BOGA NI KAP TINANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang hinihinalang akyat-bahay na tumangay sa dalawang baril ng isang barangay chairman sa Tagaytay City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Arnaldo Rotap y Quiazon ng Brgy. Maitim ll West, Tagaytay City, Cavite, at San Diego St., Sampaloc, Manila. Inilarawan ang suspek na isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at tinatayang may taas na 5″4. Ayon sa reklamo ni Kap kay Corporal Dexter II Alibutdan ng Tagaytay City Police, alas-3:15 ng madaling araw nang nagising siya…

Read More

OIL SPILL SA ORIENTAL MINDORO POSIBLENG UMABOT SA PALAWAN

NAGBABALA ang DENR at UP Marine Science Institute na posibleng umabot sa coastal communities partikular sa mga nasa eastern at southern sides ng Oriental Mindoro ang oil spill na nagmula sa lumubog na tanker na MT Princess Empress. Una nang ibinabala ng DENR ang pagtama nito sa northern part ng Antique kasama ang Liwagao island, Caluya at Semirara island kung saan noong Sabado ay umabot na ang oil spill sa nasabing sa mga lugar. Nasa mahigit 5 kilometro na sa mga baybaying dagat ng ilang barangay sa bayan ng Caluya, Antique ang naabot ng…

Read More

DEGAMO SLAY CASE: 10 PATAY

UMAKYAT na sa sampu ang bilang ng mga namatay sa malagim na Governor Roel Degamo slay case matapos na mapaslang ng pinagsanib na pwersa ng PNP Special Action Force, Philippine Army at PNP Region 7, ang isa sa mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 7 spokesperson Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, nasa siyam ang bilang ng mga namatay sa nangyaring pamamaril sa mismong tahanan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo sa bayan ng Pamplona, na siyang pakay ng assassination squad na…

Read More

RETRIEVAL MISSION SA CESSNA CRASH SITE TINAPOS NA

Huwebes ni Incident Management Team commander at Camalig, Albay Mayor Carlos Baldo Jr. ang lahat ng  operasyon kaugnay sa bumagsak na Cessna plane malapit sa crater ng Mayon Volcano. Ito ay matapos na matagumpay na matagpuan, makuha at maibaba ng mga responder na binubuo ng iba’t ibang grupo ng mountaineers, local guides, at ng mga tauhan ng Naval Special Operations Group (NAVSOG), Philippine Army, Bureau of Fire Protection – Special Rescue Force (BFP-SRF), at Philippine National Police (PNP) ang mga labi ng apat na sakay ng eroplano. Ang search and rescue operation para sa Cessna 340A ay tumagal nang mahigit sa…

Read More

KONTRA SA SAMA-SAMANG BUDGET SA PAGKAIN, PATAY SA LAGARE

CAVITE – Dahil lamang sa pagtutol sa sama-samang budget sa pagkain, kamatayan ang sinapit ng isang 45-anyos na construction worker nang tagain sa leeg gamit ang isang lagare ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Trece Martires City, noong Huwebes ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Eddie “Bong” Abenido Vertodazo, 45, binata, construction worker at residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si Tirso Montez 48, tubong Surigao del Sur, may asawa, isang mason/ carpenter at stay-in sa construction site…

Read More

2 HIGH VALUE INDIVIDUALS HULI SA BUY-BUST

CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individual (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11, ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Manuel Zamora y Suriaga, 60, binata, ng Brgy. San Dionisio, atAl Rumidas y Mangigen, 18, binata, ng Brgy. Datu Esmael, kapwa ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Candaba…

Read More

DENR BUMUO NG TASK FORCE NAUJAN OIL SPILL

BUMUO na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Task Force Naujan Oil Spill kasunod ng emergency meeting nito sa Philippine Coast Guard (PCG), at kina Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, at Naujan Mayor Henry Joel Teves. Itinalaga naman ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga si Undersecretary at Chief of Staff Marilou Erni bilang Task Force Commander. Si Undersecretary Erni ay naging corporate ground response coordinator sa nangyaring Guimaras Oil Spill noong 2006. Ang Philippine Coast Guard (PCG), partikular ang Marine Environmental Protection Command, ang lead agency…

Read More

3 LABI SA CESSNA PLANE CRASH, NAIBABA NA

NAIBABA na ang tatlo sa apat na mga namatay sa pagbagsak ng Cessna plane sa Camalig, Albay. Ayon kay Incident Commander at Camalig, Albay Mayor Mayor Carlos Baldo Jr., dakong alas-7:30 noong Miyerkoles ng gabi nang maibaba ang unang labi sa sentro ng Camalig, Albay. Pasado ala-una naman nitong Huwebes ng madaling araw naibaba ang pangalawa at bandang alas-tres ng madaling araw naman ang ikatlong labi. Sa kabila nang pahirapang pagbaba sa mga labi ng mga biktima, maituturing umano ni Mayor Baldo na maayos na naipatupad ang naturang operasyon. Ayon pa kay Baldo, ang…

Read More

SUSPENDIDONG PARAK TIKLO SA BUY-BUST

CAVITE – Makaraang masuspendi, luminya umano sa pagtutulak ang isang pulis subalit minalas na naaresto at nakumpiskahan ng P40,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na si Patrolman Albert Lorenz Parnala Reyes, 34, dating nakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-9:50 ng gabi nang makipagtransaksyon ang suspendidong pulis sa isang poseur buyer sa Brgy. Malagasang 1-F, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nakumpiska sa suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may…

Read More