SA loob ng 63 taon mula noong 1923 hanggang 1988, siyam na boksingero pa lamang ang naitampok sa prestihiyosong TIME magazine sa cover nito. Noong taong 2009, 21 taon makaraang si dating heavyweight champion Mike Tyson ay nagawaran ng karangalan, ang Pilipinong si Manny Pacquiao ay lumabas sa cover ng TIME Asian edition. Iilan lamang, kabilang ang mga naging pangulo ng Pilipinas na sina Manuel Quezon, Manuel Roxas, Ramon Magsaysay, Ferdinand Marcos at Corazon Aquino, at kilalang environmentalist at aktres na si Chin Chin Gutierrez ang binigyang pagkilala ng naturang…
Read MoreCategory: SPORTS
PBA 46th Season, depende sa IATF kung kailan magsisimula
IPINAAABOT ng Sala Sa Init, Sala Sa Lamig ang pakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Noynoy Aquino, sa kanyang ‘di inaasahang pagpanaw kahapon. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. oOo Ang planong pagbubukas ng ika-46 season ng PBA sa susunod na buwan ay nasa ibabaw na ng lamesa ng Inter-Agency Task Force (IATF). “Na naman!” ang may halong ismid na reaksiyon ng ilang panatiko ng PBA na aming nakausap. Matatandaang ganito rin ang sitwasyon noong magbukas ang ika-45 season ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya na ilang beses naipagpaliban…
Read MoreLEVEL-UP PAY SA OLYMPICS-BOUND ATHLETES
Ni ANN ENCARNACION MAS mataas na allowance ang makukuha mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ng mga pambansang atleta na nag-qualify sa Tokyo Olympics. Ayon sa National Sports Association (NSA) Affairs Office, ang salary upgrade ay base na rin sa inaprubahan ng PSC Executive Board. Kaya simula nitong Hunyo 15, epektibo na ang taas sa monthly pay/allowance ng mga nadagdag na Filipino Olympics-qualifiers na sina boxer Carlo Paalam, taekwondo jin Kurt Bryan Barbosa, rower Cris Nievarez, skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe at weightlifter Elreen Ando. Sa anim, pinakamalaki ang…
Read MoreCOVID-POSITIVE SI KNOTT
KASABAY ng pag-qualify sa Tokyo Games, nagpositibo naman sa COVID-19 si Kristina Knott. Ayon sa Philippine Amateur Track and Field Association, bagama’t asymptomatic, nagpositibo sa virus si Knott matapos isagawa ang routine RP-PCR test, base sa pahayag ng kanyang coach na si Ro Griffin na kasama ng trackster sa Karlstad, Sweden. Nasa isolation na nga-yon ang Fil-Am sprinter. Pareho nang may bakuna sina Knott at Griffin, ayon sa ulat. Siniguro naman ni PATAFA head Philip Ella Juico na mataas pa rin ang tsansa ni Knott na mapasabak sa Tokyo Olympics…
Read MoreKnott, Watanabe humabol 15 NA PH ATHLETES SA OLYMPICS Ni VT ROMANO
UMABOT na sa 15 ang pambato ng Pilipinas sa Olympic Games matapos mag-qualify sina sprinter Kristina Knott at judoka Kiyomi Watanabe nitong Miyerkoles. Kinumpirma ng International Judo Federation ang pagkakasama sa pangalan ni Watanabe sa Tokyo Games via continental quota, nang tumapos siyang 41st sa women’s 63kgs division na may 1506 points. Ang Filipino-Japanese mula sa Cebu ay unang pagkakataong sasabak sa Olympics. Wagi siya ng limang SEA Games gold at silver sa 2018 Asian Games. Siya rin ang ikatlong sunod na judoka na mapapalaban sa Games kasunod nina Kodo…
Read MoreCLIPPERS SUNOG SA SUNS, 0-2
ANGAT na ang Phoenix Suns, 2-0. Paano nangyari? Idinakdak ni Deandre Ayton ang bola mula sa alley-oop pass ni Jae Crowder, 0.7 seconds sa orasan. Swak ang bola at naitakas ng Suns ang 104-103 win kontra Los Angeles Clippers sa Game 2 ng Western Conference finals sa Phoenix, Miyerkoles (Manila time). Lamang ng isa ang Clippers, 0.9 seconds na lang nang ibinato ni Crowder ang bola mula sa baseline at biglang lumipad si Ayton at isinalpak ang bola sa kabila ng mahigpit na depensa ni Ivica Zubac ng Clippers, sa…
Read More1st QC 10-Ball Open ALCANO NAKAWALA SA LOSER’S BRACKET
ISA pang pro player sa katauhan ni 2006 WPA World 9-Ball at 2007 WPA World 8-Ball champion Renato Alcano ang umahon sa loser’s bracket upang makasama sa Group B qualifiers sa ginaganap na 1st Quezon City 10-Ball Open sa Hard Times Sports Bar, nasabing lungsod. Unang nabigo ang 48-anyos mula Calamba, Laguna at dating miyembro ng national team na si Alcano kontra Alvin Barbero, 6-8, bago bumalikwas sa dalawang matira-matibay na laro sa loser’s bracket laban kina Monty Paraiso, 8-0, at Albert Estacio, 8-4, upang dumerecho sa susunod na yugto…
Read More96th NCAA Season SAN BEDA TAEKWONDO JRs SUMIPA NG 3 GOLDS
SUMIKWAT ang San Beda ng tatlong gold sa speed kicking competition ng taekwondo event junior’s division, makalipas ang four-day meet ng 96th NCAA Season nitong Lunes. Si light middleweight Louell Mamaclay ay wagi ng ginto nang makakulekta ng 6.500 points, habang si John Cris Samson ng Emilio Aguinaldo College (EAC) ay silver medalist (6.458 points) at napunta kay Javier Dexter Macasaet ng LSGH ang bronze medal (6.383 points). Hinablot naman ni lightweight Philip Joshua Lee ang gold sa natipong 7.083 points. Tinalo niya ang pambato ng EAC na sina Leigh…
Read MoreDONAIRE KUMPIYANSA LABAN KAY CASIMERO
Ni ANN ENCARNACION MALAKAS na boksingero si WBO world bantamweight champion Johnriel Casimero at batid ito ni WBC world bantamweight champion Nonito Donaire Jr., na naniniwalang tatalunin niya ang kababayan. Nakatakdang magbakbakan ang dalawa sa Agosto 14 para sa all-Filipino unification match na inaasahang gaganapin sa Carson, California. “I know he’s a tough guy but I know I have the capability of knocking [out] anybody,” kumpiyansang sabi ni Donaire sa FightHype. “My power — a lot of people even with (Naoya) Inoue, he came in very aggressive and then he…
Read More