LAGUNA – Arestado ang tatlong high value target ng mga awtoridad habang 10 kilong shabu na tinatayang P68 milyon ang halaga, ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police Drug Enforcement Group sa San Pedro City noong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, P/Col. Rogarth Bulalacao Campo, kay Calabarzon Regional Director, P/BGen. Eliseo DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Ace Arciaga, 35; Shamewayne Darvin, 19, at Benz Gonzales, 21-anyos. Kasama ring nadakip ang isang 17-anyos na binatilyo. Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba bandang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Sa puspusang kampanya laban sa insurhensiya 52 NPA NAPATAY NG PNP-PRO5
NAGBUNGA ang mahigpit na pagsisikap ng PNP-Police Regional Office 5 na durugin ang wakasan ang insurhensiya sa rehiyon sa pamamagitan ng regular na internal security operations na humantong sa pagkaneyutralisa ng maraming kasapi ng communist terrorist group, ayon sa kanilang datos na sumasaklaw sa panahon mula Enero 1 hanggang Nobyembre 30, 2021. Ayon sa kanilang tala, umabot sa 150 rebelde ang naaresto, 342 ang nahikayat na bumalik sa kawan ng batas, at 52 naman ang napatay sa aktwal na engkwentro. Nagresulta rin ito sa pagkakakumpiska at pagbawi ng 358 sari-saring mga…
Read MoreCALABARZON, NO. 1 PA RIN SA BAKUNAHAN
NANGUNGUNA pa rin ang rehiyon ng Calabarzon sa may pinakamaraming indibidwal na nabakunahan sa isinagawang una at ikalawang araw ng Bayanihan, Bakunahan 2, base sa ulat ng DOH Regional Daily Accomplishment Vaccination Report noong Disyembre 16, 2021. Umabot sa 113,147 ang mga nabakunahan kung saan may pinakamaraming nabakunahan sa lalawigan ng Batangas, 33,122; sumunod ang Cavite, 24,880; Quezon, 19,277; Rizal, 18,8446, at Laguna, 17,422. Ayon kay DOH 4-A Regional Director Ariel Valencia, “We will endeavor to vaccinate each and every eligible resident and achieve our target of at least 70% herd immunity. Magkakaroon pa…
Read MoreSIARGAO UNANG HINAMBALOS NG BAGYONG ODETTE
NAGING ganap na super typhoon ang Bagyong Odette bago tumama sa Siargao Island bandang ala-1:20 ng hapon ng Huwebes. Sumentro sa nasabing isla ang bagyo at napanatili ang lakas na 185 kph at may pagbugsong 230 kph. Kasunod nito, itinaas ang signal number four (4) sa Southern Leyte, eastern portion ng Bohol, Dinagat Island, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands. Ayon sa PAGASA, patuloy na kikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran o Kanluran ang bagyo. Posible rin itong mag-landfall sa Dinagat Islands bago tahakin ang ilang…
Read MoreLOOSE FIREARMS, PAGS PRAYORIDAD NG PNP-PRO5
HABANG papalapit ang May 9, 2022 local and national elections, mas pinaigting ng PNP-PRO5 ang kampanya kontra loose firearms at private armed groups (PAGs). Ito ay upang tiyakin ang matapat, ligtas, maayos at malayang pagpili at pagboto ng publiko sa kandidatong kanilang napupusuan bilang mga lider. Maaga pa lang ay inalerto na ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, RD, PRO5, ang buong hanay ng pulisya ng Bicol upang patuloy na subaybayan ang sitwasyon at maagapan ang ano mang insidente na maaaring maganap sa nalalapit na pagsisimula ng kampanya bago ang araw…
Read MoreP1.87-M shabu nasamsam 4 DUMAYO SA BICOL, NASUKOL NG PNP-PRO5
APAT na kasapi ng isang drug syndicate na dumayo sa Bicol Region, ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa isinagawang anti-narcotics operation sa Brgy. Kinale, Polangui, Albay. Ayon sa ipinaabot na ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, nasakote ang mga suspek na sina Celmel John Lapiz y Guico, 27, ng Brgy. Batong Malaki, Charmaine Erlandez y Padilla, 33, ng Brgy. Timugan, parehong sa Los Baños, Laguna; Ronald Mendoza y Rayos, 50, residente ng Brgy. Alangilan, at…
Read MoreGRUPO NG DUMAGAT SA RIZAL, KUMALAS SA NPA
RIZAL – Sinunog ng isang grupo ng mga Dumagat na kumalas sa New People’s Army, ang watawat ng CPP-NPA-NDF bilang simbolo ng kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno, pagsang-ayon sa pakikiisa sa pamahalaan at panunumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas. Ang mga residenteng kabilang sa mga katutubong Dumagat/Remontado na naging biktima ng grupong New People’s Army, ay lubos ang pasasalamat sa isinagawang “Peace Forum” sa pakikipagtulungan ng Barangay Task Force ELCAC (BTF-ELCAC), sa pamumuno ng kanilang Punong Barangay na si Adrenico Zubiaga ng Barangay Sta. Ines, sa bayan ng Tanay. Ginanap…
Read MoreFlight instructor patay, student pilot kritikal CESSNA PLANE CRASH SA PANGASINAN
INIULAT ng Pangasinan PNP na may isang flight instructor ang namatay habang kritikal ang kalagayan ng student pilot matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang training aircraft sa bahagi ng Alaminos City sa Pangasinan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Capt. Daryl Uy, flight instructor, at Caran France Kaura, student pilot. Sinasabing binawian ng buhay sa insidente si Uy habang sugatan si Kaura. Patuloy pang bineberipika ang ulat hinggil sa mga biktima na sinasabing kapwa dinala sa Western Pangasinan District Hospital. Base sa inisyal na ulat, ang two-seater…
Read More2 PATAY SA BULACAN AMBUSH
HINDI na nakuhang isugod pa sa pagamutan ang dalawa kataong lulan ng isang government vehicle na nagsisilbing convoy ng isang konsehal makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa San Jose Del Monte City sa lalawigan ng Bulacan. Sa paunang ulat ng pulisya, lulan ng isang Toyota Innova na may plakang SJN-168 sina Allan Rebuijo at Rodolfo Capulong nang tambangan ng mga armadong lalaking sakay naman ng isang Toyota pick-up sa Benjamin-II Village, Barangay Graceville sa nasabing lungsod. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naghatid lamang umano sa nasabing lugar…
Read More