IPINAWALANG bisa ng korte sa Batangas ang search warrant na ginamit ng mga pulis sa isa sa serye ng mga raid laban sa mga aktibista na tinaguriang “Bloody Sunday” operations na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na unyonista noong Marso 7. Sa inilabas na order noong Oktubre 25, at ini-release sa media nitong Lunes, pinawalang bisa ng Tanauan City Regional Trial Court Branch 6 ang search warrant laban kay Erlindo “Lino” Baez, spokesperson ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Batangas chapter. Dinismis din ng korte ang kasong illegal possession of firearms and explosives laban kay Baez.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PNP NAGBABALA KONTRA LOVE SCAM
NAGPALABAS ng babala ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng isang isang modus na bumibiktima sa mga naghahanap ng banyagang karelasyon sa iba’t ibang social media platforms, kasunod ng pagkakadakip sa dalawang Nigerians na pinaniniwalaang sangkot sa tinatawag na “love scam.” Partikular na pinag-iingat ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar ang mga “loveless” sa aniya’y modus kung saan karaniwang nakikipag-relasyon ang mga suspek sa mga Pinay na kalaunan ay nahuhuthutan ng libo-libong salapi sa paraan ng pamba-blackmail. Aniya, ang pagkakadakip kina Felix Aondowase at Emmanuel Abia sa entrapment operation ay…
Read MoreMODEL LUMIYAB DAHIL SA COSTUME
ISANG dalagita ang muntik nang lamunin ng apoy nang biglang magliyab ang suot nitong costume kaugnay sa modeling show sa isang youth activity sa Estancia, Iloilo. Dumanas ng first degree burns sa katawan ang 17-anyos na dalagita matapos magliyab ang kanyang costume habang naghahanda sa aktibidad ang grupo ng mga kabataan. Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Estancia Municipal Police Station chief, Police Lt. Joebert Amado, sinabi nito na may culminating activity ang Pag-Asa Youth Association of the Philippines na ginanap sa plaza sa nasabing bayan. Kasalukuyang umanong naghahanda ng kanilang costume…
Read MoreManifesto ng pagkakaisa nilagdaan DOKTRINA GIIT PARA SA MGA KANDIDATO
PARA sa iba’t ibang sekta ng pananampalataya, higit na kailangan sa mga susunod na manunungkulan sa lokal na pamahalaan ang lideratong nakasandig sa dokrina ng pananampalataya – bagay na hindi tinugon ng mga kandidato, maliban sa dalawa. Sa idinaos na “Gabi ng Pagbabago” sa Rosmen Pavilion sa Barangay Parada sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan, sabayang nilagdaan ng mga kinatawan mula sa sektang Katoliko, born-again Christians at kapatirang Muslim ang isang manipesto nagsusulong ng isang tapat na panunungkulang base sa kani-kanilang relihiyon para sa mga susunod na…
Read MoreBAGONG AFP AT PNP CHIEFS SABAY ITATALAGA NI DU30
INAASAHAN ang sabayang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang hahalili sa pwesto ng mga magreretiro sina Armed Forces Chief of Staff General Jose Faustino at Philippine National Police (PNP) Director-General Guillermo Eleazar. Sa hanay ng hukbong sandatahan, walong opisyal na may ranggong major general hanggang lieutenant general ang pinagpipiliang pamalit kay Faustino. Pag-amin pa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, may mga naisumite na siyang pangalang posibleng hiranging bagong AFO chief of staff bago pa man tuluyang bumaba sa pwesto si Faustino sa Nobyembre 12. Posibleng ito na rin aniya…
Read More3 BAYAN SA BATANGAS, ASF-FREE NA
BATANGAS – Tatlong bayan sa lalawigang ito ang muling idineklara ng Provincial Veterinary Office bilang African Swine Fever free na. Ayon kay Assistant Provincial Veterinarian Dr. Rafael Baculi, ang mga bayang ito ay ang Calaca, Mataas na Kahoy at Talisay. Aniya, malaking bagay sa kanilang lalawigan na mapuksa ang nasabing virus na kumalat sa mga alagang baboy dahil kabilang ang nasabing mga bayan sa pangunahing pinagkukunan ng mga karne ng baboy. Inaasahan ni Director of the International Training Center on Pig Husbandry Dr. Ruth Miclat-Sonaco ng National Livestock Program, na madaragdagan…
Read More98.38% NG BICOL PNP BAKUNADO NA
UMABOT na sa 98.38% ang mga nabakunahan sa mga tauhan ng Police Regional Office 5. Ito ay resulta ng puspusang inoculation program ng organisasyon upang matiyak ang kaligtasan ng bawat miyembro nito habang ipinatutupad ang kanilang mga tungkulin bilang frontliners. Ayon sa talaan ng Regional Health Service 5, ang porsyentong nabanggit ay kinabibilangan ng 11,387 “fully vaccinated” at 1,280 na tauhan naman nito ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna. Ang datos na ito ay mula sa kabuuang pwersa ng yunit na 12,872. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief…
Read MoreNAGYABANG NG BARIL, DINAMPOT NG PNP-PRO5
MASBATE – Bagsak sa kulungan ang isang lalaking nagwawala at ipinagyayabang ang kanyang baril, nang damputin ng mga tauhan ng PNP-Regional Police Office 5 na nasa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, noong Huwebes ng umaga sa Sitio Barayong, Brgy. Poblacion, sa munisipalidad ng Baleno sa lalawigang ito. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Maria Luisa Calubaquib, swak sa kalaboso ang suspek na kinilalang si Ramil Bajar y Luvedesis, 44-anyos, walang trabaho at residente ng nasabing lugar. Ito ay resulta ng alistong pagresponde ng mga tauhan ng Baleno MPS sa sumbong ng…
Read More6 SAKAY NG SUV DINUKOT SA HIGHWAY
BATANGAS – Anim katao ang dinukot ng armadong kalalakihan sa national highway sa Brgy. Niyugan sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Ayon sa report ng Laurel Police, sakay ang mga biktima ng Mitsubishi Xpander at tinatahak ang Nasugbu-Tagaytay Highway patungo sa direksyon ng Tagaytay nang harangin ang mga ito ng apat na SUV. Bumaba ang nasa 10 armadong kalalakihan at pwersahang inilabas mula sa Xpander ang mga biktima at isinakay sa isang puting Starex na hindi naplakahan. Kinilala ang mga tinangay na sina Eugene Noora, isang alyas Shane…
Read More