HOUSE-TO-HOUSE COVID INFORMATION CAMPAIGN SA CALABARZON

UPANG makamit ang herd immunity at mapataas ang bilang ng bakunadong mga residente sa rehiyon ng Calabarzon, nagbahay-bahay na ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Laguna at Rizal upang magbigay-kaalaman at tamang impormasyon hinggil sa bakuna. Ayon sa ulat mula ng Department of Health Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), ang dalawang probinsya ang may pinakamaraming residente na nag-aalinlangan sa pagpapabakuna. Ayon kay DOH 4-A Regional Director Eduardo Janairo, “Napakahalaga ng tamang impormasyon at tamang komunikasyon upang malabanan ang vaccine hesitancy at misinformation na natatanggap ng eligible recipients. Kailangang…

Read More

Election violence umarangkada na 4 KANDIDATO PINATAY SA ALBAY AT BATANGAS

HINDI pa man ganap na nagsisimula ang takdang panahon ng pangangampanya, tatlo kataong pawang mga kandidato para konsehal sa bayan ng Donsol sa lalawigan ng Sorsogon ang natagpuang wala nang buhay sa Barangay Busay sa Daraga, Albay makaraang dukutin kahapon ng umaga. Agad namang nagpalabas ng direktiba si PNP Regional Police Office 5 chief Brigadier General Jonnel Estomo para sa malalimang imbestigasyon matapos madakip ang kontrobersyal na whistle blower na si Peter Joemel De Leon Advincula na higit na kilala sa kanyang alyas na “Bikoy.” Sa paunang imbestigasyon ng pulisya,…

Read More

Bahay ng massacre suspect sinalakay ARMAS, PAMPASABOG, BALA NADISKUBRE

BUMULAGA sa mga tauhan ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang samut saring baril, mga bala at pampasabog nang salakayin nila ang bahay ng suspek sa malagim na Camarines Sur massacre na ikinamatay ng lima katao, tatlo rito ay mga bata. Ayon kay Gen. Estomo, bumungad sa mga operatiba na nagsagawa ng law enforcement operation, ang iba’t ibang uri ng baril, pampasabog at bala sa bahay mismo ng suspek sa pamamaril ng limang magkakaanak sa bayan ng Milaor noong gabi ng ika-5 ng Nobyembre 2021, na target ng kanilang…

Read More

PATAYAN DIN SA BATANGAS

Samantala, patay rin ang isang dating konsehal na kapatid ng pinaslang na dating alkalde, matapos pagbabarilin ng hindi bababa sa limang suspek sa San Juan, Batangas, Huwebes ng umaga. Kinilala ng San Juan police ang biktima na si Francisco Hidalgo Jr., 58-anyos, negosyante, tubong Barangay Quipot, San Juan at residente ng Barangay Santiago, Malvar, Batangas. Si Hidalgo na dati ring miyembro ng Philippine Navy ay dating municipal councilor ng Malvar, Batangas at kapatid ni dating Balete, Batangas Mayor Joven Hidalgo na pinaslang din taong 2017. Batay sa report ng San…

Read More

COLLECTOR NG CRIMINAL GANG, DEDBOL SA PNP BICOL

PATULOY na tinutugis ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang utak ng Concepcion criminal syndicate matapos na mapatay ng Bicol PNP ang umaaktong kolektor ng grupo sa kanilang extortion at protection racket. Sa report na ibinahagi ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, napatay ng kanyang mga tauhan ang isang miyembro ng Concepcion criminal gang nang mauwi sa barilan ang sana’y pagsisilbi ng search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2002. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief,…

Read More

HVT NABITAG NG PDEA, PNP-PRO5

“WE just cannot afford to jeopardize our people by being laxed in our implementation of drug operations.” Ito ang inihayag ni PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos madakip ng kanyang mga tauhan ang isang high value target individual na kasama sa talaan ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs, sa inilatag na anti-narcotics operation ng PNP Bicol sa Brgy. Calatagan Tibang, Virac, Catanduanes. Ayon sa isinumiteng ulat ng Catanduanes Provincial Police Office (CAT PPO), nahuli sa inilunsad na law enforcement operation, katuwang ang mga operatiba ng Philippine…

Read More

Naitala sa magkasunod na araw ZERO COVID CASES SA ALAMINOS

LAGUNA – Dalawang araw nang COVID-free ang bayan ng Alaminos matapos na wala nang naitalang aktibong kaso roon. Ito ay dahil sa aktibong pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Alaminos at Rural Health Unit na closely monitoring sa sakit na COVID-19 sa bawat barangay. Nauna rito, inihayag ni Mayor Ruben Alvarez noong araw ng Martes sa FB Page na “zero” o wala nang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan. Ngunit patuloy pa rin aniya ang kanyang paghihikayat sa mamamayan na sumunod sa lahat ng itinalagang public health standards upang mapanatiling…

Read More

Kababayan pwersahang pinagtrabaho 3 CHINESE TIMBOG SA CAVITE

CAVITE – Arestado ang tatlong Chinese national dahil sa puwersahang pagpapatrabaho at pagmamaltrato sa dalawa nilang kababayan, makaraang makatakas ang isa sa mga biktima sa Bacoor City, nitong Huwebes ng madaling araw. Inaresto ng mga awtoridad sina Wen Bo Zhou, Hanlu Chen, kapwa lalaki at Bing Bing, babae, dahil sa reklamo ng biktimang si Tao Zhang, 23-anyos. Ayon sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo, ang biktima, kasama si Zhao Qinglin, 25, ay puwersahan umanong pinagtatrabaho sa Shuang Ma Enterprise sa Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite habang pinagbabantaan na…

Read More

TSINO, KINIDNAP NG KAPWA TSINO

MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng Cavite Police at Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kaugnay ng reklamong inihain ng isang 25-anyos na Chinese national na umano’y dinukot, kinuhanan ng hindi bababa sa P500,000 bilang ransom ng kapwa Tsino sa Bacoor City. Ayon sa biktimang si Jain Lui, residente ng Makati City, pinapunta umano siya ng suspek na kinilalang isang A-Xu, alyas A-Jian sa Shuang Ma building sa Barangay Niog-3 sa Bacoor City para pag-usapan ang kanya umanong business proposal. Subalit pagpasok pa lamang umano ng nasabing gusali, agad…

Read More