PATAFA or no PATAFA, tuloy preparasyon ni EJ sa 2024 Olympics

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA SA kabila ng gusot na kinasasangkutan niya kaugnay sa paratang ng Philippine ­Athletics Track and Field Association (PATAFA) na paglustay ng pondong laan sa kanyang training, tuloy pa rin si Ernest John “EJ” Obiena sa paghahanda sa XXXIII Games of the Olympiad na gaganapin sa Paris, France sa 2024. At tinanggalan man siya ng PATAFA ng lahat ng tulong pinansiyal para sa kanyang ­training, ipinahayag ng Asian at Philippine pole vault record holder (5.93 meter) na magtatayo siya ng sariling koponan…

Read More

SMART OMEGA SAMA ULIT SA DOTA 2

MAAARI nang magpartisipa ang Smart Omega Esports sa anumang DOTA 2 organized competition matapos masangkot sa match-fixing incident sa OB. Moon Studio Asian Arena tournament. Ayon kay SMART Esports General Manager Chris “Epok” Quimpo, ito ang naging desisyon ng Valve organization matapos silang umapela na mapawalang-sala si coach Chris “CTY” Maldo at players na sina Prince “Prince” Daculan at Ryniel “Zenki” Calvez. “Just to be clear, yung ban na ipinataw ng Valve is for Dota 2 only, dahil dun nagkamali. After that appeal that we submitted, ipinakita namin yung scenarios.…

Read More

HAWKS GINULAT NG HORNETS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO KULANG sa tao ang Charlotte Hornets, pero hindi ito naging problema, sa pangunguna ni Miles Bridges, may 32 points, sumandal ang team sa best 3-point shooting game nito sa season para talunin ang Hawks, 130-127, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Atlanta. Bunga ng NBA health protocols, absent sa Charlotte lineup sina LaMelo Ball, Jalen ­McDaniels, Mason Plumlee at Terry Rozier. Sampung araw silang hindi makalalaro. Swak ang apat na pukol ni Bridges sa fourth quarter, para sa total 13 points. “I feel like…

Read More

Players isa-isang nagpopositibo sa COVID NBA TEAMS MAS NAGHIGPIT

PATULOY na tinatamaan ng virus ng COVID-19 ang mga NBA players. Pinakahuling inilagay sa NBA health protocols ang apat na manlalaro ng Charlotte Hornets na sina LaMelo Ball, Jalen McDaniels, Mason Plumlee at Terry Rozier. Hindi naman inihayag kung nagpositibo ang mga nabanggit na manlalaro. Bago ang laro ng Chicago Bulls laban sa Brooklyn Nets nitong Sabado ng gabi, inihayag ni Bulls coach Billy Donovan, nagpositibo si Javonte Green. Unang nagpositibo nitong linggo si Coby White, dahilan kaya hindi siya nakasama sa trip sa New York. Bumalik sa Chicago si…

Read More

PAYAGAN, LIVE AUDIENCE SA PRO SPORTS – GAB

ASAM ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra na pagbigyan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan nila para sa live audience sa mga professional league tulad ng PBA, VisMin Super Cup, football, golf championship, volleyball, gayundin sa promosyon ng boxing at combat sports at horse racing. “Hopefully yung face-to-face chess competition mapagbigyan na rin maibalik pati yung e-sports competition para makabawi na rin ang ating mga atleta at sponsors. Importante, susunod sa masinsin na safety and health protocol dahil priority pa rin naman ang kalusugan,” pahayag ni…

Read More

ABOGADO NI OBIENA HAHARAP SA PATAFA

HINDI na makikipag-usap si 2020 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” ­Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Sa halip, si Atty. Alex Avisado at ang Gana Tan Atienza Avisado Law Offices na ang gagawa nito para sa ’embattled’ athlete sa lahat ng “current and future investigations, including the filing of any possible and appropriate civil, criminal, and administrative actions” kaugnay sa mga paratang sa kanya ng national sports association (NSA). Sina Jim Lafferty at Atty. Bobbet Bruce naman ang magiging official spokespersons ni Obiena na sasagot sa mga…

Read More

US TEAM BINUHAT NI IT vs CUBA

SA Chihuahua, Mexico, isinalba ni Isaiah Thomas ang US Team sa kamuntik nang upset, nang talunin ang Cuba, 95-90 sa World Cup qualifying opener. Qualifying event ito para sa 2023 Fiba World Cup. Umiskor si Thomas ng 21 points, kasama ang pinang-selyong 3-pointer sa huling 13.3 seconds, nang burahin ng Americans ang seven-point deficit sa fourth quarter. “It’s an honor and a privilege to put USA on your chest,” ­pahayag ng 32-year-old na si Thomas. “So, anytime USA Basketball comes calling, I’m always going to be for it. We have…

Read More

Curry natawagan ng ‘T’ GALIT BINUNTON SA CLIPPERS

MATAPOS matawagan ng ‘T’, ibinuhos ni Stephen Curry ang galit sa Los Angeles Clippers. Ang oras, 9:08 sa fourth quarter nang pituhan ang Golden State Warriors star ng technical foul. Makaraan nito, iniskor niya ang 11 ng kanyang 33 points para durugin ang Clippers 105-90, at i-extend sa walong sunod ang winning streak, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Staples Center. “It was just an accumulation of all types of weird stuff. All that led into where I thought I got a foul,” komento ni Curry, mayroon ding season-high…

Read More

PBA 3×3 Lakas ng Tatlo Leg 3 GRAY, LATEST CASUALTY

SI Fil-Am Jeremiah Gray ng TNT Tropang Giga ang pinakabagong nadagdag sa listahan ng injured players sa kakasimula pa lang na PBA na 3×3 na ginaganap sa Ynares Sports Center, Pasig City. Na-twist ang tuhod ni Gray sa kanyang pagbagsak sa game kontra Limitless Appmasters noong Sabado. Matapos matingnan ni team physical therapist Dexter Aseron ay agad dinala ang 6-foot-5 TNT 3×3 player sa ospital para sa MRI test. Sinikap ng teammates ni Gray na sina Almond Vosotros at Samboy De Leon na bitbitin ang Tropang Giga ngunit nabigo sila…

Read More