P37-M SMUGGLED AGRICULTURAL PRODUCTS NASABAT

TINATAYANG nasa P37 milyong halaga ng smuggled na produktong agrikultura ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Subic noong nakaraang Martes sa Zambales. Base sa report ng BOC, nadiskubre ang kontrabando dahil sa pagsasagawa ng Pre-Lodgment Control Orders sa shipment na naka-consign sa EMV Consumer Goods Trading at JKJ International Co. Ayon sa ulat, nagsagawa ang BOC ng physical examination sa isang container van na idineklarang 4,050 pakete ng ‘anti-bacterial wipes’ ngunit lumabas na mga ‘refined sugar’ pala ang laman. Isa pang container van na idineklarang ‘mantou bread’ at ‘egg tarts’ ang…

Read More

1K TURISTA SA SIARGAO, APEKTADO KAY ODETTE

MAHIGIT 1,000 domestic tourist sa Siargao Island sa Surigao del Norte ang naapektuhan nang manalasa ang bagyong Odette noong Disyembre 16. Ito ang kinumpirma ni Agusan del Norte Rep. Francisco Jose “Bingo” Matugas II sa media kahapon, kung saan 600 pa lamang sa mga turistang ito ang nailikas habang ang mahigit 400 ay nasa isla pa dahil sa problema sa transportasyon. Ang Siargao Island ang surfing capital ng Pilipinas na dinarayo, hindi lamang ng mga dayuhan kundi ng mga local tourist. Bukod sa mga turista, 99% umano sa 180,000 populasyon ng Siargao Island…

Read More

COAST GUARD STATION SA PAG-ASA ISLAND WASAK KAY ‘ODETTE’

WINASAK ng Bagyong Odette ang himpilan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Pag-asa Island, ayon sa tagapagsalita nila na si Commodore Armand Balilo. Sa kabila nito, sinabi ni Balilo na nakatutok pa rin sila sa disaster and relief operations sa Palawan na matinding sinalanta rin ng bagyo. “Now, we’re looking at Palawan. Kailangan talaga. In fact, pati ‘yung Coast Guard Station (CGS) namin sa Pag-Asa Island sa Kalayaan, reported na talagang washed out. Katatayo lang nu’ng CGS sa Kalayaan. Walang natira eh,” ayon kay Balilo. Tututok ang operasyon ng PCG sa Pag-Asa…

Read More

BAKUNAHAN PINALAWIG NG DOH CALABARZON

PINALAWIG ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang kanilang mga aktibidad sa pagbabakuna mula Disyembr 20-23, 2021 upang ma-accommodate ang mas maraming hindi pa nabakunahan na mga indibidwal na boluntaryong nagtutungo sa vaccination sites sa iba’t ibang lugar sa rehiyon. Sinabi ni Regional Director Ariel I. Valencia, marami na ang higit na nag-aalala sa kanilang kalusugan at kaligtasan lalo na’t ang mga kaso ng bagong variant ng Omicron ay nakapasok na sa bansa. “Walang ibang makapagbibigay ng proteksyon laban sa COVID at sa mga iba pang variant nito kundi…

Read More

SUNS ANGAT NA SA GSW

NAKABALIK na rin si Devin Booker sa lineup ng Phoenix Suns, kumamada ng 16 points at tinulungan ang NBA-leading Phoenix Suns sa paglista ng season-scoring high, nang tambakan ang Charlotte Hornets, 137-106, sa Arizona. Pitong larong absent si Booker sanhi ng hamstring injury, 26 minuto siyang sumalang at naupo na lang sa fourth quarter habang lamang ang Phoenix. Ang Suns, 24-5, ay angat na ngayon ng kalahating laro sa Golden State Warriors. Siyam na Phoenix players ang may double figures, JaVale McGee (19 points sa 16 minutes off the bench),…

Read More

MAG-ANAK SUGATAN SA DUMP TRUCK

BATANGAS – Grabeng nasugatan ang limang miyembro ng pamilya matapos araruhin ng kasalubong na dump truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa national highway sa bayan ng Calaca sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Batay sa report ng Calaca Police, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho ng dump truck na 24-anyos na helper na si Darwen Gerela kaya sinalpok nito ang tricycle na minamaneho ng padre de pamilya ng mga biktima na si Roldan Cesario, 35-anyos. Grabeng nasugatan si Cesario ganoon din ang maybahay nitong si Genoveva Cesario, 33, at mga…

Read More

2 TODAS SA MOTORCYCLE ACCIDENT SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawa ang patay sa dalawang magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo at isang tricycle sa lalawigang ito, noong Linggo. Nangyari ang unang aksidente sa Sto. Tomas-Lipa Road sa Barangay San Isidro kung saan sumemplang ang tricycle na minamaneho ni Walter Esuma, 34, matapos na sumalpok sa gutter ng kalsada noong Linggo ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktima dahil sa grabeng pinsala sa katawan. Grabe ring nasugatan ang pasaherto nito na si Pedro Bintang, 24, nilalapatan ng lunas sa ospital. Samantala sa Batangas City,…

Read More

Driver umiwas sa tumatawid PASAHERO NG AMBULANSYA PATAY, 4 SUGATAN

CAVITE – Imbes na masagip ang buhay, hindi na nakarating pa sa ospital at tuluyang nalagutan ng hininga ang isang 34-anyos na pasyente nang bumangga sa mga sasakyan ang sinasakyan nitong ambulansiya nang iwasan ng driver nito ang isang taong tumatawid sa kalsada na nagresulta rin sa pagkakasugat sa apat katao sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Joselito Rotaryo habang ang mga nasugatan ay sina Nina Madrigal, 38; April Tibayan, 32, pawang residente ng Nasugbu Batangas, mga pasahero ng ambulansiya;…

Read More

BULACAN NAMAKYAW ULIT NG PARANGAL

HINDI pa man humuhupa ang pagdiriwang ng Bulacan, kinilalang pinakamayamang lalawigan sa buong bansa, muli itong rumatsada makaraang humakot ng parangal para naman sa husay ng programa sa population development. Sa pagtatapos ng validation ng Commission on Population and Development (CPD) – Region III, nasungkit ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang prestihiyosong “The Outstanding Population Structure (TOPS) regional award sa kategoryang Adolescent Health and Development at Population and Development Integration Component. Pumangatlo naman ang Bulacan sa kategoryang Population Program Implementation. Binigyang pagkilala naman ni Bulacan Gov. Daniel…

Read More