Ngayong panahon ng Kapaskuhan, may mga abala na sa atin sa pagbabalut-balot ng mga panregalo. Ang mga pambalot sa regalo ay isang bagay din na dapat ikonsidera lalo’t may pagpapahalaga tayo rito o sa mga taomg pagbibigyan. Ang isang recycled paper gaya ng newspaper ay maganda ring pambalot kung tutuusin. Para maging maganda ang presentasyon ay lagyan ito ng eleganteng ribbons. Maaari rin namang gumamit ng maninipis at recycled ding tela bilang pambalot ng mga regalo. Piliin lamang ang mga kulay na akma sa Christmas season. Pupwede rin ang mga…
Read MoreCategory: SPECIAL FEATURE
HEIGHT SA UMAGA, MAS MATAAS
Inirerekomenda na kung kailangan mong malaman ang tunay mong taas ay gawin mo ito sa umaga. Iba kasi ang sukat natin sa umaga kumpara sa maghapon o sa gabi. On the average, mula sa pagbangon natin mula sa higaan ay mas mataas tayo ng 2cm o aabot sa 3/4 inch kumpara sa buong araw. Samantalang sa gabi ay kabaliktaran nito, at nag-iiba ito by 2/3cm. HALAGA NG HEIGHT Ang ating height velocity (rate kung saan tayo ay tumataas) ay sadyang mabagal. Para sa mga lalaki, ang pinakamabilis na pagtaas ng…
Read MoreBAKIT NAKARARANAS NG PULIKAT?
Ang pulikat na muscle spasm o muscle cramp sa Ingles ay ang paninikip ng mga kalamnan sa isang espesipikong parte ng ating katawan. Ito ay kadalasang masakit at mas masakit habang tumatagal. Ito ay maaaring humantong sa iba’t iba ring sintomas. Agad naman itong nawawala sa karaniwang kaso pero maaaring magtagal bilang sensyales na dapat na itong ipaeksamin sa doktor. MGA SANHI NG PULIKAT Maraming klase ng pulikat at ito ay nakadepende sa predisposing factor (o bagay na nakaapekto), parte ng katawan na involved at nasasaktan. Nangyayari ang pamumulikat kapag…
Read MoreJAPANESE ENSEMBLE MAGTATANGHAL SA CCP
Sa ikatlong concert ng 37th season ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), itatampok dito ang SORA Ensemble of Japan sa Nobyembre 15 sa ilalim ng baton ng PPO music director at principal conductor na si Yoshikazu Fukumura. Ang okasyon ito ay gaganapin sa Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo) ng Cultural Center of the Philippines sa ganap na alas-8:00 ng gabi. Ang programa ay kinabibilangan ng Dmitri Shostakovich’s Symphony no.9 op.70, Franz Joseph Haydn’s Sinfonia Concertante op. 84 in B-flat Major at dalawang obra nina Arturo Marquez, Danzon no.7 at Danzon no.8. Ang grupo,…
Read MoreNALAYAG MONOLITH: DESTINASYONG MAUULIT
Isa ang Batangas sa mga lalawigang nag-aanyaya para sa mga nais mamundok. Pero ang tinutukoy natin dito ay mga hiker at hindi ang paraang pagrerebelde at pagtatago sa bundok. Ang isa sa maiaalok sa nasabing lalawigan ay ang Nalayag Monolith na matatagpuan sa bayan ng Lobo. Sa lokal, mas kilala ito sa tawag na Mt. Nalayag. Napakaganda ng lugar dahil sa tunay na mabundok ito – berdeng-berde ang kapaligiran na hindi mo iindahin ang takot na mapuntahan ito. Ang gandang hatid ng Nalayag Monolith ay pinatunayan ni Jennylyn Teves, isa…
Read MoreTIME MANAGEMENT TIPS PARA SA WORK-AT-HOME WOMEN
Masuwerte ang mga mister sa kanilang misis lalo na kung ang mga ito ay may mga trabaho – dagdag kita naman talaga ito at tulong para sa pamilya. Pero mas masuwerte rin naman kung ang misis o kahit pa single ladies ay pupuwedeng magtrabaho lamang sa bahay – mas tipid ito. Tipid sa pamasahe, sa pagkain, at minsan ay maging sa pagod. Para sa mga babaeng work-at-home ang sitwasyon, marami rin sa mga ito ang hindi sinasayang ang mga sandali kaya’t kung may mga magagawa pa ay gagawin gaya ng…
Read MoreMGA PAGKAING PAMPATALINO
Kapag pumupurol na ang utak pwedeng-pwede nating asahan ang mga pagkaing magpapatalas muli ng ating isip. Dahil control center ng ating katawan ang utak, in charge rin ito para mamantina ang pagtibok ng puso at mapagana ang ating baga at upang tayo ay makakilos nang maayos, makaramdam nang tama at makaisip nang naaayon. Sa ganitong sitwasyon ay mahalagang mapanatiling maayos ang kondisyon ng ating utak. Ang ating mga kinakain ay may malaking epekto sa ating pag-iisip. Kung healthy ang kinakain ay asahang magiging healthy rin ang result ng functions nito.…
Read MoreDAING: COMFORT FOOD NG MGA PINOY
Daing, tuyo, bilad at pinikas. Tinatawag din itong bulad o buwad sa Cebu. Ang katawagan sa mga daing ay nag-iiba-iba rin kapag naibagsak na ito sa merkado o sa palengke. Iba’t iba mang katawagan, lahat iyan ay paborito ng mga Pinoy. Sinasabing pagkain ito ng mahihirap, pero ang totoo ay pagkain ito ng hindi mapili sa pagkain. Comfort food ito ng mga tunay na Pinoy, ika nga. Kahit payak lamang ang uri ng pagkain na ito ay sapat na sapat na at kung minsan pa ay tila langit ito sa…
Read MorePAANO PAGHAHANDAAN ANG LINDOL?
Sa mga naganap na lindol kamakailan sa Mindanao, maraming buhay ang nawala at maraming tao ang nasaktan. Tatlong lindol ang yumugyog nang husto sa lugar na ito. Ang una ay magnitude 6.3 noong Oktubre 16, sinundan ito ng magnitude 6.6 noong Oktubre 19 at ang pinakahuli ay nitong Oktubre 31 lamang na may lakas na 6.5 na lindol. Sa sunud-sunod na pagtalang iyan ay hindi natin talaga dapat balewalain ang lindol. Katunayan ang epekto nito ay ang mas nakatatakot dahil nagpapatuloy ito at matagal na nararamdaman. Kasama na rito ang…
Read More