CAVITE – Patay ang isang 39-anyos na motorcycle rider nang bumangga sa isang nakaparadang jeepney matapos na sumablay sa pag-overtake sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Isinugod pa sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si John Ramel Abayon y Gaspar, ng Pasay City, subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Suzuki Raider 150 dakong alas-2:30 ng madaling araw at binabagtas ang kahabaan ng Gov. Ferrer Drive sakop ng Brgy. Pasong Kawayan 1, Gen. Trias City, Cavite. Tinangka…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PNP may mga suspek na BLACK SAND MINING MOTIBO SA ALAMEDA KILLING
UNTI-UNTI nang lumilinaw ang kaso ng pagpatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang iba pa, ayon kay Philippine National Police chief, Police General Rodolfo Azurin Jr., kahapon. Sa ginanap na pulong balitaan kahapon sa Camp Crame, Quezon City, inihayag ni General Azurin na may ‘persons of interest’ na silang tinututukan na hinihinalang sangkot sa pananambang sa grupo ni Vice Mayor Alameda sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong Pebrero 9. Nabatid na ilan sa mga ito ay kinukunan na ng pahayag at affidavit ng mga imbestigador subalit tumangging kilalanin…
Read More3 LAWLESS ELEMENTS PATAY SA AFP-PNP JOINT OPS
PATAY ang tatlong lawless elements sa ikinasang joint PNP-AFP operations nitong nakalipas na linggo na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng apat na high powered firearms, ayon sa militar. Ayon kay Maj. Gen. Alex Rillera, commander ng Joint Task Force Central, naglunsad ng joint law enforcement operation ang mga tauhan ng Philippine Army 602nd Infantry Brigade at Cotabato Provincial Police Office laban kina Abdullah Kurdotoy at Jonathan Kadalem sa Barangay Macabual, Pikit, Cotabato, Sabado ng madaling araw. Sa ulat, bago pa madikitan ng mga awtoridad ang target na bahay ay sinalubong…
Read MoreMula sa bumagsak na Cessna plane sa Isabela RETRIEVAL TEAM NAHIRAPAN SA PAGBABA SA 6 BANGKAY
SINAGUPA ng Philippine Army at ng iba pang kasapi ng retrieval team ang masamang panahon at peligrosong terrain para maibaba ang anim na bangkay na sakay ng bumagsak na Cessna 206, ayon sa Isabela Incident Management Team (IMT). Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nahirapang marating ng retrieval team ang kanilang extraction point kung saan sila papalitan ng nag-aabang na second team na humahalili sa pagod na pagod nang grupo. Sa pinakahuling ulat, bandang alas-12:54 ng madaling araw kahapon nadala ng retrieval team ang labi ng piloto at mga pasahero…
Read MoreLOLO PATAY, 3 IBA PA SUGATAN SA TANKER
CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lolo habang sugatan ang tatlong iba pa na pawang riders, nang araruhin ng isang Isuzu tanker sa Tagaytay City noong Sabado ng umaga. Pawang isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktimang sina Luis Ligeralde y Silleza, 68; Martin Villanueva y Nibay, 55; Roselle Villanueva, 18; at Aljon Cebellina y Guillermo, 19, subalit idineklarang dead on arrival si Ligeralde. Kinilala naman ang driver ng isang Isuzu Tanker na may plakang TQV 353, na si Godfrey Flores y Viacoles, 44, ng Brgy. Pulido, General…
Read MoreQUAKE DRILLS LAYON BAWASAN CASUALTIES – NDRRMC
NANAWAGAN ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na lumahok sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan mahulaan kung kailan mangyayari ang lindol. “We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. Earthquakes can happen anytime without warning and sometimes they can be as devastating as what happened in Türkiye,” ayon kay NDRRMC executive director Undersecretary Ariel Nepomuceno. Isinagawa ng NDRRMC ang first quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED),…
Read MoreJAPAN TUTULONG SA OIL SPILL CLEANUP SA ORIENTAL MINDORO
HANDANG makipagtulungan ang mga tauhan ng bansang Japan na eksperto sa oil control, sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para mapigilan ang pagkalat ng langis na tumagas sa Naujan, Oriental Mindoro. Base sa ulat ng PCG, direkta silang nakipag-ugnayan kay Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na nagsabing ang disaster relief expert team ng Japan ay darating sa bansa para tumulong sa paglilinis at pagkontrol sa oil spill. Noong Pebrero 28 nang tuluyang lumubog ang motor tanker (MT) Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa…
Read MoreINDIAN NATIONAL PATAY SA HOLDAPER
CAVITE – Tinutugis ng mga tauhan ng Cavite Police ang dalawang kalalakihan na nangholdap at pumatay sa isang Indian national sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Jatinder Pal Singh, 38, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni Corporal Marco Romero Cupo ng Bacoor City, dakong alas-11:00 ng umaga nang maningil ng kanyang mga pautang ang biktima sa Arevalo Compound, Brgy. Real 1, Bacoor City. Nilapitan umano ito ng mga suspek, nagdeklara ng holdap at tinangay ang…
Read MorePOLICE OFFICIAL SA BRGY. CHAIRMAN SLAY, SUMUKO
NASA kustodiya na ng Police Regional Office 4A (PRO4A) sa Camp Vicente Lim, Laguna, ang umano’y isang opisyal ng pulisya na itinuturong sangkot sa pagpaslang kay San Carlos, Lipa City barangay captain Vivencio Palo na pinagbabaril ng mga suspek habang lulan ng kotse noong Pebrero y 26 sa Lipa City. Ayon sa pahayag ni P/Lt. Col. Eunice de Guzman, CALABARZON Police PIO, sa isang radio program, ang pulis na may ranggong police lieutenant colonel (PLTCOL) ay agad sumunod sa kautusan ni PRO4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mag-report sa regional…
Read More