PASSENGER BUS PINASABUGAN, 1 PATAY, 6 SUGATAN

PATAY ang isang 5-anyos na paslit habang anim ang sugatan makaraang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ang isang passenger bus sa Barangay San Mateo, bayan ng Aleosan, North Cotabato kahapon ng umaga. Ayon kay Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, spokesman ng 6th Infantry Division, kinilala ang namatay na si Benjamin Solaiman, 5-anyos, unang iniulat na nasa kritikal na kondisyon. Habang ang anim pang sugatan na itinakbo sa iba’t ibang pagamutan ay kinilalang sina Haron Solaiman, 24; Masid Piang 25; Yushira Solaiman, 3; Rodolfo Castillo 67; Haira Solaiman, limang buwan…

Read More

45 DPWH employees, 40 iba pa sa Pandi, positibo rin 5 BULACAN RTC COURTS NI-LOCKDOWN

LIMANG branch office ng Regional Trial Court sa Malolos, Bulacan ang isinailalim sa lockdown matapos mahawa ang staff members nito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang nasa 45 na kawani ng Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagpositibo rin sa nasabing virus. Base sa ipinalabas na order ni 2nd Vice Executive Judge Corazon Domingo-Ranola ng Bulacan Regional Trial Court sa Malolos City sa pakikipag-ugnayan kay Hon. Raul Villanueva, Deputy Court Administrator for Luzon/ OIC Court Administrator, ang mga tanggapan ng RTC Branch…

Read More

Sa Tanza, Cavite UNVACCINATED BAWAL SA PALENGKE

CAVITE – Ipinag-utos ng lokal na pamahalaang bayan ng Tanza sa lalawigang ito na hindi papayagang mamalengke ang sino mang hindi bakunado. Sa inilabas na Memorandum Order No. 01 series of 2022 ni Tanza Municipal Mayor Yuri Pacumio, pagbabawalan ang sino man na pumasok sa Tanza Public Market na hindi bakunado at kinakailangan dalhin ang vaccination card ng mga bakunado. “The market administration ordered to strictly implement ‘no vaccination card, no entry’ policy,” nakasaad sa memorandum order. Ito ay upang mapigilan umano ang hawaan ng virus. Sarado ang nasabing public market tuwing…

Read More

GUNMAN SA FISCAL SLAY, SILAT SA PAGPUGA

CAVITE – Muntikan pang mawalan ng saysay ang pagkakadakip sa suspek sa pagpaslang sa assistant fiscal ng Trece Martires City nang magtangka itong pumuga habang nakadetine sa Custodial Center sa Imus City noong Lunes ng umaga. Si Marvin Linaban y Tagayon, 44, binata, ng Brgy. H2, Dasmariñas City, Cavite, umano’y hitman sa pagpatay kay Fiscal Edilberto Mendoza, 48, ay nakapuslit sa pagbabantay nina Corporal Lynard Pareja at Pat. Dexter Tapawan, duty jail officers, dakong alas-9:30 ng umaga sa loob ng PDEU Office sa Camp Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat…

Read More

NPA MEMBER NAPATAY NG PNP-PRO5

SA pagsisimula ng bagong taon, bitbit pa rin ng Police Regional Office 5 ang matinding pagnanais na buwagin at bigyan ng tuldok ang karahasang dulot ng New People’s Army (NPA). Patunay rito ang matagumpay na combat operation ng mga kawani ng Catanduanes Police Provincial Office (CPPO) noong ika-9 ng Enero 2022. Ayon sa report ng CPPO, dakong alas-7:30 ng gabi sa Brgy. Hinipaan, Bagamanoc, Catanduanes nang mangyari ang engkwentro sa pagitan ng pinagsamang pwersa ng pulisya at militar laban sa tinatayang sampung miyembro ng rebeldeng grupo. Ito ay nagresulta sa…

Read More

Jobless pinagbabaril MATAGAL NANG ALITAN TINAPOS NG DRIVER

PATAY ang isang 22-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng dati nitong kaalitan matapos abangan sa isang eskinita sa Bacoor City, Cavite noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gilbert Villantes Jr., binata, walang trabaho, ng Malipay 3, Molino IV, Bacoor City, Cavite habang pinaghahanap ng pulisya ang inginusong suspek na si Rule Endang, alyas Bor, nasa hustong edad, isang driver, ng Sitio Tabing Ilog, Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes Jr., ng Bacoor City…

Read More

DRIVER DEDO, 2 ANGKAS SUGATAN SA MOTORSIKLO

QUEZON – Patay ang isang rider habang sugatan ang dalawang backrider nito matapos na ang sinasakyang motorsiklo ay sumemplang at sumalpok sa railings ng highway sa bayan ng Catanauan sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali. Ayon sa report ng Catanauan Police, dead on arrival sa ospital ang biktimang si Phillip Abenilla, 37, dahil sa grabeng pinsala sa ulo. Sugatan naman ang magpinsang backrider nito na sina Jason Organo, 29, at Elmer Caparos, 25, pawang mga residente ng Barangay Bulagsong, Catanauan. Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng tatlo ang Lopez-Catanauan national highway sakop ng…

Read More

Dahil sa kontaminadong tubig VISMIN SAPUL NG EPIDEMYA

BUKOD sa nakaambang panganib bunsod ng pandemya, nahaharap sa matinding pagsubok ang libo-libong pamilya sa mga lalawigang hinagupit ng bagyong Odette may tatlong linggo na ang nakakaraan, ayon mismo sa Department of Health (DOH). Sa tala ng DOH, siyam na katao na ang pumanaw dahil sa dehydration habang nasa 895 naman ang nasa balag ng alanganin bunsod ng diarrhea (pagtatae) na dulot ng kawalan ng ligtas na inuming tubig. Partikular na tinukoy ni Ernesto Pareja na tumatayong tagapagsalita ng DOH Caraga region ang siyam na pumanaw mula sa Dinagat Island…

Read More

HITMAN SA FISCAL MURDER TIMBOG SA BUY-BUST

HAWAK na ng Cavite Police ang hitman sa pagpatay sa isang assistant city prosecutor sa Cavite matapos na maaresto sa buy-bust operation noong Biyernes ng gabi sa Trece Martires City. Kinilala ang suspek na si Marvin Tagayon Linaban, 44, ng Brgy. H2, Dasmariñas City, na umano’y inamin ang pagbaril at pagpatay kay Fiscal Edilberto Mendoza, 48, may asawa, assistant city prosecutor sa lalawigan at residente ng Elysian Field Subd., Brgy. Cabuco, Trece Martires City, noong Disyembre 31, 2021 dakong alas-7:38 ng umaga. Ayon kay P/SSgt. Rene Bibon ng Trece Martires City, may…

Read More