ASAM ng University of Santo Tomas Growling Tigers na ipagpatuloy ang pagragasa sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa nakatakdang duwelo nila ngayon (Martes) ng De La Salle University Green Archers sa Mall of Asia Arena. Unang aaksyon sa quadruple-header games, sa pagbabalik ng fans sa venue, ang Growling Tigers at Green Archers sa alas-10 ng umaga. Kasalukuyang may 2-2 win-loss record ang UST, habang isa pa lang ang talo ng La Salle, 3-1. Nitong Sabado ay nakuha ng Tigers ang back-to-back wins nang lapain ang Adamson University Soaring…
Read MoreCategory: SPORTS
50th WIN NABAGAHE NG WARRIORS
PINALAKAS pa ng Golden State Warriors ang kapit sa ikatlong puwesto sa Western Conference, kasabay ng paghablot sa ika-50 panalo, matapos talunin ang Kings, 109-90 sa Sacramento, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila). Sina Andrew Wiggins at Jordan Poole, may tig-25 at 22 puntos, ang umakay sa Warriors sa nasabing winning record. Habang nagtala si Nemanja Bjelica ng season highs 19 points at 12 rebounds at six assists sa ikalawang sunod na panalo ng Golden State. “We’re playing for seeding at this point and we really want to get as…
Read MorePAGBABALIK NI MELINDO
ALAWANG taong namahinga si dating world champion Milan Melindo mula sa boxing. Nagtala ang 34-anyos na si Melindo ng 7th round TKO win laban kay Cris Omayao sa kanyang comeback fight nitong Sabado ng gabi sa Southern City College Arena sa Zamboanga. Dala ng pandemya, kasabay ang pagsasara ng ALA Boxing Promotions at ng ABS-CBN broadcasting network, sinamantala ni Melindo ang makapag-relax mula sa napakahabang panahon niya sa boksing. Sa panayam nga ng ABS-CBN News online, nabanggit ni Melindo, dating IBF light flyweight champion, marahil gumawa ng paraan ang Panginoon…
Read MoreBarangay Ginebra pipigilan ni Coach Norman, Meralco
DALAWANG koponan, Barangay Ginebra ng San Miguel Corp. ni businessman-sportsman Ramon S. Ang at Meralco ng MVP Group ni Manny V. Pangilinan, ang magsasagupa para sa kampeonato ng 46th PBA Governors’ Cup. Binigo ng Gin Kings ang NLEX Road Warriors, 3-1 sa kanilang best-of-five series para makuha ang unang upuan sa Finals. Tinalo naman ng Bolts ang Magnolia Hotshots, 4-1 sa kanilang bukod na serye para gold medal play. Ang paghaharap ng Ginebra at Meralco ay laban na naman ng RSA Group vs. MVP Group, na naging kalakaran na ng…
Read MoreOBIENA KASAMA NA SA MITING NG PATAFA
KASAMA na muli si Olympian pole vaulter Ernest John “EJ’ Obiena sa pagpupulong ng mga atleta at coaches ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Nabatid na ang World No. 5 at Asian pole vault record holder ay nakatakdang sumama kay PATAFA chief Phillip Ella Juico, mga kapwa atleta at coaches sa isang conference call ngayong Lunes. Sa nasabing conference ay ihahayag ang mga plano at programa ng pederasyon sa mga sasalihang internasyonal na torneo. Unang pagkakataon na muling makakasama si Obiena sa pagpupulong ng PATAFA matapos silang muling…
Read MorePITMASTER FOUNDATION, NAG-DONATE NG AMBULANSIYA AT WHEELCHAIRS SA ORMOC
NAKATANGGAP ng isang brand new ambulance at 46 wheelchairs ang Ormoc City mula sa Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief (PITMASTER) Foundation. Mismong si foundation Executive Director Caroline Cruz ang nag-turnover ng donasyon sa LGU-Ormoc sa pangunguna nina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng Leyte 4th District. Kung hindi rin daw dahil sa mga local officials tulad nina Gomez at Lucy, aba’y hindi rin ito maisasakatuparan. “Madasigon ug malipayon kaayo ta ron buntaga kay daghan kaayo ta og grasyang nadawat especially that the blessings…
Read More‘E-SABONG, KAILANGAN NG GOBYERNO’
KAHIT anong polisiya ng gobyerno, may kumokontra. Kung minsan, ‘yung iba, may nasasagasaan talaga. Kaya hayun, kinokontra ng ilang sektor. Pero alam naman natin na dahil sa kasalukuyang krisis, kailangan ng pamahalaan ang electronic sabong o e-sabong. Bunga nito, binigyang-katwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon na hindi itigil ang operasyon ng mga e-sabong sa bansa. Kumbaga, hindi maaaring masunod ang Senado. Hindi naman nila alam ito. Ang Palasyo ang naghahanap ng solusyon para maibsan ang epekto sa ekonomiya ng pandemya. Kung maaalala, inirekomenda ng mga senador na suspendihin…
Read MoreIsang pagpupugay sa PSA
NAIS papurihan ng SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ang Philippine Sportswriters Association sa minsan pang pagkilala sa mga atletang Pilipinong nagbigay karangalan sa bansa sa halos lahat ng sporting arena sa mundo noong 2021. Ang PSA ang kaisa-isang grupo, simula nang itatag ang organisasyon noong 1949, ang hindi nakalilimot parangalan ang mga atletang Pinoy na nagpapakita ng husay sa local at world sports. Maliban noong magdeklara ng Martial Law sa Pilipinas, walang sawa ang PSA sa pagsuporta sa ating mga atleta, lalo nang muling buhayin ang PSA noong…
Read MoreDONAIRE-INOUE REMATCH TULOY!
TULOY na ang Naoya Inoue vs Nonito Donaire 2. Inihayag kahapon ang 12-round rematch sa Hunyo 7 sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan, kung saan taya ang mga korona ng dalawang kampeon, WBA/IBF ni Inoue at WBC ni Donaire, ayon sa boxingscene.com. Nobyembre 2019 nag-harap sina Inoue (22-0, 19 KOs) at Donaire (42-6, 28KOs) sa World Boxing Super Series (WBSS) bantamweight tournament final, kung saan sa kabila ng fracture sa orbital bone sa paligid ng kanang mata, tinalo ni Inoue si Donaire via unanimous decision, 114-113, 117-109 at 116-111…
Read More