulya sa Trece Martires City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si P/SMsgt. Joselito Alegre Amparo, 45, may asawa, ng Trece Martires City, at Patrol member ng Trece Martires City Police Station. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Frisian Marie Navarro ng Trece Martires City Police, nagpapatrulya ang biktima kasama si PSMSgt. Joseito Amparo sa kahabaan ng Conchu Hugo Perez Road ng nasabing lungsod nang makaramdam umano ito ng…

Read More

Patubig sa barangay nabitin CHAIRMAN INIREREKLAMO SA ‘DI TAPOS NA PROYEKTO

NAKATENGGA ang proyektong patubig sa isang sitio sa Barangay Villabatabat, Buenavista, Quezon dahil sa hindi nakumpletong installation ng tangkeng ito na pinondohan ng mahigit P271,000 kaya kinukwestyon ng mga kagawad.     INIHAHANDA ng grupo ng mga kagawad mula sa bayan ng Buenavista, Quezon ang reklamong isasampa laban sa kanilang chairman dahil sa hindi natapos na proyekto sa kabila ng paglalaan ng pondo ng barangay para rito. Ayon sa mga kagawad ng Barangay Villabatabat, Buenavista na sina Rafael Alfuente, Abner Agad, Alfredo dela Roca Jr., Wilson Fontanilla at Sigrido Calag,…

Read More

2 WANTED RAPIST ARESTADO SA CAVITE

CAVITE – Arestado ng Cavite Police sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang wanted sa kasong rape, kabilang ang no. 2 most wanted person city level, sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang dalawang naaresto na si Carlo Mariano y Masanque, 23, at Joseph Leona y Glean, 46. Si Mariano ay inaresto dakong alas-1:00 hapon sa Brgy. Poblacion 4B, Imus City, ng Warrant Section ng Imus City Police at 401st A Maneuver Company RMFB 4A, sa bisa ng warrant of arrest dahil…

Read More

CONVENIENCE STORE SA BACOOR, HINOLDAP

CAVITE – Inaalam pa ng pulisya ang kabuuang halaga ng cash na tinangay matapos na holdapin ang dalawang crew ng isang kilalang convenience store sa Bacoor City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na humoldap sa Alfamart Convenience Store sa Main Road, Kamias St., Camella Springville, Brgy. Molino 3, Bacoor City. Ayon sa salaysay ng store crew na sina Mary Rose Lotoc at John Abarintos kay P/SSgt. Kelvin Kenneth Casaman ng Bacoor City Police, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store…

Read More

LUMAKLAK NA WALANG PAMBAYAD, 3 ARESTADO

CAVITE – Arestado ang tatlong kalalakihan matapos na tinangkang tumakas at hindi bayaran ang tinatayang P4,530 na halaga ng kanilang ininom sa isang KTV bar sa Bacoor City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Nahaharap sa kasong estafa sina Jerick Flores y Gumabo, 28; Richard Piccio,  21, at Christopher Demdam y Asuncion, 21, dahil sa reklamo nina Suzette Pagulayan, 35, floor manager, at Mico Sarte, waiter, ng Sparkle S3 KTV Bar sa Brgy. Molino 1, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Roberto Lacasa ng Bacoor City, dakong alas-2:15 ng madaling araw nang…

Read More

NTC HINDI AATRASAN ANG NEWSNET HANGGANG SC

NANINDIGAN ang National Telecommunications Commission (NTC) na nakahanda ito sa legal na pakikipagtagisan sa News and Entertainment Network Corp. (Newsnet) hanggang Supreme Court (SC) matapos ipagpilitan ng Court Appeals (CA) ang pagpapatupad ng isang nabaligtad nang desisyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA). Ang Newsnet ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Mel Velarde. Sa isang pahayag matapos tanggihan ng CA ang motion for reconsideration (MR) ng NTC, inihayag ng Komisyon na hindi pa pinal ang desisyon ng CA at iaakyat nito ang kaso sa kataas-taasang hukuman. Kaugnay nito, pinanindigan ng NTC na…

Read More

Sa tangkang salvage sa pedicab driver 4 PULIS-QUEZON GUILTY SA ATTEMPTED MURDER

QUEZON – Hinatulan bilang ‘guilty’ ang apat na mga pulis na bumaril at nagtangkang pumatay sa isang pedicab driver noong Nobyembre 2018. Ayon sa ibinabang desisyon nitong Martes ni Judge Michael Vito ng Gumaca Regional Trial Court Branch 172, isinasaad na ‘guilty sa kasong  attempted murder ang mga akusadong sina PO2 Jhaymar Espedido, SPO4 Wilson Villegas, SPO3 Noel Malabayabas at SPO2 Bryan Nobo. Ang apat ay pawang hinatulan ng pagkabilanggo ng mula lima hanggang 10 taon. Batay sa record, ang biktimang pedicab driver na si Roger Herrero ay dinukot ng apat na kalalakihan…

Read More

KOLEKSYON SA YOSI TINANGAY NG HOLDAPER

CAVITE – Tinatayang P104,000 cash na mula sa koleksiyon ng bayad sa sigarilyo, ang natangay ng dalawang hinihinalang holdaper sa Imus City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga suspek sa gallery ng wanted persons, na sina Joshua Zamora y Trinidad at BJ Camaisa, kapwa residente ng Brgy. Anabu 2F, Imus City. Ayon sa salaysay nina Zaldy Jacob, 46, sales agent, at Erajel Tano, 38, driver ng JMetric Enterprises Corp., kay P/SSgt. Anthony Macario ng Bacoor City Police, sakay sila ng delivery truck na may plakang XMU 470, at nagparada sa Brgy. Pasong Buaya…

Read More

3 NAARESTO SA P107K SHABU BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang P170,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang tatlong hinihinalang tulak  sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Noraima Saripada, Bitoon Datoon at Jennifer Pallen, pawang nasa hustong edad at residente ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City. Nabatid sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police sa Kabulusan, Brgy.…

Read More