RIZAL – Tinangka pang suhulan ng dating pulis ang mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group ng P2 milyon para hindi ito hulihin sa kasong homicide, noong Miyerkoles sa bayan ng Taytay. Kinilala ni IMEG Director Brig. Gen. Samel Nacion, dinakip ang suspek na si Ex-PO3 Luis Jomok III, Brgy. Dolores ng nabanggit na bayan, sa bisa ng warrant of arrest na isyu ni Judge Wilhelmina Jorge-Wagan ng Branch CXI (111) RTC-National Capital Region-JR, Pasay City. Nabatid na si Jamok na dating pulis, ay tatlong beses na na-demote ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Sa Agoncillo, Batangas TUBIG SA 7 WATER PUMPING STATIONS POSITIBO SA ARSENIC
BATANGAS – Nagpositibo sa arsenic ang pito sa 17 water pumping stations sa bayan ng Agoncillo na sinuri ng mga eksperto nitong nakaraang dalawang araw, Hunyo 14 at 15. Kabilang sa mga nagsuring eksperto ay sina Dave Gabriel Cadungog ng Philippine Nuclear Research Institute, katuwang sina John Francis Bilog ng PAMB-DENR, at Emmylou De Chavez, Agoncillo Rural Health Unit Sanitary Inspector. Lumabas sa pagsusuri na umabot sa mahigit 10 parts per billion (PBB) ang level ng arsenic sa tubig sa nasabing lugar, na ayon sa mga eksperto ay hindi ligtas inumin. Ang…
Read MoreONLINE ADS NG TOXIC BEAUTY CREAMS PINABABAKLAS
NANAWAGAN ang grupong BAN Toxics na alisin ang online ads ng mga pampaputi ng balat na ipinagbabawal ng Food and Drug Administration (FDA) dahil sa taglay nitong mercury o asoge. Ang panawagan ay isinagawa matapos ang isang linggong pagsubaybay ng mga BT Patroller ng BAN Toxics, pagkatapos ng 6.6 Mega Sale ng mga online shopping platform. Sa isang liham na ipinadala ng BAN Toxics sa FDA noong Hunyo 6, ang grupo ay nag-ulat ng mahigit 100 na ads ng mga ilegal na pampaputi na may taglay na mercury sa mga…
Read MoreBilibid ililipat sa Tanay JVA HOUSING PROJECT BUBUWAGIN – DENR
INIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang JVA Housing Project sa lupa na inilaan ng lokal na pamahalaan para paglipatan ng New Bilibid Prison at Regional Office ng DENR sa Tanay Rizal. Ayon sa kagawaran, ang nabanggit na lupa ay bahagi ng Lot 10 na nakapangalan sa Republika ng Pilipinas at may lawak na 300 ektarya, 270 dito ay nakalaan sa NBP at ang 30 hectares ay tatayuan naman ng DENR-Regional Office ng Calabarzon 4A. Ngunit nakapaloob ito sa isang joint venture agreement sa pagitan ng DENR…
Read MoreP36-M GIANT CLAMS NASABAT NG COAST GUARD
TINATAYANG may P36 milyon ang halaga ng giant clam na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa ikinasang entrapment operation sa Daanbantayan, Cebu. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, 12 katao ang inaresto matapos makumpiskahan ng 133 piraso ng broken giant clam shells o taklobo sa naturang bayan. Una rito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Coast Guard Intelligence Group Central Visayas, Criminal Investigation Group at Philippine Air Force laban sa mga suspek. Agad namang ipinasa ang mga nakumpiskang giant…
Read More“TINANG 83” LAYA NA
PANSAMANTALANG nakalaya ang 83 magsasaka na tinaguriang “Tinang 83”, isang land reform advocates group matapos makapaglagak ng kanilang piyansa. Nanindigan naman si PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao na kumilos lamang nang naayon sa batas ang mga pulis nang arestuhin nila ang mahigit 90 indibidwal na nagsagawa umano ng panggugulo sa Hacienda Tinang. Paliwanag ni Lt. Gen. Danao, ang mga inaresto ay isinailalim sa kustodiya dahil sa alegasyon ng Malicious Mischief, Direct Assault, Disobedience and Resistance to Persons in Authority, Obstruction of Justice, at Illegal Assembly. Sinasabing binatay ito sa…
Read MoreBULKANG BULUSAN AYAW MANAHIMIK
WALA pang nakikitang senyales na pwede nang magbigay katiyakan sa kaligtasan ng mga residente sa mga barangay na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon. Sa pinakahuling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot sa 69 volcanic quakes ang naitala sa nakalipas na 24-oras. Sa naturang bilang, 56 ang pasok sa kategorya ng “volcanic tremors” na tumagal naman ng 19 minuto. Bukod sa mga pagyanig ng lupa, nagtala na rin ng dalawang pagsabog ang naturang bulkan. Umabot naman sa 4,627 tonelada ng sulfur dioxide ang…
Read MoreTAGA ISINUKLI SA PAYO
SA halip na pasasalamat, itak ang isinukli ng kapitbahay na pinayuhan lamang na kalingain ang nanghihinang lola, sa bayan ng Mendez sa lalawigan ng Cavite. Suwerte namang hindi napuruhan ang biktimang kinilalang si Joel Mariño, 48-anyos at residente ng Barangay Panungayan 1 ng nasabing bayan, Kwento ng biktimang nananatili pa rin sa pagamutan, nakaupo umano siya sa balkonahe ng kanyang tahanan nang dumating ang suspek na si Mario Montaño na walang sabi-sabing hinalibas siya ng hawak nitong itak. Sa imbestigasyon, lumalabas na nauwi sa pagtalo ang ginawang pagpapayo ni Mariño…
Read MorePDU30 WALA NANG TALK TO THE PEOPLE
SINABI ng Malakanyang na hindi na mapapanood pa ang regular na public address o Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na karaniwang ginagawa tuwing Lunes ng gabi. Dito personal na iniuulat ng Punong Ehekutibo ang kanyang mga aktibidad habang nagbibigay rin ng direktiba sa ilan niyang mga gabinete. Hunyo 6 nang huling humarap si Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People kasama sina DILG sec Eduardo Año, DOH Secretary Francisco Duque, NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr at NDRRMC Executive Dir Ricardo Jalad.…
Read More