BIGTIME TULAK, DEDBOL SA DRUG BUST NG PNP BICOL

ISA na naman notoryus na tulak ang napaslang ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa kanilang mas agresibong kampanya kontra ilegal na droga bilang bahagi nang patuloy na pagpapatupad ng pamunuan ng PNP sa programa nitong Intensified Cleanliness Policy (ICP). Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang katibayan nito ang pagkakasamsam sa tinatayang 1,150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P7,800,000 ang street value kasunod ng ipinatupad na buy-bust operation sa bayan ng Nabua, Camarines Sur. Ayon sa ulat na ibinahagi ni P/BGen. Estomo, nagsagawa…

Read More

Pagsanjan Falls binuksan 4 BAYAN SA LAGUNA ZERO COVID NA

LAGUNA – Apat na bayan na sa lalawigang ito ang “zero” o wala nang aktibong kaso ng COVID-19, ayon sa inilabas na ulat ng Laguna Provincial Health Office noong Nobyembre 15. Ang mga bayan ng Lumban, Luisiana, Rizal at Famy ay wala nang naitalang aktibong kaso o “zero” na sa coronavirus. Nangunguna naman sa talaan ang lungsod ng Calamba kung saan ay mayroong 446 aktibong kaso. Inumpisahan na rin ang pediatric vaccination o pagbabakuna sa mga kabataang nasa edad 12-17 taong gulang. Nasa 800 mag-aaral ng Calamba Science High School at…

Read More

1 patay sa sagupaan 6 TOP NPA LEADERS SA NORTHERN LUZON, TIMBOG

SA pagsusumikap ng Armed Forces of the Philippine Northern Luzon Command na matupad ang kanilang self-imposed deadline na wakasan ang communist terrorist group sa kanilang area, sunod-sunod na military offensive ang kanilang inilulunsad. Ayon kay Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, sa kanilang pinal na operasyon para tuluyang durugin ang CPP-NPA sa hilaga at gitnang Luzon, anim na mataas na pinuno ng communist terrorist group ang nadakip ng kanyang mga tauhan sa kahapon. Kinilala ang mga arestado na sina Gil Peralta alyas “Elmo”, secretary ng Komiteng Rehiyon – Cagayan…

Read More

GUN-FOR-HIRE, LAGLAG SA BITAG NG PNP-PRO5

HABANG papalapit ang eleksyon sa susunod na taon, puspusan ang paglalatag ng iba’t ibang operasyon kontra kriminalidad ng PNP Bicol upang matiyak ang maayos at tahimik na pagboto ng mga Bicolano, ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo. Ang pahayag ni P/BGen. Estomo ay kasunod nang pagkaka-aresto sa isang hired killer na miyembro ng isang robbery at gun for hire group sa Mercedes, Camarines Norte. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, nadakip sa ikinasang law enforcement operation si Domingo Babagay Base Jr., na isang miyembro…

Read More

DRUG COURIER TIMBOG SA HIGH-IMPACT OPERATION NG PNP-PRO5

BILANG pagsuporta sa pamumuno ng bagong itinalagang hepe ng Pambansang Pulisya na si P/Gen. Dionardo Bernardo Carlos, mas pinaigting ng PNP-Police Regional Office 5 ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga. Patunay rito ang paglulunsad ng high-impact operation laban sa isang drug personality sa Purok-6, Brgy. Bombon, Tabaco City, Albay. Sa ulat na ipinarating kay P/BGen. Jonnel C. Estomo, pinuno ng PNP-PRO5, ang nasabing operation ay nagresulta sa pagkakatimbog sa suspek na kinilalang si Marion Diaz Rañola, 37, walang asawa at residente ng Brgy. Balogo, Oas, Albay. Ito ay matapos na positibong…

Read More

SUNDALO, 2 PA HULI SA GUN BUY-BUST OPS

ISANG Philippine Army corporal at dalawang sibilyan ang nadakip ng mga awtoridad sa pagbebenta ng baril kasunod ng isinagawang gun buy-bust operation sa Zamboanga City. Kinilala ang mga arestado na sina Corporal Alkhaizer Balboa, 36; Rodolfo LLenado, Jr., 37, at Remar Hadjiri, 43-anyos. Ayon sa ulat, naglatag ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa mula sa Joint Task Force Zamboanga at local police, kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa La Terazza Hotel, Gov. Camins Avenue. Sa nasabing operasyon ay nadakip ang tatlong…

Read More

Sa special session na dinaluhan lang ng 4 miyembro P4.1 BILYON BUDGET NG QUEZON IPINASA

LUCENA CITY — Paspasan ang ginawang pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa nakabinbing 2021 Annual Budget kahit apat lamang ang dumalong miyembro nito sa isang special session noong Sabado. Sa pagpupursige ni Bokal Donaldo “Jet” Suarez na anak ni Quezon Governor Danilo Suarez, ipinasa ng Konseho ang 2021 revised provincial annual budget na P4,157,830,020. Una rito, binuo ng konseho kasama si Vice-Governor Samuel Nantes ang kapulungan bilang committee-as-a-whole noong umaga ng Sabado at makatanghali ay isinagawa ang special session. Bukod kay Suarez, dumalo rin ang tatlo niyang kaalyado sa…

Read More

Pagpatay sa 3 local candidates NARESOLBA NG PNP-PRO5

IDINEKLARA ng Bicol PNP kahapon na naresolba na ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa tatlong local candidates sa Donsol, Sorsogon base sa ulat na nakarating sa tanggapan ng PNP-Police Regional Office 5. Ayon sa ibinahaging update kahapon sa SAKSI NGAYON, “Good morning, Sir. For info the case of 3 missing person as reported and the 3 found dead bodies is already solved sir.” “The DMPS (Daraga Municipal Police Station) have convinced the legal body/court base on the facts and circumstances and evidences collected by our vigilant investigators that the culprit…

Read More

NO. 2 MAN NG CONCEPCION GANG, 1 PA NAPATAY

CAVITE – Patay ang isang lider ng Concepcion criminal group at kabilang sa regional most wanted person, at isang miyembro nito makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest sa Gen. Trias City nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang mga napatay na sina Emmanuel Saysay Concepcion, number 2 man ng Concepcion criminal group, at isang ‘di nakilalang lalaki na miyembro rin ng grupo. Pinaghahanap naman ang pinaka-lider ng grupo na si Gilbert Saysay Concepcion, regional most wanted person na may patong sa ulo sa Bicol…

Read More