KINAMADA ni Carl Tamayo, may double-double 21 points at 10 rebounds, at ng University of the Philippines Fighting Maroons ang kanilang seven straight win sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament matapos igapos ang National University Bulldogs sa 84-76, Martes sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nag-init ang Fighting Maroons sa second round at itinuloy ang pagkapit sa ikalawang pwesto sa 7-1 win-loss card record, sa likod ng wala pang talong Ateneo Blue Eagles. Maliban kay Tamayo, nagdagdag ng tatlong steals at dalawang assists si Zavier Lucero sa kinamadang…
Read MoreCategory: SPORTS
AKO BISAYA PARTY-LIST, NO.1 SA PUSO NG TRICYCLE DRIVERS AT BACKYARD BREEDERS
MULA nang umarangkada ang party-list elections sa bansa, dumami na ang mga grupong lumalahok dito para katawanin ang kani-kanilang mga sektor. Nire-represent ng mga party-list groups ang mga sektor, organisasyon, partido, at koalisyon na nagsusulong ng iba’t ibang adbokasya sa Kamara de Representantes. Dahil sa Section 5, Article VI ng 1987 Constitution, ang party-list system ay nabuo. Bakit nga ba kailangang magkaroon ng party-list? Siyempre, ang paliwanag ay para sa proporsiyonal o pantay na representasyon sa Kamara. Sa pamamagitan ng batas na ito, binibigyan ng pagkakataon ang mga marginalized at…
Read MoreEAST NO.7 HINABLOT NG NETS
NAGSANIB-PWERSA sina Kyrie Irving at Kevin Durant sa 55 points sa 134-126 panalo ng Brooklyn Nets kontra Indiana Pacers, Linggo ng gabi sa New York (Lunes sa Manila), upang selyuhan ang seventh place sa Eastern Conference pati na ang paghablot sa home advantage sa play-in tournament. Sa umpisa pa lang ng regular season finale, inakalang blowout win ang maitatala ng Nets matapos umabante ng 18 points sa first half. Ngunit, nagtiyaga ang Pacers at nagawang maitabla ang iskor, 89-89, limang minuto pa sa third quarter, bago muling umarangkada ang Brooklyn.…
Read MoreBBM, mapagmahal na anak
MARAMING nagtatanong sa inyong lingkod kung bakit hindi kami tumatalakay ng tungkol sa darating na pambansang halalan sa Mayo 2022, lalo at kilala kami na naniniwalang ang sports ay isang epektibong behikulo sa pagkakaroon ng isang bansang may malakas, malusog at responsableng pamayanan. Maraming lider ng sports, atleta, coach, trainer at may mga kaugnayan sa palakasan ang nagtatanong kung sino-sino sa mga kandidato para sa panguluhan ng bansa ang makatutulong upang mapaunlad ang Philippine sports. Lalo pa at maganda ang naging kampanya ng ating mga atleta noong nakaraang taon, nang…
Read More2022 Pan IBJJF Jiu-Jitsu Championships 3 PINAY JIU-JITSU TAGUMPAY
TAGUMPAY ang kampanya ng Pilipinas sa 2022 Pan IBJJF Jiu-Jitsu Championships makaraang magbulsa ng medalya noong Biyernes sa Silver Spurs Arena sa Kissimmee, Florida. Nag-bronze medal finish si Dani Palanca ng Atos Jiu-Jitsu sa Women’s Adult Blue Belt Rooster division makaraang talunin ang fourth seed na si Monica Pedro. Gayunpaman, yumukod si Palanca sa top-seed na si Beyth-Shan Yodhhewawhe sa sumunod na round. Isa pang Atos Jiu-Jitsu member na si Meggie Ochoa ay nag-silver sa Women’s Adult Brown Belt Rooster division. Una siyang nanaig kay sixth seed Nora Levy-Forsythe, ngunit…
Read MoreEUMIR MARCIAL WAGI SA 2nd PRO FIGHT
TATLONG beses mang bumagsak, sa huli ay nakuha pa rin ni Tokyo Olympics middleweight bronze medalist Eumir Felix Marcial ang kanyang second pro fight win. Literal na bumangon si Marcial upang talunin ang katunggaling si Peruvian Isaiah Hart via technical knockout sa 4th round sa Virgin Hotel sa Las Vegas, Nevada Linggo (Manila time). Sa unang two rounds ay tatlong beses na-knockout ni Hart ang Zamboangueño, na swerteng nakarekober at gumanti ng mga suntok sa ulo at katawan ng Peruvian. Tuluyang itinigil ng reperi ang orihinal na six-round fight nang…
Read MoreALEX EALA, KAMPEON SA W25 THAILAND
NASUNGKIT ni Pilipina tennis ace Alex Eala ang kampeonato sa W25 Chiang Rai tournament sa Thailand. Winalis ni Eala si home bet Luksika Lumkhum, 6-4, 6-2, sa final round Linggo sa Chiang Rai Sports Center. Ito ang ikalawang ITF Tour professional title at una ngayong taon, ng 16-year-old netter na nagreyna sa women’s singles ng W25 Thailand matapos ang isang oras at 22 minutong paluan. Walang tulak-kabigin sa dalawang manlalaro sa opening set kung saan nagtabla ang iskor sa 4-all, hanggang rumagasa sa dalawang huling sets si Eala. Sa ikalawang…
Read MorePINOY OFWs SA ITALY PINAGBUKLOD NG BOWLING
MATAGUMPAY na naisagawa ng mga Overseas Filipino Workers ang bowling competition sa Milan, Italy sa pangunguna ng FBAOM Playup Milano na Fraternal order of Eagles Club at Proudly Pinoy Milan. Ginanap nitong Abril 3, layon ng organizers na makadiskubre ng future national bowlers at palawigin ang sport sa mga kabataang isinilang at lumaki sa Italy. Kabuuang 72 bowling enthusiasts – 32 babae at 40 lalaki – ang nagpartisipa sa competition kung saan tinanghal na Bowling King si Dennis Labasan Aceres at Bowling Queen si Flor Alfarez. Kabilang sa mga runners-up…
Read MoreEastern Conference playoffs TOP SPOT SINELYUHAN NG HEAT
NAKUHA ng Miami Heat ang top seeding sa Eastern Conference playoffs, Biyernes (Manila time) matapos parehong matalo ang Boston Celtics kontra Milwaukee Bucks at Philadelphia 76ers kontra Toronto Raptors. Kinapos ang Celtics kontra Bucks, 121-127, habang naungusan ang 76ers ng Raptors, 114-119, sa Toronto. Dahil may dalawang natitirang games na lang sa regular season, nasementuhan ang No.1 spot ng Miami sa Eastern Conference sa record na 52-28 win-loss. Pumapangalawa sa East ang Milwaukee na may 50-30 kartada. Huling makakalaban ng Bucks ay Detroit Pistons ngayong Sabado (Manila time) at sa…
Read More