BINATA PATAY SA PULIS DAHIL SA FACE MASK

PAMPANGA – Patay ang isang 20-anyos na binata matapos mauwi sa pamamaril ang paninita ng pulis sa hindi pagsuot ng face mask sa bayan ng Bacolor sa lalawigang ito. Ayon sa isinumiteng ulat ng Bacolor Municipal Police Station sa PNP Police Region Office 3, kinilala ang biktimang si Abelardo Vasquez, tinamaan ng tatlong bala sa katawan. Naisampa na ang kasong homicide laban kay Police Cpl. Alvin Pastorin, 33, isang intel officer ng Pampanga Police Provincial Office. Si Pastorin ay nakakulong na sa Bacolor Police Station. Tiniyak ni PNP chief, P/Gen.…

Read More

7 WANTED NABITAG NG PNP-PRO5

PITO katao na pawang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasakote ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa inilunsad na all-out campaign against wanted persons noong Nobyembre 24, 2021. Una sa listahang isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang 69-anyos na street sweeper ng Casiguran, Sorsogon na kinilalang si Isidoro Borromeo Jr. y Hibe, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8048 o “Preservation Act of 1995” batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng Municipal Circuit Trial Court ng Juban/Casiguran, Fifth Judicial Region, Probinsya ng…

Read More

DOH REG’L DIRECTOR ITINALAGA SA PWESTO

KASABAY ng tuluyang pagreretiro ni Department of Health – Calabarzon regional director Eduardo Janairo, itinalaga ni Secretary Francisco Duque ang hepe ng DOH Supply Chain and Management Service bilang bagong pinuno ng tanggapan ng nasabing kagawaran sa rehiyon. Sa isang pahayag, tinanggap naman ng tubong-Taytay, Rizal na si Dr. Ariel Valencia ang hamong ipagpatuloy ang husay na ipinamalas ng nagretirong regional director na naging bahagi ng ahensya sa loob ng 39 na taon sa siyam na DOH regional offices. “Together with the DOH-CALABARZON family, our local government partners, private and…

Read More

PH SUPPLY BOATS SA AYUNGIN BINARAKO PA RIN NG CHINA

INAMIN ng Department of National Defense (DND) ang umano’y muling pambabarako ng mga Tsino sa mga lulan ng supply vessels na naghatid ng pagkain at gamot sa mga sundalong Pilipino na nakahimpil sa BRB Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagama’t matagumpay na naihatid ang mga sundalo ang kanilang mga pangangailangan, nakaranas pa rin ang mililitar na mga Pilipino ng aniya’y pananakot at panggigipit ng Chinese Coast Guard gamit ang mas maliit na rubber boats – bagay na agad naman umano niyang ipinagbigay-alam kay Chinese…

Read More

Nagpanggap na kostumer, killer pala VENDOR NIRATRAT NG TANDEM

BATANGAS – Dead on the spot ang isang tindero ng gulay matapos na ratratin ng riding in tandem suspects habang nasa kanyang puwesto sa gilid ng highway sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Heracleo Bacit, 47-anyos, residente ng Sitio Bolbok, Barangay Butucan. Batay sa report ng Nasugbu Police, bandang alas-9:00 ng umaga, nasa kanyang vegetable stand ang biktima sa gilid ng Looc Road nang tumigil ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Nagkunwari umano…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY, BUKING SA TSINELAS

CAVITE – Dahil sa naiwang tsinelas sa crime scene, nabisto ang pagpatay ng isang 78-anyos na lalaki sa kapwa magsasaka na natagpuang tadtad ng saksak sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ang biktimang si Jeofrey Gane, 52, binata, ng Purok 1, Brgy. Biga 1, Silang, Cavite dahil sa tama ng mga saksak sa katawan Arestado naman ang suspek habang naghahanda nang tumakas na si Anthony Madrid, may asawa, ng Purok 1, Brgy. Biga 1, Silang. Ayon sa…

Read More

2 PATAY SA KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN

BATANGAS – Dalawa ang patay matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa national highway sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Ayon sa Bauan Police, kinasasangkutan ang aksidente ng isang Asian Utility Vehicle, isang pick-up, isang tricycle at isang motorsiklo. Namatay sa insidente ang driver ng motorsiklo na si Henry Pasia at ang driver ng tricycle na si Norberto Rabacid. Batay sa imbestigasyon, nabangga ng AUV na minamaneho ni Romeo Evangelista, ang sinusundang motorsiklo at tricycle sa kahabaan ng Palico-Balayan-Batangas Road sakop ng Brgy. As-is, Bauan dakong alas-2:30 ng hapon.…

Read More

Kulang sa abiso na under construction pa 1 PATAY SA OBISPO BRIDGE SA CAVITE

CAVITE – Isa ang namatay makaraang mahulog ang dalawang sasakyan sa kinukumpuning tulay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi at nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat, dalawang sasakyan ang nahulog sa Obispo Bridge sa Antero Soriano Highway sa magkahiwalay na insidente. Unang nahulog ang kotseng itim na may lulang tatlo katao na pawang mga nakainom ng alak, noong Linggo ng gabi. Sumunod namang nahulog ang isang puting van nitong Lunes ng madaling araw, lulan ang tatlong magkakapamilya na ikinamatay ng isa sa mga…

Read More

RAPE SUSPECT NA AYAW PAHULI, NAGBIGTI

CAVITE – Sa pangambang siya ay mahuli ng mga awtoridad, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang caretaker na top 4 most wanted person sa Muntinlupa Police dahil sa kasong 10 counts ng rape, sa isang apartment na binabantayan niya sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Arturo Basilio, alyas “Bangs”. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Glenn Soriano ng Silang Police Station, ala-1:45 ng hapon noong Linggo nang napansin ni Jhonna Lumunsod, 37, factory worker, nakatira sa isang unit ng apartment, na bukas ang pintuan…

Read More