CLAIMANT NG P5-M ECSTASY LAGLAG SA PDEA, BOC

NATIMBOG ang claimant ng 2,984 pirasong ecstasy sa ikinasang controlled delivery operation sa Cebu City ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ng Bureau of Customs. Ayon sa report, nagmula ang mga ito sa bansang Netherland at idineklara bilang mga damit pambabae o women’s clothes na umabot sa P5,072,800 ang halaga. Nadiskubre ang mga droga matapos ang isinagawang physical examination ng mga taga PDEA at Customs Examiner ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kahaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA…

Read More

INFANTA VM RUANTO, 5 PA ABSWELTO SA KASO

IBINASURA ng Department of Justice – Office of the Provincial Prosecutor ang mga kasong Frustrated Murder at Attempted Murder na isinampa ni incumbent Infanta Mayor Filipinas Grace America laban kina Vice Mayor Lord Arnel (L.A.) Ruanto at sa limang iba pa. Ang kaso kaugnay ng tangkang pananambang sa alkalde ay ibinasura matapos ang mahigit tatlong buwan na pagdinig. Base sa sampung (10) pahinang resolusyon na inilabas ng panel of prosecutors na inaprubahan ni Provincial Prosecutor Rodrigo Domingo noong ika-27 ng Hunyo, 2022, pinapawalang-bisa ang mga naturang kaso laban kina Vice…

Read More

UMUWING LASING ‘DI UMABOT NANG BUHAY SA BAHAY

patay

CAVITE – Pinaniniwalaang bunsod ng kalasingan kaya nahulog ang isang lalaki sa creek naging dahilan ng pagkamatay nito sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Pagara”, residente ng Brgy. Olivarez, Tagaytay City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Boyet Soriano ng Alfonso Police Station, alas-8:40 ng gabi noong Lunes nang nakatanggap sila ng tawag hinggil sa isang lalaking walang malay sa isang creek sa Brgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite. Agad nagresponde ang mga awtoridad ngunit naabutang wala nang buhay ang lalaki. Huling…

Read More

10 BAHAY WINASAK NG BUHAWI SA QUEZON

QUEZON – Nawasak ang 10 na bahay matapos tamaan ng buhawi ang bahagi ng tabing dagat ng Sitio Scuba at Sitio Pantay ng Barangay Abuyon, sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Nakuhanan pa ng video ng isang residente ang pananalasa ng buhawi na nagwasak ng mga pananim at mga kabahayan. Ayon sa mga residente, pasado alas-5:00 ng hapon nang magdilim ang kalangitan na inakala nilang nagbabadyang pag-ulan lamang. Subalit mula sa karagatan, napansin ng mga residente ang umiikot na tubig hanggang sa lumakas ang hangin. Sa…

Read More

SUNDALO PATAY, 5 SUGATAN SA LAND MINE NG CPP-NPA

patay

MULING ipinakita ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang armadong galamay, ang New People’s Army, ang tahasang paglabag sa umiiral na Ottawa Convention at International Humanitarian Law hinggil sa paggamit ng landmine gaya ng ginawa sa Northern Samar na ikinamatay ng isang sundalo at malubhang ikinasugat ng limang iba pa. Ayon sa ulat ng militar, bandang alas-9:25 noong Lunes ng umaga, isang anti-personnel mines ang sumabulat sa Brgy. Osang, sa bayan ng Catubig, target ang CSP Teams ng 20th Infantry (We Lead) Battalion na nagsasagawa ng combat patrol operation. “The…

Read More

P2-M DROGA NASAMSAM SA BULACAN PNP SACLEO

BULACAN – Tinatayang mahigit sa P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang weeklong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lalawigang ito. Ayon sa report ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting director of Bulacan Police Provincial Office (PPO) kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director BGen. Matthew Baccay, ang nasabing operasyon ay isinagawa mula Hulyo 11 hanggang 17, 2022. Ayon kay Cabradilla, 109 na suspek ang nadakip sa serye ng anti-drug bust na isinagawa ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Unit (SDEU)…

Read More

KITA NG GASOLINAHAN, ITINAKBO NG 3 EMPLEYADO

CAVITE – Nadakip ang isang lalaki habang pinaghahanap ang dalawang kasamahan nito na pawang mga empleyado ng isang gas station, makaraang tangayin ang halagang P100,000 na kita ng gasolinahan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala sa pamamagitan ng Closed Circuit Television (CCTV) footage ang mga suspek na sina Resty Rotaquio, agad nadakip; George Barlizo at JM Febre, kasalukuyang pinaghahanap, pawang nasa hustong edad. Ayon sa salaysay ni Ronald Fernandez, ng Petro Gazz Station sa Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite, kay Corporal Menervin Castillo…

Read More

LIBEL TATANGKAIN MULING ALISAN NG NGIPIN

TATANGKAIN muli ng mga militanteng grupo na tanggalin ang parusa sa kasong libel matapos itong hindi pansinin ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa nakaraang labing limang (15) taon. Unang tinangka ng mga militanteng solon na idecriminalized ang libel noong 14th Congress o taong 2007 subalit hindi inaksyunan ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Huling inihain ang nasabing panukala noong 18th Congress subalit hindi pa rin ito nakaabot sa plenaryo ng Kamara dahil natulog sa House committee on information. Gayunpaman, ayaw itong isuko ng mga militanteng kongresista sa pangunguna nina ACT Teacher…

Read More

2 WELDER NA-SUFFOCATE SA BARGE

BATANGAS – Binawian ng buhay ang dalawang welder matapos ma-suffocate sa loob ng manhole ng nakahimpil na barge sa shipyard sa bayan ng Bauan. Kinilala ang mga biktimang sina Jomari Carpio at Rachelle Magsino, kapwa taga Barangay Bolo ng nasabing bayan. Batay sa report ng Bauan Police, pumasok ang dalawa sa manhole ng barge na pag-aari ng Katapatan Shipping habang ito ay naka-dry dock sa AG&P Shipyard upang maglinis at mag-repair ng tangke noong Biyernes ng tanghali. Subalit bandang ala-1:30 ng hapon nang mawalan ng malay ang dalawa. Agad isinugod ang mga…

Read More