QUEZON – Binawian ng buhay ang isang driver ng bus habang sugatan ang kasama nito nang ang kanilang sinasakyang service bus ay mahulog sa Zigzag Diversion Road sa Sitio Upper Sapinit sa Brgy. Silangang Malicboy, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito. Kinilala ang namatay na driver na si Marcus Cabanela, 38-anyos, residente ng Brgy. Tumana, Marikina City. Ayon sa report ng Pagbilao Police, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi, patungong direksyon ng Maynila ang Isarog Transport bus na kargado ng mga kahon ng seafoods ngunit pagsapit nito sa pababa at kurbadang bahagi ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 pa kritikal MARILAO MAYOR PATAY SA AKSIDENTE SA CLARK
BINAWIAN ng buhay ang alkalde ng bayan ng Marilao sa lalawigan ng Bulacan habang sugatan naman ang driver/bodyguard at sekretarya nito matapos sumalpok ang sasakyan nila sa isang poste ng kuryente sa kahabaan ng Prince Balagtas Avenue, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga noong Linggo ng hapon. Kinumpirma ng anak ng alkalde na si Jackielou Silvestre-Guillermo, ang pagkamatay ng kanyang ama na si Mayor Ricky Silvestre, 65, na isinugod sa Medical City sa Clark Freeport Zone ngunit binawian ng buhay. Kritikal naman ang driver/ bodyguard na si P/SSgt. Rodel Gojo Alcantara, 48, residente ng Sta. Maria, Bulacan na isinugod sa nasabi…
Read MoreAway sa lupa PAMILYA INAMBUSH 3 PATAY, 3 MALUBHA
ANTIPOLO CITY – Patay ang tatlo katao habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang tatlo pang biktima matapos tambangan at pagbabarilin ng tatlong riding in tandem kahapon sa Antipolo City. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga napatay ‘on the spot’ na sina Andrei Mosquete, Dennis Payla, at Rodolfo Dela Rosa habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital sina Eduardo Dumangas, Avelina Dumangas, at Gemina Amores. Ayon sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi noong Oktubre 9, sa Sitio Cabading, Marcos Highway, Brgy. Inarawan, sakay…
Read MoreBANGKA ITINAOB NG ALON, LOLO PATAY
CAVITE – Bangkay na lumutang ang isang 70-anyos na karpintero nang itaob ng malakas na alon ang kanyang bagong bangka na ipinalaot upang subukan ang kapasidad nito sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng hapon. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ng ilang mangingisda ang bangkay ng biktima sa gilid ng dagat, na kinilalang si Rolando Camasoza ng Cavite City. Ayon sa ulat ng Cavite City Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa misis nitong si Edna De Silos, na papalaot ito sa dagat…
Read MoreMAGPINSAN PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON
QUEZON – Patay ang isang 14-anyos na estudyante at pinsan nito matapos na pagbabarilin ng kanilang kaalitan sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Jimber Perez, Grade 8 student, at Alexander Perez, 18-anyos, parehong residente ng Brgy. Masin Sur. Batay sa report ng Candelaria Police, nangyari ang pamamaril sa vulcanizing shop na pinagtatrabahuan ng biktimang si Alexander sa Cabuñag Street, Brgy. Poblacion dakong alas-08:20 ng gabi. Dumating umano ang suspek na si John Peter De Villa, 23, taga Brgy. Pahinga Sur, na armado ng…
Read More6 DUMAGAT TUMBA SA DIARRHEA
QUEZON – Binawian ng buhay ang anim na Dumagat makaraang dapuan ng sakit na diarrhea sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito. Sinabi ni Provincial Health Officer Kristine Villasenor, naitala ang unang pagkamatay noong Setyembre 26 sa Barangay Lumutan kung saan dead on arrival ang biktima sa Rural Health Unit sa Tanay , Rizal. Kasunod noon ang lima pang biktimang namatay habang mahigit 70 kaso pa ang naitala noong Setyembre 29. Bukod sa pagtatae, nakaranas din ang mga biktima ng matinding ubo’t sipon. Sa ngayon, wala pa umanong diarrhea outbreak…
Read MoreContractor ng dam idedemanda ng NIA PAGLUBOG NG BULACAN PINANGANGAMBAHAN
LUBOS na pinangangambahan ang nakaambang perwisyo sa milyong residente ng lalawigan ng Bulacan sa sandaling bumigay ang isang bahagi ng Bustos Dam na napinsala, dalawang taon na ang nakaraan. Panawagan ng Sangguniang Panlalawigan ng naturang probinsya sa National Irrigation Administration (NIA), obligahin ang ITP Construction, Inc. at Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd. para kagyat na ayusin ang sirang rubber bladder sa Bay 5 ng Bustos Dam lalo pa’t pasok pa sa warranty na nakapaloob sa kontrata ang pagkukumpuni ng dambuhalang imbakan ng tubig. Ayon sa Sangguniang Panlalawigan, hindi dapat…
Read MoreMAG-ASAWANG NPA SUMUKO
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao – Bunsod ng pangamba sa kanilang buhay at kaligtasan, nagdesisyon ang mag-asawang kasapi ng communist terrorist group (CTG) na iwaksi na ang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsuko sa mga tropa ng 5th Special Forces Battalion sa Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato. Kinilala ang sumuko na si alyas “Loloy”, isang political instructor, kasapi ng Platoon Madrid ng South Regional Command Daguma, at misis nitong si alyas “Lalay”, isang medic sa nasabing pangkat, kapwa sa ilalim ng Far South Mindanao Region.…
Read MoreP1-M TINANGAY NG NAKAPUTING VAN
LAGUNA – Tinatayang P1 milyong cash ang natangay ng hindi kilalang mga armado makaraang holdapin ang general manager ng isang gaming company habang sakay ng kanyang kotse sa provincial road sa Barangay Calumpang sa bayan ng Liliw sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Garry Boy Vallejo, general manager ng Gallotech Venture Inc. Batay sa report ng Liliw Police, hinarang ang biktima ng mga suspek na armado ng baril na sakay ng isang puting van habang ito ay bumibiyahe patungo sa Sta. Cruz, Laguna dakong alas-2:00 ng hapon…
Read More