SPORTS BITES Ni ANN ENCARNACION PITONG koponan ang magpapaluan sa inaugural Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League men’s division simula ngayon (Lunes) sa Aquamarine Sports Complex sa Lipa City, Batangas. Kabilang sa Pool A ng torneo ang mga koponan ng Go for Gold-Air Force Aguilas, Basilan Peace Riders at Manileno Spikers, habang pasok sa Pool B ang Global Remit, Sabong International Spikers, MRT-Negros at Team Dasma Monarchs. Unang aaksyon sa triple-header opener sa alas-10 ng umaga ang koponang Go for Gold-Air Force Aguilas katapat ang Manileno Spikers. Susundan…
Read MoreCategory: SPORTS
EJ ‘di na kailangang magbitiw
BAGO pa ang gusot sa pagitan ni Pilipino pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay marami nang alok na natatanggap mula sa ibang mga bansa ang “Flying Pinoy.” Isinawalat ito mismo ng dati niyang American coach na si Jim Lafferty sa isang panayam sa telebisyon. “He (EJ) had gotten offers from other countries even before being embroiled in a controversy with the national athletics federation.” Ilang araw lamang ang nakalilipas ay inakusahan si Obiena ng PATAFA ng pagdispalko sa perang laan para…
Read More2 DEHADO, PANALO
NANGIBABAW ang bagitong Zamboanga Sibugay at dehadong Kapatagan laban sa paborito nilang mga karibal sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge nitong weekend sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga Del Sur. Ginapi ng Zamboanga Sibugay ang Iligan, 95-71, habang dinungisan ng Kapatagan ang dating imakuladang Basilan BRT, 77-71, sa kauna-unahang professional basketball league sa South. Pinangunahan ni Joseph Peñaredondo ang opensa ng Anak Mindanao Warriors sa naiskor na 24 puntos, para sa ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-2 simula, habang natamo ng Iligan ang ika-apat na sunod na kabiguan.…
Read MoreBASILAN WALA PANG TALO
KUMAWALA ang Basilan Peace Riders sa dikitang laban sa second half tungo sa 82-76 panalo kontra host team Pagadian Explorers sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge, Huwebes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga Del Sur. Dahil dito ay nanatiling malinis ang marka ng nangungunang Peace Riders, 3-0, sa tanging pro league sa South. Matapos magtabla sa first half, umariba ang Basilan sa 20-5 run, tampok ang driving lay-up ni Ar Raouf Julkipli para hilahin ang Peace Riders sa 15 puntos na kalamangan, 61-46 sa nalalabing 4:20 minuto…
Read MoreF2 LOGISTICS, PNVF LEAGUE CHAMP
WINALIS ng F2 Logistics Cargo Movers ang lima nilang nakalaban para makopo ang kauna-unahang PNVF Champions League title. Pinatunayan ng Cargo Movers ang bangis nila nang pabagsakin sa tatlong sets ang reigning PVL champions Chery Tiggo Crossovers, 25-20, 25-20, 25-22, para sa gold medal. Bumida si Kalei Mau sa F2 Logistics nang magtala ng team-high 16 points, lahat mula sa attacks, at 19 receptions. Nag-ambag si middle blockers Majoy Baron at Aby Maraño ng kabuuang 17 markers sa pinakamagandang record na 5-0 ng Cargo Movers. Nagtapos ang Chery Tiggo, naglaro…
Read MoreANCAJAS AT IOKA AGAWAN SA BANTAMWEIGHT CROWN
NAKAKASIYAM na depensa na si Jerwin Ancajas ng kanyang IBF junior bantam-weight crown sapol pa noong 2016. Sa kabila nito, may pumupuna sa mga challenger na tinatalo niya. Kaya naman makalipas ang anim na taong paghihintay sa de-kalibreng kalaban, matutupad na rin ang kanyang pangarap. Mapapasabak si Ancajas (33-1-2, 22 KOs) sa inaasam na unification bout laban kay Japanese WBO champion Kazuto Ioka (27-2, 15 KOs) sa Disyembre 31 sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo. Hindi mahalaga sa tubong Panabo City, Davao del Norte boxer kung sa Japan na teritoryo…
Read MorePICSON, NEW ABAP PREXY
NAHALAL bilang bagong presidente ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang long-time executive director at secretary-general nitong si Ed Picson. Virtual lang isinagawa ang halalan ng national sports association (NSA), na sa unang pagkakataon ay nakapag-uwi ng dalawang silver medal sa pamamagitan nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at isang bronze medal mula kay Eumir Marcial, noong nakaraang Tokyo Olympics. Si outgoing president Ricky Vargas, na magsisilbing ABAP chairman, ang mismong nagnomina kay Picson. “I am honored to turn the baton over to Ed as my successor.…
Read MorePINGRIS, UMAHON SA PAGRERETIRO
Ni ANN ENCARNACION BALIK aksyon si Marc Pingris, hindi sa Gilas Pilipinas o Philippine Basketball Association (PBA) kundi sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational Cup. Matapos magretiro sa PBA, muling magiging aktibo sa basketbol ang tinaguriang Pinoy ‘Sakuragi’ bilang miyembro ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa 2021 MPBL na sisikad simula Disyembre 11 hanggang 23 sa Mall of Asia Arena. Matatandaan na si Pingris, 40, ay nagdesisyon na tuluyang magretiro noong Mayo matapos ang mahigit na 16 taon na paglalaro sa PBA dahil sa tinamo nitong injury sa tuhod.…
Read MoreKLAY THOMPSON GIGIL MAGKAMPEON
NALALAPIT na ang pagbabalik ng orig ‘Splash Brothers’ ng Golden State Warriors. Matapos ang mahigit dalawang taon na pagkawala sa Golden State, balik full team practice na ang Splash Brother ni Stephen Curry na si Klay Thompson. Hunyo 2019 nang magkaro’n ng torn ACL si Thompson sa Game 6 ng 2019 NBA Finals. Nasundan pa ito ng ruptured Achilles noong Nobyembre 2020. “It’s so exciting. Just to be running up and down the court and playing basketball, it’s truly a blessing and it makes coming to work so easy. The…
Read More