6 PATAY SA ANTIPOLO SHOOTOUT

ANTIPOLO City, Rizal – Anim kataong pinaniniwalaang miyembro ng isang notorious robbery at carnapping group ang patay nang makipagbarilan umano sa mga rumespondeng pulis makaraang holdapin ang isang gasoline station sa Sitio Boso-boso na sakop ng Barangay San Jose kahapon ng madaling araw. Sa paunang ulat ng pulisya, lumalabas na dakong 1:30 ng madaling araw nang matiyempuhan ng mga miyembro Antipolo PNP sa kahabaan ng Marcos Highway sa nasabi ring barangay ang dalawang lulan ng motor kasama ang kalalakihan sakay naman ng isang kotseng may plakang naka-alarma. Nang lapitan umano…

Read More

2 JEEP INARARO NG TRUCK SA SLEX, 2 PATAY

kotse

LAGUNA – Dalawa ang patay matapos araruhin ng trailer truck ang dalawang service jeepney na nakatigil sa northbound lane ng SLEX sa bayan ng Cabuyao, Huwebes ng madaling araw. Batay sa report ng Regional Highway Patrol Unit -IVA, na-flat ang gulong ng unang cargo jeepney na minamaneho ni Joseph Agdan kaya huminto ito sa Lane 3 ng SLEX bandang alas-2:50 ng madaling araw. Tinulungan it ng ka-convoy na jeep na minamaneho ni Limuel Rosales, 31, na tumigil sa shoulder lane sa unahan ng nasiraang jeep. Ngunit dahil nasa gitna, hindi…

Read More

1 PATAY, 3 SUGATAN SA BANGGAAN SA CAVITE

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang backrider habang sugatan ang driver ng motorsiklo, driver ng Mitsubishi Adventure at isang pasahero makaraang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi. Kapwa isinugod sa Medical Center Imus sina Ryan Chavez Lopez, 28; Vernon Hebron Ronquillo, 27; Roderick Pangan De Leon at Maria Dolores Baluyot De Leon, 55, ngunit idineklarang dead on arrival si Lopez. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Carlo Punzalan ng Imus City Police Station, dakong alas-9:30 noong Miyerkoles gabi habang binabagtas ng Mitsubishi Adventure GLS Wagon…

Read More

TAIWANESE NA 17-TAONG WANTED NABITAG NG BI

QUEZON – Nalambat sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa mga awtoridad sa Taipei dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan, 17 taon na ang nakalilipas. Ayon sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente mula sa BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang dayuhan na si Huang Kuan-I, 53, naaresto noong Lunes ng umaga sa bayan ng Real sa lalawigan ng Quezon. Ang mga ahente na humuli sa dayuhan ay armado ng warrant of deportation na inisyu ni Morente matapos makatanggap ng…

Read More

8 WANTED PERSONS NALAMBAT NG PNP BICOL

SA gitna ng pangamba dulot ng banta ng COVID-19 pandemic, ang PNP Bicol, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, PRO5, ay mas pinaigting ang kampanya kontra kriminalidad upang matiyak ang seguridad ng bawat Bicolano. Noong ika-12 ng Oktubre 2021, nagsagawa ng anim na operasyon ang PNP Bicol sa ilalim ng ‘campaign against wanted persons’ na nagresulta sa pagkakahuli sa walong indibidwal. Sa probinsya ng Albay, timbog ang rank 7 city most wanted person ng Ligao City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified rape na inisyu ng RTC Branch 12, Ligao City. Kinilala ang suspek na si Romeo…

Read More

LIDER NG GUN FOR HIRE GROUP, TIMBOG

BATANGAS – Natimbog ng mga awtoridad ang umano’y lider ng isang gun for hire group sa bayan ng Padre Garcia sa lalawigang ito. Kinilala ang suspek na si Sulpicio Andal, 55, lider ng Andal gun for hire group na nag-o-operate sa lalawigan ng Batangas. Si Andal ay inaresto sa ikinasang search warrant operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO, OPD-Drug Enforcement Unit, 1st Batangas Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 403rd-A Maneuver Company, at Padre Garcia MPS sa bahay nito sa Barangay Maugat, Padre Garcia. Nakuha kay Andal ang isang kalibre .45 na baril, mga magazine at bala nito. Nasa kustodiya na ng Batangas PPO ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa…

Read More

9 PATAY, 16 MISSING SA BAGYONG MARING

SIYAM katao, kabilang ang ilang paslit, ang naiulat na nasawi sa loob ng dalawang araw na pananalasa ng bagyong Maring sa Mimaropa at bahagi ng hilagang Luzon base sa paunang ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations sa 16 na nawawala. Ayon kay Mark Timbal na siyang tumatayong tagapagsalita ng NDRRMC, kabilang sa mga hinahanap pa rin ang apat kataong pinaniniwalaang natabunan sa pagguho ng lupa sa Benguet. Binayo ng bagyong Maring ang malaking bahagi ng Luzon na nagdulot…

Read More

3 PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Tatlong lalaki ang namatay sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Lunes. Ayon sa ulat, magkasamang nanonood ng telebisyon sa loob ng isang vulcanizing shop sa Brgy. Malabanban Norte sa Candelaria ang dalawang biktimang sina Michael Tañada Fuentes, 40, at Jerome Luterte Maraon, 28, nang dumating ang mga suspek at sila ay pinagbabaril dakong alas-9:00 ng gabi. Habang sa bayan ng Lopez, pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang furniture maker na si Michael Nobilla Fullante, 40, sa loob ng bahay nito sa Barangay Calantipayan. (NILOU DEL CARMEN) 186

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA DUMP TRUCK

CAVITE – Patay ang isang rider habang sugatan ang angkas nito nang mawalan ng balanse ang motorsiklo matapos masagi ng dump truck at magulungan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Isinugod sa Las Piñas District Hospital ang mga biktima ngunit hindi umabot nang buhay si Eleazar Gulfo Agaraw, nasa hustong edad, habang inoobserbahan ang kalagayan ng angkas nitong si Orlando Pongon Velche. Pinaghahanap naman ang driver ng isang pulang HOWO dump truck na si Kenneth Mariano na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa ulat ni…

Read More