3 PULIS NAAKTUHANG NATUTULOG SA DUTY

TATLONG tauhan ng Lawton Police Community Precinct ang naaktuhan ni Manila Police District Director P/Brigadier General Andre Perez Dizon, habang natutulog sa loob ng PCP sa sorpresang pagbisita ng opisyal noong Martes ng madaling araw. Hindi naman sinibak o sinuspinde sa tungkulin ang tatlong pulis na nakatalaga sa Lawton Police Community Precinct sakop ng MPD- Ermita Police Station, dahil naunawaan naman ng heneral ang magiging kalagayan ng mga ito, kaya inilipat na lamang sa ibang presinto. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO), ang dalawang may…

Read More

6 HOLDAPER, PULIS AT SIBILYAN PATAY SA ROBBERY SA COTABATO

pulis

NASAWI ang walong indibidwal kabilang ang anim na holdaper nang mauwi sa engkwentro ang kanilang pag-atake sa isang bakeshop sa lalawigan ng Cotabato. Sa ulat na ibinahagi ni M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon, hinoldap ng walong suspek ang Regz and Kirks Bakeshop sa Barangay Bagontapay sa bayan ng M’lang. Subalit may mga kostumer ang nagtangkang manlaban nang simulang limasin ng mga suspek ang kanilang mga salapi at ari-arian na nauwi sa pamamaril ng mga suspek. Nagawa ring agad makahingi ng tulong sa pulisya ng mga nakarinig sa…

Read More

AKSIDENTENG NABARIL, PULIS PATAY SA KABARO

LAGUNA – Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahang pulis sa loob ng barangay hall sa Brgy. 1-B, San Pablo City nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Fhrank Aldene Dela Cruz, 30-anyos, tubong Alicia, Isabela, at nakatalaga sa SWAT unit ng San Pablo City Police Station. Ayon sa report ng San Pablo City Police, naglilinis ng kanilang baril ang biktima at mga kasamahan nito nang aksidente pumutok ang isa sa service fire arms ng grupo dakong alas-8:30 ng umaga. Lumabas sa imbestigasyon, naghahanda ang mga pulis…

Read More

BULKANG KANLAON MULING NAG-ALBUROTO

MULING nag-alburoto ang Bulkang Kanlaon na nakapagtala ng walong pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Nabatid sa Phivolcs, nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon. Ayon pa sa ahensya, may bahagyang pamamaga ang bulkan bunsod ng pag-aalburoto nito. Kaugnay nito, sinabi ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4km) radius Permanent Danger Zone o PDZ. Ipinagbawal din ng Phivolcs ang pagpapalipad ng ano mang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil…

Read More

DRUG GROUP LEADER, 3 PA LAGLAG SA BUY-BUST

CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang lider at tatlong miyembro ng Gabin drug group makaraang maaresto sa buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Justin Joshua Gabin y Casing, alias “Toto”, 24, lider ng Gabin drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs); Abigail Topacio y Aberia, 25; kapatid nitong si Angelita Topacio y Aberia, 23, at Reynaldo Amoranto y Aberia, 37, at pawang mga residente ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas- 8:00…

Read More

LIVE-IN PARTNER, NAPATAY SA SAKSAK NG ADIK SA TALPAK

LAGUNA – Bunsod ng problema sa pagkakautang na sinabayan pa ng sobrang selos, naburyong ang isang lalaki at napatay sa saksak ang kanyang live-in partner sa Brgy. Calumpang, sa bayan ng Liliw sa lalawigang ito. Naaresto noong Martes at sinampahan ng kasong murder ang suspek na si Jan Rhey De Guzman, 27-anyos. Batay sa report ng Liliw Police, dakong alas-10:00 ng gabi noong Linggo nang pagsasaksakin ng suspek ang live-in partner niyang si Diane Angela Canlas, 22, sa kanilang bahay. Nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa pagseselos ng lalaki…

Read More

Sa ika-13 taon ng Ampatuan massacre 83 PANG SUSPEK TUGISIN – NUJP

HINDI ganap ang hustisya kung mananatiling malaya at banta sa kaligtasan ng marami ang 83 iba pang sangkot sa pamamaslang sa 58 katao – kabilang ang 32 mamamahayag sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao, noong Nobyembre 23, 2009. Sa paggunita ng ika-13 anibersaryo, nanawagan ang National Union of Journalists of the Philippines sa pamahalaan na tugisin at panagutin ang iba pang may kinalaman sa tinaguriang “deadliest attack on journalists” sa buong mundo. “We note as well that it is also almost three years since the families of the…

Read More

NAGPANGGAP NA PULIS BUKING NA WANTED

ARESTADO ang isang babae na tinangkang lumusot sa checkpoint sa pamamagitan ng pagpapanggap na pulis sa Talisay, Batangas nitong Lunes. Sa pagrerekisa ng mga tunay na pulis, natuklasang wanted ang suspek na si Vanessa Mago, 36, kasalukuyang naninirahan sa Sto. Tomas City, Batangas. Batay sa report, nasita sa checkpoint ang suspek na nakaangkas sa isang rider dahil sa pagsusuot ng police uniform na Olive Drab na may marking na “PULIS” pero ang pang-ibaba ay jogging pants at athletic shoes na hindi akma sa pamantayan ng  tamang bihis ng isang PNP…

Read More

ONLINE SELLER NG WILD ANIMALS TIMBOG SA ENTRAP OPS

LAGUNA – Arestado ang isang online seller makaraang makumpiskahan ng mahigit 100 piraso ng endangered animals sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito. Kinilala ang suspek na si Paulo Mendoza, nadakip sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG Laguna, kasama ang Department of Environment and Natural Resources DENR 4-A noong Biyernes ng gabi. Inaresto si Mendoza nang bentahan ng hayop ang isang pulis na umaktong poseur buyer. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 (Wildlife Protection Act) ang suspek na nakumpiskahan ng…

Read More