64-ANYOS NA LOLA PATAY SA BACKHOE

patay

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 64-anyos na lola nang nasagasaan ng isang backhoe habang naglalakad sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Laura Dequena Evangelista, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite, na agad namatay sa lugar ng insidente. Habang hawak na ng pulisya ang operator ng backhoe na si Jackson Movilla Lacandola, 42, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite Ayon sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, naglalakad ang biktima dakong alas-7:00 ng gabi ngunit pagsapit sa tapat ng isang Sari-sari store sa…

Read More

3,524 TITULO IPAMAMAHAGI NG DAR SA COTABATO

PARA maipatupad ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na libreng ipamahagi ang lupang agraryo sa mga walang lupang masasaka, nakatakdang ipamahagi ni  Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 3,524 certificates of land ownership award (CLOAs) sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng Kidapawan, North Cotabato sa Disyembre 10, 2022. Sinabi ng DAR, may kabuuang lawak na 6,103 ektaryang lupain ang ipamamahagi sa 3,273 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lugar. “I will personally deliver these land titles to give them hope, to let them feel that the government is here ready to…

Read More

MISTER NA NAGHIHINTAY KAY MISIS BINARIL SA PARKING LOT

DEAD on the spot ang isang lalaki na susundo lamang sa kanyang misis matapos na ito ay barilin sa parking lot ng kanyang pinaghihintayang ceramics store sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City, Batangas, Martes ng hapon. Kinilala ng Sto. Tomas City police ang biktima na si Christopher Baytan, residente ng Blue Isle Subdivision, Brgy. San Antonio, sa nasabing lungsod. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon, nakaupo ang biktima sa kanyang  motorsiklo sa parking lot nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa isa ring motorsiklo. Bigla…

Read More

20 MWPs NABITAG SA CALABARZON

Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna – Pumalo sa 20 katao ang bilang ng naarestong most wanted persons ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit – Calabarzon sa loob ng isang linggong operasyon, mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4, 2022. Habang 28 ang nahuli laban sa ilegal na sugal at P5,5000 ang halagang nakolektang ebidensya. Sa pagpapatupad naman ng other Law Enforcement Activities o OLEA, umabot sa 9 katao ang naaresto, 6 rito ang sinampahan na ng kaukulang kaso. May kabuuang P162,000 ang nakumpiskang halaga…

Read More

1K residente ng 2 barangay apektado PAGBABAKOD SA KOMUNIDAD SA QUEZON, PINAIIMBESTIGAHAN

HINIHILING ng mga opisyal ng isang barangay sa bayan ng Sariaya, sa lalawigan ng Quezon na imbestigahan ng Department Environment and Natural Resources  (DENR) at ng lokal na pamahalaan ang pagbabakod ng isang korporasyon na umano ay nag-aangkin ng malawak na lupain sa kanilang lugar. Ayon sa sulat ni Barangay Chairman Benedicto Robo ng Barangay Guis-Guis San Roque, isa sa dalawang barangay na nasakop ng bakod, sakop ng “salvage zone” o easement ng dagat at pangitlugan ng mga endangered na pawikan ang baybaying dagat na kasama sa nabakuran. Wala aniyang ginawang konsultasyon sa mamamayan at wala…

Read More

LGBT MEMBER HINIWA SA MUKHA NG HOLDAPER

CAVITE – Nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang menor de edad na kalalakihan matapos holdapin ang isang miyembro ng LGBT at nag-iwan pa ng marka sa mukha nito na hiniwa ng cutter sa Gen. Trias City noong Lunes ng umaga. Ang dalawang menor de edad na 17 at 15-anyos, ay nasa pangangalaga na ng Gen. Trias City Social Welfare and Development (MSWD) habang ang isa nilang kasamahan ay pinaghahanap ng pulisya. Nilalapatan naman ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Edison Buscay, 22,…

Read More

EX-BATANGAS VICE GOV NATAGPUANG PATAY

NANGANGAMOY na at pinaniniwalaang ilang araw nang patay nang matuklasan ng anak, pulis at barangay officials ang bangkay ni dating Batangas vice governor Richard “Ricky” Recto y Gonzales, 59, na may tama ng bala ng baril, sa kanyang bahay sa Pasig City. Ayon sa ulat, humingi ng saklolo sa pamamagitan ng Viber si Raina Galang Recto dakong alas-5:00 ng hapon sa sub-station hinggil sa insidente. Agad namang tinungo nina Rosario Dela Cruz, Cpl. Cachuela, barangay officials, Security Personnel OIC Marvin Aurelia ang Valle Verde 6 kung saan natuklasan ang bangkay…

Read More

REBELDE SUMUKO SA BULACAN PNP

Camp General Alejo S Santos, CITY OF MALOLOS – Isang dating aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kusang loob na sumuko sa Bulacan PNP sa Sampaloc, San Rafael, Bulacan nitong Lunes. Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO) Director, Col. Relly Arnedo, ang sumukong rebelde na si alias “Ka Biboy”, 35, construction worker, at dating medic officer ng NPA na kumikilos sa bahagi ng Nueva Ecija at Aurora, isa rin siyang aktibong miyembro ng KADAMAY. Ayon kay Lt. Col. Laurente Acquiot, Force Commander, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), sumuko si Ka Biboy bandang alas-9:30 noong Lunes ng gabi sa joint…

Read More

29 SABUNGERO BINITBIT NG CIDG

CAVITE – Nabulaga ang 29 mga sabungero kabilang ang pitong senior citizen, nang bitbitin ng mga tauhan ng Cavite Police sa aktong nagsasagawa ng tupada sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga . Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng Oplan Roulette  ang  pinagsamang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite PFU; CIDG RFU4A RSOT, PMFC Cavite, GMA MPS at S2 Cavite, sa Block 22, Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite kung saan naaktuhan ang mga sabungero habang nagsasagawa ng tupada.…

Read More