BAGAMA’T papalapit na ang Kapaskuhan, wala pa ring humpay ang PNP-PRO5 sa paglulunsad ng mga operasyon kontra ilegal na droga upang dakpin at pigilan ang paglaganap nito sa rehiyon. Muling nagbunga ang pagsisikap ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa pagkakahuli sa apat na drug personality sa magkakahiwalay na buy-bust operation. Umabot sa P397,000 ang kabuuang halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa magkakahiwalay na anti-narcotics drive. Kasama sa mga nahuli ang top 2 sa Regional Recalibrated Illegal Drug watchlist na kinilalang si Dominador Inocalla…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
KUBRADOR NG STL ITINUMBA NG TANDEM
LUCENA CITY – PATAY ang isang babaeng kubrador ng STL matapos pagbabarilin ng riding in tandem noong Lunes ng gabi sa lungsod na ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Reynaldo Reyes, hepe ng Lucena PNP, ang biktimang si Abelina Paguio Obciana, 47. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima dakong alas-8:30 ng gabi at naka-backride sa tricycle nang biglang harangin ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at binaril ng dalawang beses sa ulo si Obciana at saka mabilis na tumakas. Nagawa namang dalhin sa St.…
Read MoreHVT, PATAY SA P1.02-M DRUG BUST ENCOUNTER
“YOU can only lose track of your prey if your vision is not clear” ani PNP-Police Regional Office 5 Regional Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo nang mapatay ang isang high value target matapos na mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Talisay, Camarines Norte. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang napaslang na umano’y bigtime drug pusher na si Christian Sabaria Serrado, 40-anyos, ng Brgy. Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte at itinuturing na regional level high value individual priority target, ayon sa PNP Data Base on Drug Personalities. Ayon kay P/BGen. Estomo,…
Read More2 BABAE TIMBOG SA EXTORTION SA CAVITE
CAVITE – Arestado sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang “mamamahayag” ng isang provincial newspaper at nagpakilalang mga ahente ng Philippine Drug and Enforcement Agency (PDEA) at umano’y nangingikil ng pera kapalit ng kalayaan ng nakakulong na mga drug suspect sa Trece Martires City noong Lunes ng hapon. Kinilala ayon sa kanilang Identification Cards (ID) ang arestadong mga suspek na sina Carla Saylo Alumno, dalaga, at Jessica Salapar, 27, dalaga, kapwa ng Rektang Puna News. Ayon sa ulat ng CIDG, dakong alas-5:30 ng hapon nang nagsagawa…
Read More14 PRIVATE ARMIES BUWAG NA – AÑO
SA hangaring tiyaking maayos at mapayapa ang nalalapit na halalan sa Mayo ng susunod na taon, 14 private armed groups ang tuluyan nang nalansag National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTS-DPAG). Sa isang kalatas na ipinalabas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, kabilang sa private armies na nalansag ng pamahalaan ay yaong mga grupong namamayagpag sa malaking bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Bagama’t nahigitan ang target na limang grupo kada taon, nananatili namang banta ang iba pang private…
Read MoreBULACAN RICHEST PROVINCE – DOF
KINILALA ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ang lalawigan ng Bulacan bilang “Richest Province” sa hanay ng 81 probinsya, batay na rin sa naitalang local revenue para sa taong 2020. Sa isang kalatas ng Department of Finance (DOF), lumalabas rin sa datos ng BLGF na dinaig ng Bulacan ang mga bigating lalawigan ng Cavite, Laguna at Rizal kung saan piniling magnegosyo ng maraming multi-national at transnational corporations batay naman sa talaan ng Board of Investments (BOI). Sa tala ng BLGF, tumataginting na P1.72 bilyon ang pumasok na kita sa…
Read MoreNPA NAPATAY, BARIL AT PAMPASABOG NAKUMPISKA
ISANG kasapi ng communist terrorist group ang napatay habang ilang baril at mga pampasabog ang nakumpiska sa ikinasang joint internal security operation ng PNP-Regional Office 5 at Philippine Army sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang kasapi ng Communist Party of the Philippine armed wing New People’s Army ang napatay sa sagupaan Barangay Salvacion, Ragay, Camarines Sur noong Linggo ng hapon. Nabatid na nagsasagawa ng security operation ang pinagsanib na puwersa ng 9th Infantry Battalion (9IB), 92nd Division Reconnaissance Company (92DRC), 1st Camarines…
Read MoreTRAVEL TAX DAPAT ALISIN NA -TURISMO
“ALISIN na dapat ang pangongolekta ng travel tax sa mga Pilipino na bumibiyahe palabas ng bansa”. Ito ang inihayag at kahilingan sa pamahalaan ni Atty. Marco Bautista, nominee ng Turismo Isulong Mo Party-list (TURISMO). “Malaking ginhawa sa mga kababayan nating biyahero kung matutupad ang naturang panukala na ma-repeal ang probisyon ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 na nagpapataw ng travel tax na PHP P1,620,” sabi ni Atty. Bautista. Ang TURISMO Party-list ay isa sa 165 party-lists na kinilala ng Commission on Elections (Comelec) bilang kalahok sa May…
Read MoreTEENAGER PATAY SA SNATCHER
LUCENA CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos na saksakin ng isa sa dalawang nang-agaw ng kanyang cellphone sa lungsod na ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Don Rosas Bulawan, residente ng Barangay 4, Lucena City. Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ng kanyang kaibigan, sa Merchan St. sa city proper nang bigla na lamang hablutin ng dalawang lalaki ang cellphone nito na tumilapon naman sa kalsada. Bagama’t hindi nakuha ang cellphone, hinabol ng dalawa ang mga…
Read More