LUMAGDA ang bagong talagang Philippine Army 9th Infantry Division commander at Philippine National Police-Bicol PNP chief sa binalangkas na Joint Security Plan for a Secure 2022 Polls napinangungunahan ng Commission on Election (Comelec). Ayon kay PNP-Police Regional Police Office 5 director, P/BGen. Jonnel C. Estomo at bagong 9th ID commander, Maj. General Alex Luna, opisyal nang inaktibo ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) sa Bicol bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 national and local Elections. Sa pangunguna ng Comelec, tinalakay sa kauna-unahang coordinating conference ng RJSCC ang hinggil sa kahaharaping…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
COVID-19 CASES, SUMIPA SA LAGUNA
LAGUNA – Sumipa pataas ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigang ito, ayon sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office noong Martes, Enero 4. Mula sa 25 aktibong kaso ng corona virus noong Disyembre 29 ay tumaas ito sa 273 nitong Enero 4 dahil sa karagdagang mga kaso ng nasabing sakit sa ilang mga lungsod at bayan sa lalawigan, Naitala ang pagtaas ng mga bagong kaso sa Santa Rosa City, Calamba City, San Pablo City, at Los Baños. Samantala, umabot na sa 100,542 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa…
Read More3 RAPE SUSPECTS HULI SA PNP-PRO5
“I just want a clean slate record for persons at large,” I would say the manhunt started again,” pahayag PNP- PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na madakip ang ilang wanted suspect sa kasong panggagahasa, sa pangunguna ng no.1 most wanted person sa Casiguran, Sorsogon na may kasong two counts ng statutory rape. Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, nadakip sa ikinasang law enforcement operation ng Sorsogon-Casiguran MPS si Fernando Pancho Lacaste, 73-anyos na magsasaka ng Sitio Kagdagat, Brgy. Boton, Casiguran, Sorsogon. Nabatid sa report ni P/Col. Arturo Brual…
Read MoreRIDER BUMANGGA SA MOTOR, DEDBOL
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider makaraang bumangga sa motorsiklo na kanyang kasalubong noong Lunes ng gabi sa Imus City. Naisugod pa sa Medical Center Imus Hospital ang biktimang si Orlanda Ordonez (lalaki), 42, tricycle driver, subalit idineklarang dead-on-arrival. Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Jiangmen Haojue na nakabanggaan nito na si Johnyfer Adante, 34, isa ring tricycle driver. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Joseph Jader ng Imus City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente habang kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang…
Read MorePAMILYA SAMA-SAMANG NAMATAY SA SUNOG
SAMA-SAMANG namatay nitong Martes ng madaling araw ang apat na miyembro ng isang pamilya nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Concepcion sa Virac, Catanduanes. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Bicol, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang bahay ng pamilya Buentiempo. Ayon sa ulat na ipinarating kay PNP Regional Police Office 5 Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang mga biktimang sina Rosemarie Buentiempo, 28; ang kanyang live-in partner na si Jzar Estacio, 25; Klyne Buentiempo, 7-anyos at Mix Buentiempo, 3-anyos. Habang isa ang sugatan…
Read MoreBuking din sa baril MENSAHERO SUKOL SA PANANAKSAK
LAGUNA – Huli ang isang empleyado ng banko makaraang manaksak at makumpiskahan ng baril sa Sta. Rosa City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Eliseo Cruz, kinilala ang suspek na si Iluminado Breton, 40, mensahero, ng Brgy. Sto. Domingo, Binan City. Habang ang biktima ay kinilalang si Santiago Canon ng Rosewood 1 Subdivision, Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City. Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-8:30 ng gabi noong Lunes nang bigla na lamang…
Read MoreFUEL TANKER TRUCK HINAYJACK SA BATANGAS
BATANGAS – Tinangay ng hindi kilalang mga hijacker ang isang tanker truck habang nakaparada sa isang gasoline station sa Batangas City at nang matunton noong Bagong Taon ay nawawala na ang P900,000 halaga ng karga nitong petrolyo. Batay sa report ng Batangas City police, ipinarada ng driver ng Isuzu Lorry Tanker truck na si Francis Epis, ang sasakyan sa parking lot ng Maxifuel Gasoline Station sa Diversion Road, Brgy. Bolbok, Batangas City noong Disyembre 31 ng hapon. Kargado ito ng 20,000 litro ng petrolyo na isusuplay sa nasabing gasolinahan. Ngunit kinagabihan, nadiskubre ng…
Read MoreMENOR DE EDAD,3 PA BINITBIT SA TUPADA
CAVITE – Binitbit ng mga tauhan ng Cavite Police ang isang 16-anyos na menor de edad at tatlong iba pa habang nagsasagawa ng tupada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina alyas JR, 16-anyos; Sofronio Guardiano, 48; Renato Escarlan, 49, at Kint Ramos, 56, pawang mga residente ng Balsahan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Ronald Abalos ng Naic Police, ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Naic MPS sa Sitio Ilaya, Brgy.…
Read More1 PATAY, 3 SUGATAN SA KOTSE VS 2 MOTOR
BATANGAS – Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos salpukin ng kotseng minamaneho ng lasing ang kasalubong na motorsiklo na tumama naman sa isa pang motorsiklo sa national highway, sa Barangay Pinagtung-ulan, bayan ng San Jose, Linggo ng gabi. Batay sa report ng San Jose Police, nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang kotseng Honda Civic na minamaneho ng lasing na si Mark Kenneth Adami, 26-anyos, kaya nahagip nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng 31-anyos na si Michael Fabellon, construction worker. Sa lakas ng pagkakabangga, nawala sa kontrol ang motorsiklo…
Read More