MASUSING iniimbestigahan ng PNP Bicol ang hinggil sa insidente ng pamamaril na ikinamatay ng dalawang pulis sa hot pursuit operation noong Sabado ng gabi sa Naga City. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Naga City Police Office (NCPO), nangyari ang insidente dakong 6:30 ng gabi sa Caceres St. sa Naga City ikinamatay ng biktimang kinilalang si P/CMS Romeo B. Padua na kasalukuyang nakatalaga sa Police Station 1, NCPO. Inihayag ng nakasaksi, nagsasagawa ng police visibility patrol si P/CMS Padua sa lugar nang bigla umanong lumapit ang suspek at pinukpok ang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
RENT-A-CAR CARNAP MODUS SABLAY SA SASAKYAN NA MAY GPS
HINDI nakalusot ang tangkang pangangarnap ng isang sasakyang inarkila mula sa isang car-rental business as bayan ng San Antonio sa lalawigan ng Nueva Ecija. Mahigit isang buwan na ang nakakaraan nang arkilahin umano ng isang nagpakilalang Edna Francisco Guevarra ng Caloocan City at isa pang hindi nakilala ang SUV na pag-aari ni Albert Viesca Pallarca. Makalipas ang takdang panahong nakasaad sa kasunduan, hindi na aniya isinauli ni Francisco ang nirentahan sasakyan, dahilan para idinulog niya sa pulisya ang insidente. Gamit ang GPS tracker na nakakabit sa kanyang SUV, natunton ang…
Read MoreTELLER BUKING SA MALAKING PUSTA SA ONLINE GAMING
CAVITE – Arestado ang isang empleyado ng isang Online Gaming matapos na siya mismo ang nagpasok ng malaking pusta sa kanilang system sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kasong estafa ang kinahaharap ng suspek na si Kyle Iverson Pineda, 22, binata, teller ng CV21 M.S. Ponsones Online Gaming Place, dahil sa reklamo ni Katrina Santos, 35, supervisor ng nasabing Online Gaming, GMA branch, na matatagpuan sa Brgy. Granados, GMA, Cavite. Ayon sa report ni P/SSgt. Dann Czar Rosales ng GMA Police Station,…
Read More2 OBRERO NAMATAY SA MALALIM NA HUKAY
BATANGAS – Patay ang dalawang trabahador na lalaki matapos na ma-suffocate ang mga ito habang nasa malalim ng hukay sa Barangay Castillo sa bayan ng Padre Garcia sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Dante Miniscula, 48-anyos, at Jayson Lustares, 32, kapwa taga Talipan, Pagbilao, Quezon. Batay sa report ng Padre Garcia Police, nangyari ang insidente habang ang dalawang biktima ay nasa 10 hanggang 15 metrong lalim ng lupa na kanilang hinuhukay sa isang bakanteng lote sa gilid sa Padre Garcia- San Antonio Quezon Road.…
Read MoreHindi binigyan ng pera SENIOR, PINANA NG ANAK
QUEZON – Natuhog ang isang senior citizen matapos na panain ng kanyang binatang anak na hindi niya binigyan ng pera sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Nakatusok pa ang bakal na pana sa tiyan ng biktimang si Demetrio Del Mundo Maliglig, 69-anyos, nang isugod sa ospital sa Lucena City. Batay sa report ng Tiaong Police, bandang alas-7:20 ng umaga nang humingi ng pera ang suspek na si Jayson Wagan Maliglig, 18-anyos, sa kanyang tatay habang sila ay nasa kanilang bahay sa Barangay San Jose. Ngunit…
Read MoreInilabas ng Malakanyang UPDATED TESTING, QUARANTINE RULES
“STREAMLINED and codified” ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang testing and quarantine protocols para sa mga biyahero na papasok ng bansa. Ito ang anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque kahapon. Ang arriving passengers mula sa red countries ay pagbabawalan kung nanatili sila roon ng 14 days bago pa ang kanilang pagdating sa Pilipinas. “Inbound international travel of all persons, regardless of vaccination status, coming from or who have been to Red List within the last 14 days prior to arrival to the Philippines…
Read More2 TIMBOG SA SANGKAP SA PAMPASABOG
NASABAT ng pinagsamang puwersa ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG)- Cavite at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tinatayang 750 kilos ng ammonium nitrate na sangkap sa pampasabog, at 1,000 piraso ng improvised blasting caps, sa dalawang lalaki sa operasyon sa magkahiwalay na lugar sa Lucena City, Quezon at Gen. Trias City, Cavite noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Charlito Tenorio, 52, may asawa, ng Daffodil St., Brgy. Salcedo, Noveleta, Cavite, at Jay-Ar Suson, 34, binata, ng Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon Ayon sa…
Read MoreSENIOR CITIZEN PATAY SA KURBADA *2 pa dedbol sa bundol
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 65-anyos na senior citizen nang bumangga ang sinasakyang L300 van na minamaneho ng kanyang anak sa isang nakaparadang trailer van sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Imus City nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Arnel Cruz, Sr. habang sugatan ang anak nitong si Arnel Joseph Cruz, 27, miyembro ng Philippine Air Force (PAF), na isinugod sa MCI Hospital. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police Station, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang…
Read MoreMga miyembro balik-loob sa gobyerno – Gen. Estomo PWERSA NG NPA, PALIIT NANG PALIIT
MABABAKAS ang unti-unting paghina ng pwersa ng New People’s Army sa sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro nito sa iba’t ibang probinsya ng Bicol Region partikular na sa Masbate, ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo. Ito ay matapos na sumuko ang isang ama na nagnanais magbagong buhay at maging ehemplo sa kanyang mga anak sa Brgy. San Antonio, Milagros, Masbate. Itinago ito sa pangalan “Tatay Caloy”, 63-anyos at isang magsasaka. Bakas sa mukha ng dating rebelde ang kasabikan na tahakin ang tuwid na landas at gayundin ang…
Read More