CAVITE – Nagkasa ng manhunt operation ang Cavite Police hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek na puwersahang pumasok sa bahay ng mga Korean national sa isang subdibisyon sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan at bilang ng mga mga suspek na pumasok sa bahay ng mga biktimang sina Kidae Lee, 61; Byeongjun An, 55; Seonghwan Lee, 54; Hyoungwoo Kim, 43, at Seonghoon Kim, 51, pawang mga residente ng Eagle Ridge Subdivision, Brgy. Javalera, Gen. Trias City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
VICE MAYOR, KONSEHAL SA QUEZON SUGATAN SA VEHICULAR ACCIDENT
QUEZON – Sugatan ang vice mayor at konsehal ng bayan ng Pitogo sa lalawigang ito makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa poste ng kuryente at sa pader ng isang bahay sa Brgy. Amontray sa nasabing bayan. Ayon sa report ng Pitogo Police, minamaneho ni Vice Mayor Paul Timothy Villaflor, 42, ang kanyang SUV at pasahero ang konsehal na si Alexander Mosquite, 43, patungo sa bayan ng Gumaca. Ngunit pagsapit sa isang kurbada sa Brgy. Amontray, ay mawalan ito ng kontrol sa manibela. Sumalpok muna ang sasakyan sa poste ng koryente bago ito…
Read More5 SUGATAN SA SUNOG SA CALAMBA CITY
LAGUNA – Sugatan limang miyembro ng pamilya kabilang ang dalawang bata, makaraang masunog ang isang commercial establishment sa Brgy. Makiling, Calamba City sa lalawigang ito noong Biyernes ng gabi. Ayon sa report ng Calamba City Police, nagsimula ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma. Idineklarang fire-out ng Calamba BFP ang sunog makaraan ang isa’t kalahating oras. Agad isinugod sa ospital ang caretaker ng establishment na si Rolando Oliver, 27, maybahay nito na si Hanna Rose, 27, at mga anak nilang isang 4-anyos at isang 6-anyos, at ang isa…
Read MoreDROGA, BARIL NASABAT SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa 37 sachet ng hinihinalang shabu at baril ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:30 ng gabi noong Huwebes hanggang alas-2:30 nitong Biyernes ng madaling araw sa tatlong lungsod at apat na bayan sa lalawigan. Sa bayan ng Naic, apat na hinihinalang tulak ang naaresto habang tig-tatlo naman sa Imus City, Bacoor City at Kawit at tig-dalawa sa General Mariano Alvarez (GMA) at Gen. Trias…
Read MoreRIDER SUMALUBONG SA VAN, PATAY
LAGUNA – Dead on the spot ang isang lalaking nakamotorsiklo matapos na bumangga sa kasalubong na utility van sa Maharlika Highway sa Barangay Makiling, Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Almanzor Alvin Dimaunahan. Batay sa report ng Calamba City Police, bigla na lamang inokupa ng motorsiklo ang linya ng pa-southbound na van kaya nangyari ang head on collision ng dalawang sasakyan. Hindi na naisugod sa ospital ang biktima at namatay noon din dahil sa grabeng pinsalang sa ulo at katawan. (NILOU DEL CARMEN) …
Read MoreMAGSASAKA PINATAY NG KAPATID
QUEZON – Patay ang isang magsasaka makaraang barilin ng nakababatang kapatid dahil sa matagal nang alitan sa kanilang lupang sakahan sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Michael dela Cruz, 39, residente ng Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos, idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa likod at sa tiyan. Batay sa report ng San Francisco Police, ang biktima ay pinagbabaril ng kanyang kapatid na si Melencio Yare, 37, malapit sa bahay ng suspek sa Sitio Labrahan,…
Read MorePAGPUPUGAY, FINANCIAL AID SA BULACAN FALLEN HEROES
ISANG espesyal na pagpupugay bilang parangal sa limang rescuer na namatay habang gumaganap ng tungkulin sa pananalasa ng Super Typhoon Karding ang igagawad para sa kanilang kabayanihan sa “Luksang Parangal” na gaganapin ngayon (Biyernes, Setyembre 30, 2022), sa Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ang programa ay tinawag na “Salamat at Paalam… Bayaning Tagapagligtas! Luksang Parangal para sa mga Yumaong Lingkod Bayan” na dadaluhan ng pamilya ng mga biktima, mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro,…
Read MoreNais nang makipagkalas 18-ANYOS, PINATAY NG LIVE-IN PARTNER
LAGUNA – Patay ang isang 18-anyos na babae matapos na ito at ang kanyang pinsan ay pagsasaksakin ng live-in partner ng una sa Brgy. Langkiwa, Biñan City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang napatay na si Rochelle Ann Flores, isang estudyante, may tatlong tama ng saksak sa katawan. Sugatan naman ang 14-anyos na pinsan nito na si Jimsher Soriaga na kasama nitong nakatira sa bahay. Batay sa report ng Biñan City Police, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang pwersahang pasukin ng 21-anyos na suspek na si John…
Read MoreMGA SENADOR UMAYUDA SA MGA NASALANTA NI ‘KARDING’ SA BULACAN
PERSONAL na tinungo nila Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Robinhood Padilla at Ronald “Bato” Dela Rosa ang bayan ng San Miguel, Bulacan upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Karding nitong Huwebes. May inisyal na 500 pamilyang benepisyaryo ang tumanggap ng tig-P5 libong Assistance to Individuals on Crisis Situation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tig-iisang food packs kada pamilya mula sa tanggapan ni Senador Go. Mayroon namang ipinadala na 3,300 food packs ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at 500…
Read More