SASABAK sa unang pagkakataon sa Southeast Asian Games ang Filipino-American diver na si Ariana Drake. Gaya nang ibang atletang Pinoy na magpapartisipa sa 31st edition ng biennial meet sa Vietnam sa Mayo, gold medal ang target ng 18-anyos na diver mula sa Notre Dame Academy Girls High School sa Los Angeles, California. Ngayon pa lang ay excited na si Drake na i-represent ang Pilipinas sa SEA Games, lalo pa na mauuna ang event niya na gaganapin sa Mayo 8 o bago ang SEAG opening ceremony sa Hanoi sa Mayo 12.…
Read MoreCategory: SPORTS
CALOY YULO, 27 PANG PINOY GYMNASTS SASABAK SA SEAG
PANGUNGUNAHAN ni World gold medallist Carlos Edriel Yulo ang mga Pilipinong gymnast sa darating na Southeast Asian Games sa Vietnam. Asam ng 28-member national gymnastics team na higitan ang tatlong ginto, limang pilak at apat na tansong medalya na nakamit nila sa 2019 edition sa Manila. Ayon sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP), maaaring may lima pang dumagdag sa mga sasabak sa SEAG sa Mayo. Makakasama ni Yulo sa men’s squad sina Jan Gwynn Timbang, Justine Ace De Leon, Juancho Miguel Besana, John Ivan Cruz at John Matthew Vergara.…
Read MoreWIN STREAK NG ADMU WAWAKASAN NG UST
NI ANN ENCARNACION PIPILITIN ng University of Santo Tomas Growling Tigers na tuldukan ang pagragasa ng reigning champion Ateneo de Manila University Blue Eagles sa pagtatapos ng first round elimination ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament, Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Maghaharap sa quadruple-header ang 2-4 win-loss Growling Tigers at perpektong 6-0 Blue Eagles sa alas-4 ng hapon. Huling naglaban ang dalawang koponan noong Season 82 Finals kung kailan nasungkit ng Blue Eagles ang kanilang historic three-peat. Inalat noong Huwebes ang Growling Tigers kontra sa National…
Read MoreBULLS SADSAD SA CELTICS
NAGLISTA ng ika-50 panalo ang Boston Celtics, gabi ng Miyerkoles sa Chicago (Huwebes sa Manila), nang kaldagin ang Bulls, 117-94. Naglista si Jaylen Brown ng 25 points, may 17 si Al Horford mula sa 7-of-7 shooting tungo sa ikatlong sunod na W ng Celtics at 27-6 mula noong Enero 22. Tuluyang maibubulsa ng Celtics ang second spot sa Eastern Conference playoffs sa Huwebes (Biyernes sa Manila) kung magwawagi kontra Milwaukee Bucks. ”It’s a pretty simple formula,” pahayag ni Cel-tics coach Ime Udoka. ”Play defense at an elite level. Share the…
Read MorePITMASTER FOUNDATION, WALANG TIGIL SA PAMAMAHAGI NG DONASYON
NAPAKALAWAK ng kasaysayan ng sabong. Kahit pa noong antigong panahon, may ganyang libangan na. Pagdating sa cockfighting, pagalingan talaga ng alaga. Sa ibang bansa, tulad ng Thailand ay isang tourist attraction ang cockboxing. Inihahalintulad ito sa kickboxing o Muay Thai ng mga mamamayan nila. Kung sila ang tatanungin, mas katanggap-tanggap ito. Hindi raw kasi namamatay ang mga manok. Walang tari ang mga manok na sumasabak dito. Anuman ang sandata, kung sino ang magwawagi ay ibinabase sa resulta ng laban. Ganyan sa sabong. Ang nananalo ay idedeklarang panalo. Tunay na nakapagdudulot…
Read MoreGinebra fans umuwing luhaan
PINIGA ng Meralco Bolts ang talento at pasensiya ng katunggaling Barangay Ginebra Kings sa Game 1 ng Governors’ Cup best-of-seven final series noong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum. Wagi ang tropa ni Meralco coach Norman Black laban sa koponan ni Ginebra coach Tim Cone, 104-91, sa una nilang pagtatagpo sa season-ending conference ng 2021 PBA season. Dahil sa pagkatalo ng Gin Kings, luhaang umuwi ang mayorya ng 12,457 fans na nanood sa Big Dome upang mag-cheer para sa crowd-favorite at 2019 defending champ Barangay Ginebra. Samantala, nabuhayan naman ng loob…
Read More2021 PBA Governors’ Cup finals MAS MAINIT GAME 2
LINGID sa kaalaman ng mga nanood na fans noong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum, hindi natapos sa loob ng basketball court ang Game 1 ng PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Ginebra at Meralco. Nabatid na nauwi sa OT (overtime) sa hallway ng Big Dome ang away nina Arvin Tolentino ng Gin Kings at Reymar Jose ng Bolts, na muntikan nang magsuntukan. Kaya inaasahang mas magiging maaksyon ang Game 2 ng Governors’ Cup finals na nakatakda ngayong alas-6 ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nagsimula ang…
Read MorePAMAMAHAGI NG TULONG NG PITMASTER FOUNDATION, TULOY-TULOY
UNTI-UNTI nang nakakabangon ang bansa mula sa pandemya. Ngunit nariyan pa rin ang COVID-19 kaya ingat na ingat ang pamahalaan sa pagpapatupad ng iba’t ibang protocols. Ang ilang organisasyon naman tulad ng Pitmaster Foundation ay tuloy-tuloy sa pamamahagi ng tulong. Tunay na marami nang natutulungan ang grupo. Kaya maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay aminadong malaki ang nagiging ambag ng Pitmaster sa COVID response ng gobyerno. Kaya pinanindigan ng Presidente ang pasyang huwag suspendihin ang operasyon ng e-sabong o online cockfighting operations. Pinapayagan o legal nga naman ito. Milyun-milyon din…
Read MoreUAAP Season 84 men’s basketball GREEN ARCHERS RUMESBAK
INSPIRADO sa pagbabalik ng fans sa Mall of Asia Arena, umiskor ang De La Salle University kontra University of Santo Tomas, 75-66, kahapon sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament. Mula sa pagkatalo sa Ateneo de Manila University noong Sabado, agad nakabalikwas ang Green Archers para sa 4-1 win-loss record at second spot sa team standings. Natapos naman sa two-game winning run ang Growling Tigers na ngayon ay may 2-3 slate. Rumemate ang La Salle sa first quarter pa lang nang mag-init si Emman Galman at pumukol ng back-to-back treys bago ang…
Read More