Sumuko sa PNP-PRO5, Phil. Army 8 KASAPI TUMALIKOD SA NPA SA CAMNORTE

WALONG miyembro ng NPA sa probinsya ng Camarines Norte ang namulat sa katotohanan at piniling sumuko sa mga awtoridad noong Disyembre 26, 2021, saktong araw ng ika-53 anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Nababanaag sa “former rebels” ang saya at pag-asa mula sa paglaya sa marahas na kamay ng mga NPA. Kabilang sa mga sumuko si Ka Albert, 29; Noe, 32-anyos; Ka Romy; Ka Dante; Ka Jeffrey, 35; Ka Raul, 30; Ka Boy, 46, at Ka Remsy, 41-anyos. Isinuko sa mga awtoridad ng nabanggit na mga indibidwal na pawang mga…

Read More

MIYEMBRO NG MOJICA CRIME GROUP, ARESTADO

CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang isang miyembro ng Mojica crime group at kasama nito sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Reynaldo Banaag, 28, miyembro ng Mojica crime group at Jamil Junior y Ammad, alyas “Muslim”, 33. Ayon sa ulat ni Corporal Marck Teves ng Gen. Trias City Police, alas-12:20 ng madaling araw nang magsagawa ng OPLAN Sacleo sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod kung saan target ang mga suspek at nagresulta sa pagkakaaresto…

Read More

LOLA, DALAGITA NATUSTA SA UKAY-UKAY

BULACAN – Patay ang 60-anyos na senior citizen at ang kasambahay nitong 17-anyos makaraang makulong sa nasusunog na ukay-ukay store sa Barangay Poblacion, City of Meycauayan sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Milagros Glorioso, may-ari ng nasunog na ukay-ukay stall at Jackie Arevalo, kapwa ng Barangay Pandayan ng nasabing lungsod. Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang tindahan ng biktima na Irene Ukay-ukay sa People’s Market na 2-story commercial building sa Barangay Poblacion. Nabatid na isang tawag…

Read More

5-EKTARYANG LUPANG GOBYERNO IPINAMAHAGI SA MGA RESIDENTE

TAYTAY, Rizal – Higit pa sa asam na regalong karaniwang natatanggap sa panahon ng Kapaskuhan, ang magkatuwang na iginawad ng lokal na pamahalaan at mga ahensyang may mandatong kaugnay ng palupa at pabahay, ang pagpapamahagi ng lupang kinatitirikan ng mga kabahayan sa Sitio Tapayan, Barangay Sta. Ana. Sa isang kalatas, binigyang pagkilala ng mga residente ng Samahang Masigasig ng Sitio Tapayan Homeowners Association (SAMATHOA) sina Taytay Mayor Joric Gacula, Undersecretary Benny Antiporda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Presidential Commission on Urban Poor (PCUP) Chairman Alvin Feliciano,…

Read More

P16K DROGA NAKUMPISKA NG PNP-PRO5 SA CAMSUR

TINATAYANG 1.91 gramo ng umano’y shabu na P16,000 ang halaga ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng PNP-PRO5 noong Disyambre 27, 2021 sa Zone-4, Brgy. Baras, Canaman, Camarines Sur. Ang suspek ay kinilalang si Rogelio Rodriguez Basbas Jr. alyas “Jojo Basbas”, 52-anyos, may asawa, at residente ng Zone 1, ng nabanggit na lugar. Ang nasabing indibidwal ay nadakip sa inilunsad na buy-bust operation ng PNP-PRO5 na pinangunahan ng Canaman MPS. Kasalukuyang nasa kustodiya ng nabanggit na istasyon ang suspek at nahaharap sa kasong…

Read More

6 TODAS, 9 SUGATAN SA MINI BUS SA PAMPANGA

MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring pagsalpok ng minibus sa isang tricycle at kolong-kolong bago tinamaan ang isang waiting shed at poste ng kuryente na naging sanhi ng kamatayan ng anim katao at pagkasugat ng siyam na iba pa noong Linggo ng hapon sa Lubao, Pampanga. Ayon sa inisyal na report, bandang alas-4:30 ng hapon nang biglang salpukin ng rumaragasang Oster Line minibus ang tricycle at isang kolong-kolong (motor na may side car) at nakaladkad ang mga ito. Nabatid mula kay Police Lt. Col. Julius Javier, hepe ng Lubao Police,…

Read More

Ligtas na salubong sa 2022 BULACAN FIRECRACKERS’ STORES ININSPEKSYON

SA hangaring tiyakin ang kaligtasan sa nakagawiang pagsalubong ng Bagong Taon, sinorpresa ng Pyrotechnic Regulatory Board (PRB) at ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang kahabaan ng Manila North Road para inspeksyunin ang mga tindahang nagbebenta ng mga paputok at iba pang klase ng firecrackers. Bukod kina Gov. Fernando at mga kinatawan ng PRB, kabilang din sa mga nagrebisa sa safety aspects ng mga ibinebentang paputok at pailaw para sa bagong taon, sina Engr. Celso C. Cruz na tumatayong Pangulo ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association (PPMDAI) at Bulacan Provincial…

Read More

BINATA ITINUMBA SA ARAW NG PASKO

QUEZON – Patay ang isang binata matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng San Andres sa lalawigang ito, noong araw ng Pasko. Kinilala ang biktimang si Randy Mendoza, residente ng Barangay Camflora. Batay sa report ng San Andres Police, bandang alas-6:00 ng gabi, nagluluto ng hapunan sa kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng tatlong armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet. Pinagbabaril ng mga ito ang biktima na agad nalagutan ng hininga dahil sa mga tama ng bala sa…

Read More

Sa mga lalawigang winasak ni Odette PAGKAIN, TUBIG PAUBOS NA

NAGKUKUMAHOG ang tatlong Major Service Command ng Armed Forces of the Philippine na makapaghatid ng pagkain at malinis na tubig sa daang libong tao sa evacuation centers at mga nawalan ng tirahan bunsod ng paghagupit ng Typhoon Odette, dahil nararamdam na ang pagkaubos ng pagkain at tubig-inumin sa maraming lugar. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, prayoridad sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima. Aniya, inatasan na niya ang AFP na i-deploy ang lahat ng…

Read More