MAS mapapadali ang serbisyo sa mga residente sa Barangay Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan matapos ang matagumpay na plebesito noong nakaraang linggo para hatiin ito sa apat na barangay. Ito ang tinuran ng mag-asawang San Jose del Monte City Rep. Florida Robes at Mayor Arthur Robes kaugnay ng katatapos na plebisito na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec). “This is a step towards development in terms of delivery of basic services to the newly formed barangays,” ani Rep. Robes kung saan 30.44% o 13,322 sa 43,771 registered voters…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
DLSU GRADUATING STUDENT PATAY SA AKYAT-BAHAY
WALA nang buhay nang matagpuan ang 24-anyos na graduating student bunga ng 14 tama ng saksak mula sa hindi pa nakikilalang suspek na pumasok sa dormitoryo sa Dasmarinas City sa lalawigan ng Cavite. Kinilala ang babaeng biktima na si Leanne Duguesing, isang graduating student ng De La Salle University sa kursong Computer Science. Sa imbestigasyon ng pulisya, kinabukasan pa ng hapon nang makita ang halos walang saplot na bangkay ng biktimang tinadtad ng saksak sa loob ng silid ng dormitoryong inuupahan sa Barangay Sta. Fe ng nasabing lungsod. Batay sa…
Read More3 TULAK ARESTADO SA P3.4-M SHABU SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang mga drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa harapan ng isang convenience store sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Saidamen Balbal y Andam, 24; Eugene Coyoca y Dagame, 32, at Samroding Macalnas y Bundas, 28-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang makipag-ugnayan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pampanga sa PDEA Regional Office 4A Regional Special Enforcement Team (RSET), PDEA Cavite Police Office, at Dasmariñas City Police, hinggil sa isasagawang buy-bust…
Read MoreP2.65-M COCAINE NASABAT SA LAGUNA
LAGUNA – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa bentahan ng cocaine sa mga disco club at pub sa Metro Manila at Angeles City, sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng isang sikat na theme park sa Barangay Balibago, Sta. Rosa City sa lalawigang ito. Ang operasyon ay isinagawa ng magkatuwang na mga operatiba ng PDEA Region III – Pampanga Provincial Office, PDEA CALABARZON, at ng Sta. Rosa Police dakong alas-10:40 ng gabi malapit sa parking lot ng Enchanted Kingdom sa nasabing lungsod. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Aaron…
Read MorePLEBISITO SA CARMONA, CAVITE BILANG COMPONENT CITY SA JULY 8
KASADO na ang pagdaraos ng plebesito sa Hulyo 8 para sa conversion ng munisipalidad ng Carmona sa Cavite bilang component city. Ayon ito sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10901 na isinapubliko noong Lunes. Itinakda ng Comelec ang information and campaign period mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 6. Sa nasabing panahon, ipagbabawal na tanggalin, sirain, at pakialaman ang mga legal na materyales sa propaganda ng plebisito; appointment o pagkuha ng mga bagong empleyado o pag-promote o pagbibigay ng mga pagtaas ng suweldo; pagpapalabas ng pampublikong pondo; pagbili ng boto at pagbebenta…
Read More2 NPA PATAY, 2 PA ARESTADO
NAPATAY ang dalawang hinihinalang Communist NPA Terrorist habang arestado ang dalawa pa nilang kasamahan sa inilunsad na tactical operation ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Vertudazo, Brgy. San Juan, Bayugan City, Agusan Del Sur kahapon ng madaling araw. Nakasamsam din ang tropa ng Army 4ID ng dalawang high powered firearms kasunod ng sagupaan. Sa ulat, naglatag ng joint operation ang pinagsanib na puwersa ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) sa ilalim ng 401st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Rommel Almaria, at 65th Infantry Battalion at 2nd…
Read More1 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN
BATANGAS – Isa ang patay habang pito ang sugatan matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa Lipa-Ibaan Road, sa Barangay Mabini, Lipa City dakong alas-9:00 noong Lunes ng gabi. Nagsimula ang karambola matapos na araruhin ng isang humahagibis na kotseng Toyota Vios na minamaneho ng isang menor de edad na estudyante, ang dalawang tricycle. Ayon sa report ng Lipa City Police at base sa kuha ng CCTV ng isang establisyemento sa lugar, unang sinalpok ng kotse ang isang nakahintong tricycle sa kanto na tatawid sana sa highway. Sa lakas ng…
Read MoreESTUDYANTE, 8 PA DINAKMA SA TUPADA
CAVITE – Siyam na indibidwal, kabilang ang isang 17-anyos na estudyante, ang binitbit ng Cavite police nang maaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-10:50 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operations ang Intelligence operatives ng Gen. Trias City Police sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na mananabong sa aktong nagsasagawa ng tupada. Nakuha sa kanila ang P3,300 halaga ng taya, dalawang tari at dalawang panabong. Dakong alas-5:00 naman…
Read MoreNAG-ALBUROTONG LALAKI TODAS SA BIYENAN
BATANGAS – Patay ang isang lalaki nang saksakin ng biyenang lalaki nang magwala at atakehin ng biktima ang kapamilya sa Barangay Putingbuhangin, sa bayan ng San Juan, sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Namatay bago mairating sa ospital ang biktimang si Joshua Babao Araño. Batay sa report ng San Juan Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima at nagsimulang gumawa ng kaguluhan. Napagdiskitahan umano nito at pinagsusuntok ang kanyang misis na si Charlene Rubia Araño at isa niyang bayaw. Tinangka naman itong awatin…
Read More