CAVITE – Namatay ang isang lalaki habang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima nang banggain sa likurang bahagi ang kanilang motorsiklo ng isang Isuzu rebuilt jeepney sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kapwa isinugod sa ospital sina Mark Vincent Delos at RJ Ocampo, kapwa nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang una. Kinilala naman ang driver ng Isuzu Rebuilt jeepney na may plakang RF G985, na si Niño Lumagui, nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 nang mangyari ang insidente sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BINATILYO TINAGA NG TIYO DAHIL SA MAINGAY NA TAMBUTSO NG MOTORSIKLO
TINAGA ang 16-anyos na estudyante ng tiyuhing kapitbahay na naingayan sa tambutso ng kanyang motorsiklo sa Calaca City, Batangas nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa report ng Calaca City police, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang dumating ang biktima sa kanilang bahay sa Sitio Duyo, Brgy. Timbain sakay ng motorsiklo. Subalit bigla na lamang lumabas ang suspek na si Dante Matira at galit na sinita ang pamangkin dahil umano sa gabi-gabing pagkaistorbo nito sa pagtulog dahil sa ingay ng motorsiklo. Nagkasagutan ang dalawa hanggang sa mauwi sa pananaga ng…
Read MoreMAUBAN, QUEZON NALUBOG SA BAHA
LUBOG na sa baha ang maraming lugar sa kabayanan ng Mauban, Quezon. Ayon kay Aldrin Ferayra, rescuer at miyembro ng monitoring team ng Mauban MDRRMO, dulot ito ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan mula Linggo ng gabi. Hanggang alas-7:00 kahapon (Martes ng umaga) ay patuloy na nakararanas ng pag-ulan sa lalawigan. Nabatid na umabot na hanggang binti ang taas ng tubig sa mga binabahang lugar dahilan para suspendihin ang pasok sa eskwela. Samantala, Lunes ng hapon hanggang gabi ay nalubog din sa baha ang kabayanan ng Boac, Marinduque.…
Read MoreNabistong front lang ang ukay-ukay business MAGBAYAW HULI SA DROGA
CAVITE – Nabuking ang modus operandi ng isang magbayaw na umano’y ginawang drug front ang ukay-ukay business para manghikayat ng customer, matapos maaresto sa buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang P340,000 halaga ng shabu sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Rusty Nakon y Guiamlo, 25, at Baby Daludong y Guiamal, 33, kapwa residente ng Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ni Pat. Jeffrey S. Gutierrez ng Alfonso Police Station, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PNP DEG-SOU…
Read MoreMamamayan patuloy na poprotektahan – P/Col. Silvio 1,336 SUSPEK NASILO NG LAGUNA PNP
IPINAKITA ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, ang isang buong buwang accomplishments ng Laguna PPO laban sa ilegal na droga at ilegal na sugal kasama na rin ang loose firearms at naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna. Ayon kay P/Col. Silvio, ang tungkulin ng Laguna PNP sa buong buwan ng Setyembre ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamamayan ng Laguna. Sa pangkalahatan, arestado ang 1,336 indibidwal na mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Laguna…
Read MoreDILG, PNP kinalampag ng mga residente POLITIKO SA OR MINDORO KALADKAD SA JUETENG
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINALAMPAG ng mga residente mula sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng di umano’y laganap at hayagang operasyon ng jueteng na binibigyang proteksyon ng prominenteng politiko. Partikular na tinukoy ng mga residente ang jueteng operation ng isang alyas Mañalac na pagmamay-ari umano ng kumpanyang Globaltech Mobile Online Corp. Anila, ginagamit na front ng naturang grupo ang prangkisa ng Peryahan ng Bayan (PnB) na una nang sinuspinde ng Palasyo. Bukod dito, nakatago rin umano ang operasyon ng jueteng sa…
Read MoreBULACAN VG SATELLITE OFFICE PINASINAYAAN
PINANGUNAHAN ni Bulacan Vice Governor Alex Castro (2nd right) ang launching at ribbon-cutting ceremony ng Vice Gov. Action Center na magsisilbing satellite office ng tanggapan nito. Kasama sa larawan ang kanyang maybahay na si Sunshine Garcia (kanan), Mayor Omeng Ramos (2nd left) at Vice Mayor Eboy Juan (kaliwa) na ginanap sa Municipal Building ng Sta. Maria nitong Lunes, Oktubre 3, 2022. Kuha ni: ELOISA SILVERIO PINASINAYAAN ang kauna-unahang satellite office ni Vice Governor Alex Castro na matatagpuan sa gusali ng Pamahalaang Bayan ng Sta. Maria, Bulacan nitong Lunes…
Read MoreTOP 6 MWP SA PROVINCIAL LEVEL NASUKOL SA CAVITE
(SIGFRED ADSUARA) HINDI na umubra ang mala-palos na diskarte ng isang security guard na nasa listahan bilang Rank #6 Most Wanted Person (MWP) Provincial Level nang masakote ito sa ikalawang operasyon ng mga operatiba ng Cavite police kamakailan sa bayan ng Silang. Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na si Victorious Baylosis y Blanca, alias Victor, 29, residente ng Brgy. Yakal Bulihan, Silang, Cavite, na kinabibilangan ng Robbery with Violence Against or Intimidation of Person at Murder. Sa ulat, base sa direktiba ni Regional Director PBGen Jose Melencio C…
Read MoreESKWELAHAN SA LOS BAÑOS NASUNOG
LAGUNA – Tinupok ng apoy ang ilang bahagi ng Lopez Elementary School sa Brgy. Batong Malake, sa bayan ng Los Baños noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Los Baños, dakong alas-6:00 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa dakong likuran ng eskwelahan. Natupok ang buong 2nd floor ng isa sa mga gusali at naabo ang limang silid-aralan. Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at nakontrol dakong alas-7:15 ng gabi at idineklarang fire-out bandang alas-8:00 ng gabi. Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala at ang sanhi…
Read More