Suspek nagpakamatay 4 MAGKAKAPATID MINASAKER NG STEPFATHER

CAVITE – Ipinadala pa sa FB Messenger ng isang tricycle driver ang larawan ng mga bangkay ng apat na mga batang kanyang minasaker, sa ina ng mga biktima saka ito nagpakamatay matapos magtalo ang mga ito dahil sa selos at hindi umano pagpapada ng pera ng ginang na OFW, sa Trece martires City noong Huwebes ng tanghali.  Kinilala ang magkakapatid na mga biktimang sina Princess Viajan Marie Dona, 4; Bianca Rose Bisa, 10; Jacklyn Joy Bisa, 6, at Conrado Bisa, 6, pawang natagpuang patay sa loob ng isang silid ng…

Read More

MAG-INA, 1 PA ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

CAVITE – Nadakip ang tatlo katao, kabilang ang ina ng isa sa mga suspek na nakialam umano sa pag-aresto sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Rommel Organiza y Israel at Buenaventura Parado y Torres, kapwa nasa hustong edad Habang sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 151 ng RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents), Art. 148 ng RPC (Direct Assault)…

Read More

BIGTIME PUSHER HULI SA P3-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng hapon.  Kinilala ang suspek na si Abubakar Baliman y Salangani, nasa hustong edad, residente ng Molino 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-3:40 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 4A, Regional Special Enforcement Team (RSET) 1 at 2, PDEA Cavite at Bacoor City Police (CPS), sa Town…

Read More

NIA: SIRA SA BULO DAM ‘DI DELIKADO

NAGSAGAWA ng site inspection si Bulacan Governor Daniel Fernando sa Bulo Dam na matatagpuan sa Barangay Kalawakan sa bayan ng Donya Remedios Trinidad kasama ang mga opisyal ng National Irrigation Administration buhat sa Central at Region 3 offices kung saan nadiskubreng nagkaroon ng ilang pagkasira sa bahagi ng dam sanhi ng pananalasa ng Super Typhoon Karding noong 2022. Tiniyak naman ng NIA na maayos at ligtas ang kalagayan ng Bulo Dam. (Kuha ni: ELOISA SILVERIO) TINIYAK ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) na nasa ligtas na kalagayan at hindi…

Read More

4 SUSPEK SA DEGAMO SLAY INILIPAT SA CAMP CRAME

MATAPOS ihayag na pinag-aaralan ng prosekusyon ang salaysay ng dalawa sa apat na mga suspek sa Degamo slay case, kaugnay sa posibilidad na ilagay sila sa Witness Protection Program ng gobyerno, pansamantalang inilipat sa kustodiya ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City ang apat na isinasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa. Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, kasalukuyang nakadetine na sa PNP Custodial Center ang apat na mga suspek kasunod ng isinagawang inquest proceeding sa Negros Oriental. Sinasabing para na rin ito…

Read More

BORDERS NG NEGROS ORIENTAL SELYADO

SELYADO ngayon at mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng entry at exit points sa Negros Oriental kaugnay sa nagpapatuloy na hot pursuit operation laban sa natitira pang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa. Ito ay makaraang ihayag ng PNP na malaki ang posibilidad na may lead na sila sa pagkakakilanlan ng mastermind sa malagim na Degamo slay case matapos ang inquest proceeding sa apat na nadakip na…

Read More

LALAKI ARESTADO SA IPINUSLIT NA 27 SHORTS SA DEPT STORE

CAVITE – Tinatayang 27 piraso ng mga short na mahigit P13,000 ang halaga, ang binitbit palabas mula sa department store ng isang lalaki sa Trece Martires City, noong Lunes ng gabi. Hawak na ng pulisya ang suspek na si Zion Villanueva y Coran, nasa hustong edad, binata, ng Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan, dahil sa reklamo  ni Maria Sheila Ramos, manager ng Suyen Corporation, ang gumagawa ng Bench products. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bryan Jay Comia ng Gen. Trias City Police, dakong alas-4:45 ng hapon nang pumasok ang suspek sa isang department…

Read More

CALAX SILANG MALAPIT NANG MATAPOS

DALAWA hanggang tatlong buwan simula ngayon, inaasahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makukumpleto nila ang konstruksyon ng Silang Interchange segment ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa pagpasok ng buwan ng Mayo. Ayon sa DPWH, makakukuha na ng “writ of possession” sa nalalabing 15,650 square meters na lupain na kailangan sa proyekto. Nitong Pebrero 2023, tinanggal ni Tagaytay Regional Trial Court Branch 134 Judge Michael Maranan ang suspensyon sa pagpapalabas ng “writ of possession” sa nalalabing lupain para makumpleto ang proyekto. Dahil dito, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na makukumpleto…

Read More

BAGONG CAPIZ ARCHBISHOP ITINALAGA NI POPE FRANCIS

NAGTALAGA na si Pope Francis ng bagong Capiz Archbishop. Ito ang ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) makaraang italaga ng Santo Papa si Bishop Victor Bendico. Bago ang kanyang pagkakatalaga, ang 63-anyos na Obispo ay nagsilbi bilang Obispo ng Diocese of Baguio simula 2017. Siya ang ika-apat na Archbishop ng Capiz. Naging “sede vacante” ang Capiz Archdiocese , isang termino para sa estado ng isang diyosesis na walang obispo, sa loob ng dalawang taon matapos itong bakantehin noong 2021 ni ngayon ay Manila Archbishop Jose Advincula. Simula noon, ang archdiocese ay pinangasiwaan ni Monsignor Cyril Villarreal. Ipinanganak si Bendico…

Read More