LAGUNA – Patay ang 63-anyos na Turkish national nang saksakin ng kanyang live-in partner na Pinay nang magtalo sa kanilang bahay sa sa bayan ng Los Baños sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ng Los Baños Police ang biktimang si Fetullah Yaldizci habang ang suspek ay ang kinakasama nitong Pinay na si Fatma Vivas-Yaldizci, 32, nakatira sa Barangay Tadlac. Batay sa imbestigasyon, nagkasagutan ang dalawa sa kanilang bahay habang sila ay nag-iinuman matapos paluin ng biktima ang kanilang 3-anyos na anak na batang lalaki dakong alas-9:00 ng gabi. Dahil…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BRGY. CHAIRWOMAN, ITINUMBA SA STA. ROSA
LAGUNA – Patay sa pamamaril ang senior citizen na barangay chairwoman sa harap mismo ng barangay hall sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, nitong Lunes ng tanghali. Nabatid mula sa Sta. Rosa City Police Station, kinilala ang biktimang si Lorena Presbitero De Jesus, 60, kapitana ng Barangay Kanluran. Ayon sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kay Laguna Police Public Information Officer, P/Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nakaupo sa tabi ng Barangay Health Center ang biktima nang isang lalaki ang lumapit dito at pinaputukan ng dalawang beses. Agad dinala sa Sta.…
Read MoreBIKECINATION BENEFICIARIES TUMANGGAP NG BIKE, CP, P5K
TUMANGGAP ang bagong batch ng mga benepisyaryo ng Bikecination Project ng Caloocan City, ng bisikleta, cellphone at P5,000 load allowance. Ang awarding ceremony ng nasabing proyekto ay pinangunahan nina Mayor Oscar Malapitan, Councilor Enteng Malapitan at Department of Labor and Employment (DOLE) Senior Labor Officer Ronald del Rosario noong Biyernes sa North City Hall. Ang programa ay patuloy na naisasakatuparan sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) sa DOLE para sa mga programang makatutulong sa mamamayang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Ang mga benepisyaryong…
Read MoreBUKAS KOTSE UMATAKE SA CAVITE
CAVITE – Nasira ang bintana ng dalawang sasakyan at natangayan ng laptop ang isa matapos na mabiktima ng hinihinalang mga miyembro ng basag-kotse gang sa magkahiwalay na insidente sa Bacoor City noong Sabado ng gabi. Sa unang insidente, pumasok ang mag-amang Joseph Arman Robles at Edward Robles sa Anytime Veal Burger sa Brgy. Bayanan, Bacoor City, dakong alas-7:00 ng gabi upang kumain at ipinarada ang kanilang kotse na isang Suzuki Ertiga na may plakang NAN 7554, sa parking area. Pagbalik nila, nakitang basag na ang likurang kaliwang bahagi ng sasakyan habang…
Read MoreSITG binuo ni BGen. Estomo HUSTISYA SA BINULAG NA PULIS TINIYAK
PERSONAL na binisita kahapon ng bagong luklok na hepe ng Pambansang Pulisya, P/Gen. Dionardo Bernardo Carlos, ang police non-commissioned officer na biktima ng kalasingan ng isang police colonel mula sa PNP Aviation Security Group. Dumating sa Bicol si CPNP Carlos upang kumustahin ang kalagayan ni P/MSG Ricky S. Brabante ng Regional Mobile Force Battalion, sa dinanas nitong pinsala matapos siyang hatawin ng kopita ng opisyal na kinilalang si P/Col. Dulnoan D. Dinamling Jr. na nakatalaga bilang Regional Commander ng Aviation 5, na naging sanhi ng pagkabulag ng isang mata ng…
Read MoreMinalas sa test mission 2 PNP SAF TRAINEES, PATAY SA NPA
DALAWANG PNP-Special Action Force (SAF) trainees ang namatay habang apat pang pulis ang malubhang nasugatan sa engkwentro laban sa mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar nitong Linggo. Ayon sa PNP-Police Regional Office 8, nangyari ang sagupaan sa bisinidad ng Barangay Lunoy. Sinasabing ang mga biktima ay sumasailalim sa Special Action Force Commando Course (SAFCC) para maging ganap na kasapi ng PNP-SAF. Napag-alaman na ang mga namatay ay mga batang pulis na may ranggong patrolman, habang ang mga sugatan ay police lieutenants na pawang isinugod sa pagamutan. Kasalukuyang…
Read MoreDRIVER INASINTA SA TERRACE
BATANGAS – Dead on the spot ang isang tricycle driver makaraang barilin ng hindi kilalang suspek habang nakaupo sa terrace ng kanyang bahay sa Tanauan City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ng Tanauan City Police ang biktimang si Ricarte Mazo, 49-anyos, residente ng Barangay Boot. Base sa report, bandang alas-8:30 ng gabi nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa harap ng bahay ng biktima. Pagkaraan ay bigla na lamang binaril ng backrider ang biktima na tinamaan sa ulo na naging sanhi ng agarang pagkamatay…
Read MorePULIS BINULAG NG LASING NA OPISYAL
POSIBLENG maharap sa kasong administratibo o pagkakasibak sa serbisyo ang isang police colonel matapos nitong bulagin ang isang police non-commissioned officer habang nasa impluwensiya ng alak. Kinilala ang pasaway na opisyal na si P/Col. Dulnoan D. Dinamling Jr., miyembro ng PNPA Class-1998, ngayon ay nakatalaga bilang Regional Commander ng PNP-Aviation 5. Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang biktimang si Police Master Sergeant Ricky S. Brabante. Ayon sa ulat, kailangang tanggalin ang kanang mata ng biktima upang maiwasan ang kumplikasyon matapos na hatawin umano ng wine glass ang mukha nito ng…
Read MoreSUPORTA KAY CPNP CARLOS, TINIYAK NG PNP-PRO5
NAGPAHATID ng kanilang pagbati kay Philippine National Police chief, Police General Dionardo Bernardo Carlos ang buong puwersa ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa bagong promote na hepe pambansang pulisya, na isa nang ganap na 4-star general at pinakamataas na opisyal ng pulisya sa bansa. Kasabay nito ang pagpapahayag ng kanilang buong suporta sa lahat ng programang isusulong ni Gen. Carlos partikular ang pagtiyak na magkakaroon ng clean, honest, and orderly May 2022 national and local elections. Ang karagdagang bituin na matatag na nakapatong sa mga…
Read More