TENSYON SA SP SESSION

MAINIT agad ang pagbubukas ng unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nang tila ipakita ni Vice Governor Dodo Mandanas ang kanyang “iron fist” leadership. Sa halip na payagan ang agarang pagtalakay ng bagong Internal Rules of Procedure (IRP) na inihain ni 6th District Board Member Bibong Mendoza, ipinagpilitan ni Mandanas na ipadaan muna ito sa Committee on Ethics, Accountability and Good Government. Hindi ito pinalampas nina 5th District BM Dr. Jun Berberabe at iba pang bokal na galit na naggiit: “Hindi pwedeng basta-basta i-deny ng presiding officer ang motion. Hindi ito…

Read More

JEEPNEY NAHULOG SA TULAY, 7 SUGATAN

CAVITE – Pitong kalalakihan ang sugatan kabilang ang driver ng isang pampasaherong jeep, nang mahulog ang nasabing sasakyan sa ginagawang tulay makaraang bumangga sa gutter sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Pawang nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Dasmariñas ang mga biktimang sina Che, Ren, Jerome, Emman, Ronald, John at ang driver ng pampasaherong jeep, pawang mga residente ng Dasmariñas City, dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat, bandang alas-11:50 ng gabi nang mangyari ang insidente sa tulay sa Brgy. Fatima 3, Dasmariñas City habang galing…

Read More

P300K NATANGAY SA HARDWARE STORE

CAVITE – Tinatayang P300,000 halaga ng cash at mga alahas ang tinangay ng apat na kalalakihan matapos pasukin ang hardware store and construction supplies na pagmamay-ari ng pamilyang Chinese national sa Naic noong Linggo ng hapon. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na mga suspek na inilarawang pawang naka-helmet. Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon nang puwersahang pasukin ng mga suspek ang GMZ Hardware and Construction Supplies sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Iginapos ng mga suspek ng duct tape ang mga biktimang sina Liwahe Wu, 56, general manager; Manzu…

Read More

BAGYO NAGDULOT NG LANDSLIDE, FLASHFLOOD SA HILAGANG LUZON

MAHIGIT 40 lugar sa Hilagang Luzon ang nalubog sa tubig-baha sanhi ng walang tigil na pag-ulan dala ng Tropical Storm Danas at ng nararanasang Monsoon rain na nakaapekto sa libo-libong tao bukod pa sa naitala ring mga pagguho ng lupa. Nitong nakalipas na linggo ay patuloy ang ginagawang assessment ng Office of Civil Defense na nagsagawa ng coordinated response sa buong Northern Luzon kasunod ng ulat na landslide sa Benguet. Pansamantalang isinara ang Kennon Road, noong Linggo, Hulyo 6 ng gabi, matapos na gumuho ang ilang mga bato malapit sa…

Read More

PCO SECRETARY BIKTIMA NG FAKE NEWS

HINDI sukat akalain ni Presidential Communications Office Secretary Jay Ruiz na siya mismo ang mabibiktima ng fake news. Ito ay kasunod ng pagkalat ng mapanirang larawan ni Sec. Ruiz na kasama umano ang dating tauhan ng negosyanteng si Atong Ang na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabungero. Nilinaw ni PCO Sec. Jay Ruiz na naimbitahan lamang siya sa kaarawan ng isang social media content creator kung saan kuha ang lumabas na larawan niya kasama ang dating tauhan ni Atong Ang na inuugnay sa missing sabungeros. Ayon kay Palace Press Officer…

Read More

BIYENAN TINUTUKAN NG SUMPAK, MANUGANG TIMBOG

RIZAL- Arestado ang isang lalaki matapos pagbantaang papatayin at tutukan ng sumpak ang biyenan nito bandang alas-10:30 ng gabi noong Hulyo 5, 2025. Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Jonathan,” 41, walang trabaho, may live-in partner, at nakatira sa Brgy. San Luis, Antipolo City sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa complainant, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng kanyang anak at manugang nito at nang lumapit ito upang awatin, siya naman ang binalingan ng suspek. Nabatid mula sa pulisya, tinutukan ng suspek ang biktima ng isang improvised na…

Read More

MOTORSIKLO SUMALPOK SA TRUCK; 1 PATAY, 1 SUGATAN

QUEZON – Patay ang isang binata habang isa ang sugatan nang sumalpok ang isang motorsiklo sa isang truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Camohaguin sa bayan ng Gumaca sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Kinilala ang nasawing driver ng motorsiklo sa pangalang “Ian”, 27-taong gulang, residente ng Brgy. Villa Bota, Gumaca, Quezon. Ayon sa imbestigasyon ng Gumaca Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon nang biglang huminto ang nasa unahan ng motorsiklo na isang close van truck, sa kanang bahagi ng kalsada upang kumaliwa papasok sa…

Read More

P200K PATONG SA ULO NG SUSPEK SA PINATAY NA OIL DEPO ADMIN

QUEZON – Nag-alok ng P200,000 na pabuya ang Sariaya Municipal Police station sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon at makapagtuturo sa suspek sa pagpaslang sa assistant terminal administrator ng isang oil depot sa nasabing bayan sa lalawigan. Magugunitang dakong alas-11:00 noong Miyerkoles ng gabi, tinambangan ng hindi nakilalang suspek ang 35-taong gulang na biktimang si Ronel Reyes, assistant terminal administrator sa oil depot ng Azora Holding Inc. sa Barangay Castañas, Sariaya, habang ito ay sakay ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay. Agad itong namatay dahil sa mga tama ng bala…

Read More

P5-M SHABU NASABAT SA LAGUNA BUY-BUST

LAGUNA – Mahigit P5.5 milyo halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang high-value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Pulo 2, Brgy. Wawa, sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Siniloan Police, bandang alas-10:00 ng umaga, nagsagawa ng operasyon ang Municipal Drug Enforcement Team (MDET) na nagresulta sa pagkaaresto sa HVI na kinilala sa pangalang “Jerald”, 32, at residente ng nasabing barangay. Nakumpiska sa suspek ang 10 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may…

Read More