P10-M DAGDAG TULONG NG US SA APEKTADO NG OIL SPILL

NAGBIGAY ang United States Agency for International Development (USAID) ng karagdagang P10 milyong halaga ng tulong sa Oriental Mindoro para tugunan ang epekto ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Sa pagbisita sa Calapan City, Oriental Mindoro ni USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn, inanunsyo nito ang karagdagang tulong para sa pagsasanay sa mga mangingisda na nawalan ng hanapbuhay dahil sa fishing ban. Ang mga mangingisda ay tuturuan na maging citizen scientists para makatulong sila sa pagsasagawa ng pag-aaral sa epekto ng oil spill sa coastal habitat…

Read More

2 PULIS CAVITE ARESTADO SA PANGMOMOLESTIYA

CAVITE – Hawak na ng Cavite police ang dalawa nilang kabaro makaraang ireklamo ng pangmomolestiya ng isang 18-anyos na babae sa Imus City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga inaresto na sina Corporal Bryan Santiago Balajay at P/MSgt. Rey Mendoza Pogoso, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 1, Imus City dahil sa reklamo ng isang 18-anyos na Grade 12 student ng Bacoor City. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa isang apartment sa Bahayang Pag-Asa Ph 6, Molino V, Bacoor City makaraang makipag-inuman…

Read More

CHINESE KIDNAP VICTIM NATAGPUANG PATAY

CAVITE – Isang bangkay ng hinihinalang Chinese national na biktima ng kidnapping, ang natagpuan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Inilarawan ang biktima na nakasuot ng maong pants, walang damit pang-itaas, tinatayang 30 hanggang 40-anyos, nakabalot sa duct tape ang ulo at may mga sugat sa leeg at kamay. Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang nadiskubre ng mga estudyante ng POTC ARESCOM ang bangkay ng biktima sa isang madamong bahagi ng lote sa Sta. Lucia Realty Development, Saddle and Club Leisure Park sa…

Read More

DRUM NA MAY LAMANG WAR MATERIALS, NAHUKAY

CAMARINES SUR – Nahukay ng pinag-isang pwersa ng 22nd Infantry Battalion at ng Philippine National Police (PNP) ang isang drum na may lamang mga maka-teroristang kagamitan sa Barangay Calmayon, Juban, Sorsogon. Kasunod ito ng pagsuko ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad kahapon, na kinilala sa alyas na “Ka Gohan” (dating miyembro ng Platoon 1, L2, KP3) at isinuko ang isang kalibre .38 na revolver. Mismong si Ka Gohan ang nagturo sa pinagtataguan ng nasabing maka-teroristang kagamitan kung saan nadiskubre ang isang drum na naglalaman ng…

Read More

Habang naka-video call SINGAPOREAN NATIONAL NAHULOG MULA 5TH FLOOR

CAVITE – Hinihinalang nawalan ng panimbang kaya nahulog mula sa 5th floor ng isang hotel ang isang 23-anyos na Singaporean national habang nakikipag-video call sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa De La salle University Medical Center ang biktimang si Angel Tun, dalaga, isang freelancer, at pansamantalang nanunuluyan sa Spring Plaza Hotel sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, dahil sa mga sugat sa katawan.  Ayon sa salaysay ng isang saksi sa pulisya, dakong alas-7:42 ng gabi nang mangyari ang insidente sa 5th floor ng Spring Plaza Hotel sa nasabing lugar.…

Read More

35 INDIBIDWAL ARESTADO SA ANTI-CRIME OPS

CAVITE – Umabot sa 35 indibidwal ang arestado sa ikinasang daily anti-criminality operations sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Christopher F. Olazo, Provincial Director, Cavite PPO, lima ang inaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations na nagresulta sa pagkumpiska ng 15 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Sa kampanya sa ilegal na sugal, 26 ang inaresto sa aktong naglalaro ng cara y cruz, mahjong, tong-its, at sakla. Naaresto naman ng Tanza Police Station ang rank no.1, municipal level suspect na si Joel Mehila y…

Read More

LALAKI TODAS SA SALPOK NG BUS SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na masagasaan ng pampasaherong bus sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Cecilia, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marlon Del Rosario, residente ng nasabing barangay. Batay sa report, dakong alas-11:00 ng gabi nang mahagip ang biktima ng DLTB bus na patungong Bicol habang papatawid sa kalsada. Sinubukan pa itong iwasan ng bus subalit nasalpok din ito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito. Naaresto naman ng mga tauhan ng Tagkawayan Police ang driver ng bus…

Read More

HIGANTES NG ANGONO BUMIDA SA DAVAO

BILANG tugon sa paanyaya ng tubong-Davao City na si Vice President Sara Duterte, rumampa – at bumida – sa ika-86 Araw ng Dabaw ang mga makulay na Higantes ng baybaying bayan ng Angono na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines. Nobyembre ng nakaraang taon nang hilingin ni Duterte kay Angono Mayor Jeri Mae Calderon ang pakikilahok ng mga Higantes ng Angono para sa kapistahan ng Davao City – bagay na positibong tinugon ng lokal na pamahalaan. “I am so amused with what I just saw. In fact, I’m…

Read More

GO NAKIISA SA ANIBERSARYO NG ROMBLON

NAKIISA si Senador Christopher “Bong” Go sa pagdiriwang ng 78th Liberation at 122nd Founding Anniversary ng lalawigan ng Romblon noong Huwebes, (Marso 16)— dalawang kaganapan na nagpatingkad sa pagkakaisa ng  mamamayan nito na nagtagumpay sa mga hamon at nagtutulungan upang bumuo ng isang maunlad at masiglang komunidad sa buong taon. Sa ilalim ng Republic Act No. 9642, na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang Marso 16 ng bawat taon ay idineklara bilang Romblon Foundation Day. Samantala, ang Proclamation No. 430, na nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino, ay nagdeklara…

Read More