WAGI sa NBA ang Toronto Raptors sa kauna-unahang pagkakataon. Tinalo ng Raptors ang Golden State Warriors sa 114-110 sa Game 6 ng NBA Finals, Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga sa Manila) Nanalo ang Raptors sa 4-2 series na pumigil sa Warriors sa ikatlo sanang straight championship. Sina Kyle Lowry at Pascal Siakam ay pumuntos ng tig-26 para sa Raptors, sina Fred VanVleet at Kawhi Leonard naman ay may tig 22. Si Klay Thompson ay umiskor ng 30 sa Golden State ngunit nagkaroon naman ng knee injury. Si Andre Iguodala…
Read MoreCategory: SPORTS
BABAWIIN NG BLACKWATER
(NI JJ TORRES) MGA LARO NGAYON: (MALL OF ASIA ARENA) 4:30 P.M. — SAN MIGUEL VS BLACKWATER 7:00 P.M. — NLEX VS MAGNOLIA GUSTONG mabawi ng Blackwater Elite ang solo lead sa PBA Commissioner’s Cup, pero inaasahang hindi magiging madali iyon, dahil sasagupain nila ang Philippine Cup champion San Miguel Beer sa alas-4:30 ng hapon ngayon sa Mall of Asia Arena. Nakatuon ang Elite sa ikaanim na panalo (sa pitong laro) laban sa Beermen, na naghahangad naman ng unang panalo matapos ang magkasunod na kabiguan. Magde-debut naman sa alas-7:00 ng…
Read More10th LE TOUR DE FILIPINAS: PADYAKAN NA!
(NI JEAN MALANUM) TAGAYTAY CITY – Aarangkada simula ngayon dito ang 10th Le Tour de Filipinas na lalahukan ng 75 siklista mula sa Pilipinas, China, Japan, Thailand at Kazakhstan. Ang Stage 1 ng five-lap na karera ay magsisimula at magtatapos sa “Praying Hands Monument”. Ang ruta na may sukat na 129.5 kilometro ay dadaan sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Balayan, Calaca, Lemery, Agoncillo at Talisay. Galing dito ay pupunta sa Quezon province ang mga riders bukas para Stage 2, ang tinaguriang “killer lap” na may sukat na 194.9 kilometro…
Read MoreGAME 7 PUPUWERSAHIN
GAGAMITING inspirasyon ng Golden State Warriors ang injury ni Kevin Durant para ipanalo ang Game 6 at maipuwersa ang Game 7 winner-take-all ng NBA Finals laban sa Toronto Raptors ngayon (Huwebes, Manila time). Ang defending champion Golden State, nakatuon sa ikatlong sunod at ikaapat sa limang season, ay lalaro sa huling pagkakataon sa Oracle Arena para itabla sa 3-3 ang serye. Sa susunod na season, ang Warriors ay lilipat na sa bago nitong homecourt, ang Chase Center sa San Francisco. “We’re going to have to will ourselves for another 48…
Read MoreGAWILAN TARGET ANG TOKYO PARA GAMES
(NI JEAN MALANUM) UMAASA si swimmer Ernie Gawilan na makalalahok siya sa 2020 Tokyo Paralympics. Abalang-abala ngayon si Gawilan sa training bilang paghahanda sa World Para Swimming Championship na gagawin sa London, United Kingdom sa September. Ang World Championship ay isa sa mga tournaments na magsisilbing qualifying para sa mga Tokyo Games. “Determinado po ako na makasali ulit sa Olympics, kaya pinagbubutihan ko po ang training ko,” sabi ni Gawilan na tubong Davao. Nanalo ng silver medal sa 400m freestyle si Gawilan.sa Para Swimming Championship World Series sa Singapore noong…
Read MorePARTY NG RAPTORS NAUDLOT; WARRIORS HUMIRIT
NAUDLOT ang selebrasyon ng Toronto Raptors nang sumablay ang 3-pointer ni Kyle Lowry sa pagtunog ng buzzer at nagawang maitakas ng Golden State Warriors ang one-point win, 106-105 sa Game 5 ng NBA Finals, Martes (Manila time) na ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto. Ang Raptors ay angat pa rin sa serye, 3-2 at babalik sa Oracle Arena sa Oakland, California ang Finals para sa Game 6. Iniwan ni Kevin Durant ang laro matapos umiskor ng 11 puntos nang muling manakit ang dati nang (calf) injury nito. Kaya’t muling naiwan…
Read MoreMOTOLITE NAKATIKIM NG PANALO
NAKATIKIM na rin ng panalo ang Motolite nang talunin ang Bali Pure Purest Water Defenders sa straight sets, 25-16, 25-21, 25-18 sa PVL Reinforced Conference Season 3 kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Matapos tambakan ang Bali Pure sa opening set, muntik nang mabitiwan ng Motolite ang sumunod na set, kung saan naghabol pa ito ng anim na puntos, 13-19. Sa pamamagitan ni Channon Thompson, pinangunahan niya ang atake ng Motolite na tinampukan ng 12-2 rally, para sa come-from-behind win. Inaasahang gagamitin ng Motolite ang momentum…
Read MoreRAPTORS DUMIKIT SA KORONA
DUMIKIT ang Toronto Raptors sa mithiing hubaran ng kampeonato ang Golden State Warriors matapos ang malaking panalo sa Game 4 ng NBA Finals, Sabado (Manila time) sa Oakland, California. Muling binitbit ni Kawhi Leonard ang Raptors tungo sa 3-1 edge sa serye, isang hakbang na lang at makakamit na ng Toronto ang una nitong championship. Ang 27-anyos na si Leonard, na mas malamig pa sa yelo ang hilatsa ng mukha sa kabila ng panalo, ay umiskor ng 36 points at humablot ng 12 rebounds para sa Raptors. Binuksan ng Leonard…
Read MoreMERALCO UMISKOR NG IKATLONG PANALO
(NI JJ TORRES) LARO NGAYON: YNARES CENTER, ANTIPOLO 4:30 P.M. – NLEX VS BLACKWATER ELITE 6:45 P.M. – TNT VS SAN MIGUEL BEER NAGSUMITE si Gani Lawal ng 28 points, may 26 rebounds para bitbitin ang Meralco sa pag-iskor ng ikatlong panalo, nang talunin ang kulang sa taong Phoenix Pulse, 101-95, kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Bukod sa double-double effort, si Lawal ay nagbigay rin ng 3 blocks at 2 assists. Ang Fuel Masters, na hindi lang si suspended forward Calvin Abueva ang na-miss sa laro,…
Read More