SASAMANTALAHIN ang nakuhang momentum sa panalo ng UP Maroons, habang pipiliting makabawi sa talo ng NU Bulldogs, sa paghaharap ng dalawang team ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nakatakda ang laban ng Maroons at Bulldogs, na parehong may 1-1 win-loss record, sa alas-4 ng hapon. Sumampa sa win-column nitong Martes ang Fighting Maroons matapos idemolis ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 98-82. Pinamunuan ni Ricci Rivero ang UP sa kanyang 19 points, tatlong rebounds, at tig-dalawang assist…
Read MoreCategory: SPORTS
SIXERS BUTATA SA BUCKS
BIGO ang Philadelphia 76ers makakuha ng tiebreaker sa standings para sana umakyat ng bahagya sa East, nang maitakbo ng Milwaukee Bucks ang 118-116 win sa mismong teritoryo ng Sixers, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Kumuha ang Bucks ng 37 points sa fourth quarter, shooting 72.2% at 4-for-7 mula sa labas ng 3-point range, habang ang Sixers nag-collapse sa depensa. “We had a couple mistakes defensively and they made us pay for it,” pahayag ni James Harden sa pagkatalo ng Sixers. “It seemed like they hit 3 after 3 after…
Read MoreEXHIBITION MATCH NG EX-CHAMPIONS
ROLL VTR Ni VT ROMANO NAGSAGAWA ng exhibition match sina former world champions Erik “Terrible” Morales at Orlando “Siri” Salido sa Rodeo Arena sa Mesquite, Texas. Matagal nang retirado ang dalawa, matapos ang makulay na boxing career. Si Morales, ngayo’y 45 anyos, ang unang Mexican boxer na nagwagi ng korona sa four division: super bantamweight, featherweight, super featherweight at super lightweight. Makakalimutan ba natin ang trilogy niya kay eighth division champion Manny Pacquiao, na nagresulta sa isang panalo at dalawang talo? Two-division world champion naman si Salido, 41, featherweight at…
Read MoreUAAP Season 84 ARCHERS, BULLDOGS GUSTONG DUMALAWA
ISA ang tiyak mamantsahan sa pagsasagupa ng De La Salle University Green Archers at National University Bulldogs sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament, ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Parehong panalo sa kanya-kanyang unang laban ang Archers at Bulldogs ngunit isa lang ang mananatiling imakulada matapos ang inaabangang paghaharap nila sa alas-4 ng hapon. Sa opening day noong Sabado, nanaig ang La Salle laban sa University of the East Red Warriors sa iskor na 71-66. Bumida si Deschon Winston sa kanyang 22 points, walong rebounds at…
Read MorePINAY FENCER KINAPOS SA CZECH MEET
BIGONG mag-podium finish si Pinay fencer Maxine Esteban sa Sokol Cup U23 na ginanap sa Czech Republic. Nagtapos sa seventh place overall ang 21-year-old fencer sa seniors women’s foil event nitong Linggo. Si Esteban, 2019 Southeast Asian Games bronze medalist, ay kinapos umusad sa susunod na round makaraang tumiklop kay Italian fencer Marta Cammilletti, 2-13, sa Table of 8. Namayagpag sa women’s foil event si Lilli Brugger ng Austria, pumangalawa si Anna Poltz ng Hungary, at pangatlo sina Anca Saveanu ng Romania at Cammilletti. Ang Czech tourney ay bahagi ng…
Read MorePH BEACH VOLLEY TEAM PANALO SA AUSTRALIA
Ni DENNIS IÑIGO DALAWANG gintong medalya ang nabingwit ng Philippine beach volleyball team sa three-day tournament na nagtapos nitong weekend sa Australia. Nakuha ang unang ginto ng women’s duo nina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez matapos magwagi sa Women’s Challenger Division I final laban sa host bets na sina Alice Zeimann at Anna Donlan, 18-21, 21-19, 15-13. Panalo rin ng ginto ang men’s tandem nina Ranran Abdilla at Jaron Requinton kontra kina Australian Issa Batrane at Frederick Bialokoz, 22-20, 21-17, sa Men’s Challenger Division I final. Ang mas impresibo pa,…
Read MorePATAFA tinabla ng IOC
ANO kaya ang isasagot ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) matapos paboran ng International Olympic Committee (IOC) ang rekomendasyon ng Philippine Olympic Committee (POC) na mapagkalooban si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena ng Olympic Solidarity Scholarship (OSS) sa 2024 Paris Olympics. Nakuha ng 26-anyos na si Obiena ang OSS para sa athletics, sa halip na si Fil-Am sprinter na si Kristina Knott na rekomendado ng PATAFA. Walo pang atletang Pilipino ang nagawaran ng OSS. Sila ay sina golfer Rianne Malixi, weightlifter Elreen Ando, fencer Samantha Catantan, boxers…
Read MoreVP ROBREDO, IBABASURA NG MGA SABUNGERO
MAGANDA ang itinatakbo ng online sabong operations sa bansa. Nakatutulong ito sa gobyerno. Kahit si Pangulong Rodrigo Duterte, alam na may ambag ang buwis ng e-sabong sa ekonomiya. Pero iba ang tingin dito ni Vice President Leni Robredo na tumatakbo sa pagka-pangulo. Aba’y para sa kanya, dapat daw itong isuspinde sa lalong madaling panahon. Dahil daw ito sa malaking “social cost” na idinudulot nito sa bansa. Sa “Kandidatalks” presidentiables series, binanggit ni Robredo na nakapipinsala sa pamilya at ilang Pinoy ang e-sabong operations. “Paniniwala ko talaga kailangang i-suspend na ito,”…
Read MoreUAAP Season 84 men’s basketball QUADRUPLE TREAT
UMAATIKABONG aksyon ang matutunghayan sa quadruple-header na pagbabalik ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament, ngayon sa SM Mall of Asia Arena. Agad sasalang ang defending champion Ateneo de Manila University Blue Eagles ni SJ Belangel at University of the Philippine Fighting Maroons ni Ricci Rivero sa alas-4 ng hapon. Matatandaang noong Season 82 noong 2019 ay nakamit ng Blue Eagles ang kanilang three-peat championship, habang kinapos na makasampa sa finals ang Fighting Maroons na nagkasya sa ikatlong pwesto. Ngunit bago ito, unang didribol ang FEU Tamaraws ni L-Jay Gonzales…
Read More