CAVITE – Makalipas ang tatlong araw ng pagtugis ng pulisya sa pangunahing suspek sa likod ng pamamaslang sa isang kandidato sa pagka-vice-mayor ng bayan ng Maragondon sa lalawigang ito, kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang suspek sa malagim na insidente sa General Trias City. Ayon sa ulat ni Corporal Jhocel Dayumat ng Gen. Trias City Police, dakong alas-7:20 kahapon ng umaga nang sumuko ang suspek na si Robert Amoranto, kasama ang kanyang asawa at iba pang miyembro ng pamilya. Giit ni Amoranto, hindi siya pinatulog ng kanyang konsensya matapos…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Naglaho sa stockroom ng PNR station INSIDE JOB SA MISSING P1.3-M BAKAL
LUCENA CITY – Nawawala ang P1.3 milyong halaga ng angle bars na gagamitin sa rehabilitasyon ng riles ng PNR at umano ay ninakaw sa stockroom ng PNR station sa lungsod na ito. Ayon sa imbestigasyon, ini-report noong Huwebes ng gabi ng Railway Police Officer na si Romero Vargas Borja Jr. ang pagkawala ng 1,015 piraso ng mga angle bar na nakatago sa DOTC Telecommunication Office na ginawang stock room ng PNR station. Subalit lumalabas sa pagsisiyasat ng Lucena PNP na walang indikasyon na ninakaw ang mga bakal at posible umanong inside…
Read MoreELECTION OFFICER SA SAMAR, NILIKIDA
PINAIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police ang nangyaring paglikida sa isang acting election officer sa bayan ng Lope de Vega sa Catarman, Northern Samar noong Huwebes ng hapon. Patay sa pamamaril ang 42-anyos na si James Diaz Maghanoy, acting election officer sa nabanggit na lugar. Ayon sa Catarman PNP, isang hindi pa kilalang gunman ang bumaril kay Maghanoy sa Barangay Somoge sa Catarman noong Huwebes ng hapon. Nangyari ang krimen bandang alas-5:00 ng hapon habang sakay si Maghanoy ng kanyang motorsiklo pauwi ng kanilang bahay. Nagawa pang maitakbo ang biktima sa…
Read More2 VINTAGE BOMBS NATAGPUAN SA CAVITE SHOAL
CAVITE – Maingat na nakuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Cavite Station ang dalawang vintage bomb na natagpuan sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal sa lalawigang ito. Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay-alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 ng umaga noong Miyerkoles. Pinayuhan naman ng PCG ang crew na itigil ang operasyon at maingat na ikordon ang lugar. Agad na nagtungo ang grupo mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive…
Read MoreSANGKOT SA PAGPASLANG SA DSWD EMPLOYEE, NASAKOTE
ARESTADO ang 42-anyos na administrator ng barangay na sangkot sa pagpatay sa isang empleyado ng DSWD, sa Justice Hall sa Marikina City noong Miyerkoles. Kinilala ang nadakip na si Reynaldo Mejia Jr. y Rodriguez, barangay administrator, nakatira sa #215 Malaya St., Brgy. Malanday sa lungsod. Dakong alas-3:00 ng hapon noong Nobyembre 17 nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant Section ang suspek sa ground floor ng Justice Hall sa Brgy. Sta. Elena, Marikina City. Nauna rito, naglabas ng warrant of arrest si Judge Acerey C. Pacheco ng RTC Branch 165…
Read More2 NPA PATAY SA BAKBAKAN SA QUEZON
QUEZON – Dalawang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang napatay sa bakbakan sa mga tropa ng pamahalaan sa bayan ng Sampaloc sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa report ng Sampaloc Police, nangyari ang engkwentro sa Barangay Taquico dakong alas-5:50 ng hapon sa pagitan ng mga tauhan ng 59th IB, 2ID ng Philippine Army at limang miyembro NPA na kasapi sa Platun Laguna-Quezon command. Tumagal ng halos ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde patungo sa mabundok na bahagi ng Barangay Ibabang Owain. Naiwan…
Read MoreWANTED SA US NAHULI SA MINDORO
PUERTO GALERA, Mindoro – Arestado sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) noong Lunes ang isang Amerikano na wanted sa US simula noong 2018. Ayon kay BI Fugitive Search Unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy, si Paul Scott Finch, 51-anyos, ay naaresto sa Sitio Paraway, Brgy. Dulangan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro sa bisa ng warrant of deportation na inisyu nitong unang linggo ng buwan. “Our counterparts from the US government recently shared information about his (Finch’s) crimes,” pahayag ni Sy. “We conducted a manhunt and discovered that he had been hiding in…
Read MoreLIGTAS AT PAYAPANG PASKO, TITIYAKIN NG PNP BICOL
PAGPASOK pa lamang ng “ber” months ay sinimulan na agad ng PNP Bicol ang iba’t ibang paghahanda para sa darating na yuletide season. Ito ay upang tiyaking ang seguridad ng bawat Bicolano sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon. Ayon kay PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, bahagi ng kanilang paghahanda ang maximum deployment ng mga pulis sa mga lugar na inaasahang madalas puntahan at dagsain ng mga tao. Pinaigting din ang police and mobile visibility upang mahigpit na masubaybayan ang mga kaganapan sa komunidad at magsilbing babala…
Read More4 DRUG PERSONALITIES LAGLAG SA PNP-PRO5
APAT na drug personalities ang nakaselda ngayon matapos na masakote sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon sa ulat na ibinahagi ni Bicol PNP chief, P/Brig. General Jonnel C. Estomo mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, dakong 7:40 noong Martes ng gabi sa Zone 1, Brgy. Sabang, Calabanga ay nadakip nila ang 45-anyos na laborer na si Renante Bulawan y Garcia sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiskahan ng 13 gramo ng shabu at 5 gramo ng dahon ng…
Read More