NCAA Season 97 men’s basketball DOBLENG PASABOG

DALAWANG pares na teams ang buena mano sa pagbabalik ng NCAA Season 97 men’s basketball tournament tampok ang hosts De La Salle-College of Saint Benilde Blazers ni Prince Carlos at reigning champion Colegio de San Juan de Letran Knights ni Fran Yu, ngayon sa SM Mall of Asia Arena. Didribol ang ­Blazers kontra sa Season 95 champion Knights sa ­unang laro sa alas-3:30 ng hapon. Magugunitang nasungkit ng Letran ang titulo habang kinapos na tungo sa Final Four ang Blazers. Sa ikalawang game ay maghaharap ang San Beda University Red…

Read More

GINEBRA NAMUMURO SA FINALS

HINDI nakalaro para sa Barangay Ginebra si Japeth Aguilar dahil sa injury, ngunit bigo ang NLEX Road Warriors na samantalahin ito nang yumuko sa ikalawang pagkakataon sa Gin Kings, 104-94, Biyernes sa Mall of Asia Arena. Dahil sa panalo, isa na lang ang kailangan ng Ginebra upang tuluyang umusad sa PBA Governors’ Cup Finals. Gaya nang inaasahan, bumandera para sa Gin Kings sina resident import Justin Brownlee at guard Scottie ­Thompson na sinandigan ng team upang mabura ang ­double-digit deficit tungo sa ikalawang pagwawagi sa best of five semifinals, at…

Read More

Maganda at masamang balita sa SEA Games

TINIYAK ng Philippine Olympic Committee (POC) na maidaraos ang 31st Southeast Asian Games sa nakaiskedyul na Mayo 12 hanggang 23 sa Hanoi, Vietnam. Ito ang magandang balita. Ang masamang balita – hindi pa tiyak kung makalalahok si Pilipino pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena para maipagtanggol ang gintong medalyang napa­nalunan niya noong 2019 edition sa ating bansa. Dumalo si POC prexy Abraham “Bambol” Tolentino sa pagpupulong ng mga chef de mission ng 10 iba pang miyembro ng SEA Games Federation at ayon sa kanya, patuloy ang paghahanda ng host city…

Read More

WOLVES SUKO SA SUNS

KAHIT wala pa rin sa lineup si Chris Paul, patuloy ang pamamayagpag ng NBA-leading Phoenix Suns. Sa pangunguna ni Deandre Ayton, nagtala ng career-high 35 points at may 14 rebounds, kasunod si Devin Booker, iniskor ang 22 ng kanyang 28 points sa second half, pinalubog ng Suns ang trash-talking Minnesota Timberwolves, 125-116, Miyerkoles ng gabi sa Minneapolis (Huwebes sa Manila). Ibinuhos naman ni Landry Shamet ang 10 ng kanyang 19 puntos sa fourth quarter upang makatulong sa pag­hahabol ng Suns mula sa 15-point deficit. Hangad ng Phoenix ang isang panalo,…

Read More

KNICKS MULING HINIYA NG HAWKS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO SA kanyang unang laro sa ­Madison Square Garden mula sa last season’s playoffs, umiskor si Trae Young ng 45 points at may eight assists at inihatag sa Atlanta Hawks ang 117-111 victory kontra New York Knicks, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Sinet-up din niya si Bogdan Bogdanovic sa go-ahead three, kasunod ang pasa kay De’Andre Hunter para sa jumper para isara ang 10-0 spurt at gawing 113-105 ang iskor, 1:04 na lang. Nagdagdag si Bogdanovic ng season-high 32 points para sa Hawks, nilaglag ang…

Read More

OLYMPICS GOLD AT WORLD TITLE, TARGET NI EUMIR MARCIAL

BUONG pagmamalaking dadalhin ng boksingerong si Eumir Marcial ang bandila ng bansa sa pangalawang laban niya sa Amerika bilang pro sa ika-9 ng Abril, Araw ng Kagitingan. Isang taga-Atlantic City sa katauhan ni Isaiah Hart ang makakalaban ng Tokyo Olympic Games bronze medalist na si Marcial, ayon kay Sean Gibbons, pangulo ng MP Promotions ni eight-division world champion Manny Pacquiao. Gamit ang kanyang bilis at lakas ng suntok, matagumpay na sinimulan ng 26-anyos na tubong Zamboanga ang kanyang pro boxing campaign nang talunin ang isa ring ­Amerikano na si Andrew…

Read More

2ND PRO FIGHT NI MARCIAL SA ARAW NG KAGITINGAN

Ni ANN ENCARNACION TULOY ang second ­professional fight ni Tokyo Olympian Eumir ­Marcial sa Amerika sa Abril 9, Araw ng Kagiti­ngan. Kinilala ang makakalaban niya na si Isaiah Hart, na mula Atlantic City at kasalukuyang may 6 wins at 2 loss record. Sa ngayon ay nasa Las Vegas at puspusan na ang ensayo ng Pinoy middle­weight na silver medalist sa 2019 World Championships at bronze sa 2020 Tokyo Olympics. “We want Eumir to continue on his gains in the Olympics and resume his professional career with ­another good fight. His…

Read More

17 LGUs SA METRO MANILA, NABIYAYAAN NG MGA AMBULANSYA MULA SA PITMASTER FOUNDATION

LABIMPITONG local government units (LGUs) naman ang nabiyayaan ng mga ambulansiya mula sa Pitmaster Foundation. Isa ito sa mga pinakamalalaking charities sa bansa. Tinututukan nila ang pagbibigay ng medical, emergency, at crisis relief o assistance. Ang mga nabanggit kong 17 LGUs ay mula sa National Capital Region, ang political, economic seat at education center ng bansa. Ang Metro Manila rin ang tahanan ng tinatayang higit 12 milyong Pilipino. Kung hindi ako nagkakamali, katuwang ang Metro Manila ­Development Authority, ­Department of Health at Department of ­the Interior and Local Government, naipamahagi…

Read More

CAVS GINULAT NG LAKERS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO BUMALIK si LeBron James sa Cleveland para magpakitang-gilas at buhatin ang Los Angeles Lakers sa 131-120 panalo kontra Cavaliers, gabi ng Lunes (Martes sa Manila), kung saan nagpamalas ng magandang depensa ang team. Nagtala si James ng 38 points, 10 rebounds at 12 assists sa kanyang 105th career triple-double at ikaanim sa season, kung saan pinipilit niyang manatili ang Lakers sa postseason. Maliban sa ginanap na All-Star Game noong nakaraang buwan, ngayon lamang muling bumisita si James sa Cleveland na kalapit ng kanyang home town…

Read More