BULLS SUMIPA, LAKERS KULELAT SA PRESEASON

BALITANG NBA Ni VT ROMANO NAGPARAMDAM ang Chicago Bulls nang kahandaan sa season matapos maipanalo ang apat na preseason games. Isinara ng Bulls ang pre­season schedules nito, Sabado sa pamamagitan ng 118-105 win kontra Memphis Grizzlies. Itinuring ni head coach Billy Donovan ang final game bilang totoong laro, kung saan apat sa limang starters ay sumalang ng mahigit 30 minuto. Umiskor si Zach LaVine ng 31 points, may six rebounds at six assists mula sa 9-of-18 shooting. Nag-ambag si Nikola Vucevic ng 23 points at eight rebounds. Kung magpapatuloy ang…

Read More

‘Huwag kayong mag-alala, okey ang Dad ko’–Dodot Jaworski

NOONG Sabado, ika-75 anibersaryo ng kauna-unahang selyong inilabas ng Philippine Postal Corp. noong 1946, si basketball “Living Legend” Robert Jaworski ay pinarangalan bilang una sa 10 bayani ng bansa sa binigyan ng pagpupugay sa pamamagitan ng pagtatampok sa walo niyang larawan sa Philpost stamps bilang manlalaro ng sport na pinakapaborito ng sambayanang Pilipino. Si Postmaster General at Philippine Postal CEO Norman Fulgencio, kilalang “super fan” ni “Sonny” o “Jawo” o “Big J” sa kanyang mga kaibigan at fans, ang nanguna sa seremonyang idinaos sa harap ng Post Office sa Liwasang…

Read More

PILIPINAS 3×3 INVITATIONAL TOURNEY SA PAMPANGA

MAGSASAGAWA ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ng one-day invitational tournament sa Miyerkoles sa Laus Events Center sa San Fernando, Pampanga. Kabuuang 12 koponan ang sasabak sa torneo sa pagtataguyod ng TM, na pasilip sa bagong season ng local 3×3 tournament at may basbas ng IATF at Games and Amusements Board. Huling lumarga ang 3×3 President’s Cup noong Oktubre 2000 sa bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Ayon kay league ­owner Ronald Masca­riñas, malaking tulong ang pagsasagawa ng sports para manumbalik ang matatag na katauhan ng Pilipino na mahabang panahon…

Read More

WEIGHTLIFTING-INSPIRED, ENGAGEMENT RING NI DIAZ

NAALIW ang mga netizen sa weightlifting-inspired engagement ring ni 2020 +1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz. Nitong Sabado ay inanunsyo ng 30-anyos at tinaguriang ‘Pinay Weightlifting Fairy’ ang engagement sa kanyang personal coach na si Julius Naranjo. Ibinahagi ng Manila ­Diamond Studio sa kanilang Instagram ang barbell-shape designed ­diamond stone na engagement ring ni Diaz. “Philippine first Olympic gold medalist, Hidilyn ­Diaz’s engagement ring, was inspired by @hidilyndiaz ‘s love, strength, and passion. In collaboration with coach @imjulius, we brought life to what could be the perfect ring for…

Read More

FIL-AM, NEWEST GILAS PLAYER

Ni ANN ENCARNACION ISANG Filipino-American sa katauhan ni Travis Roberts ang pinakabagong adisyon sa Gilas Pilipinas. Nagdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na isama ang 6-foot-7 hoopster para sa dagdag taas at talento sa national team, lalo sa kampanya sa iho-host ng bansa na 2023 FIBA World Cup. Kinumpirma mismo ng Fil-Am Nation Select ang desisyon ni Roberts, nakatakdang maglaro sa Jackson­ville State University, na mapabilang sa Gilas squad. Dual citizenship holder si Roberts na asam makapaglaro para sa national men’s team na kinabibilangan din ng young ­players na sina…

Read More

SERBIAN TEAM ‘DI NAIAHON NI ANIMAM

Ni VT ROMANO SOLIDONG performance na naman ang ipinamalas ni Pinay dribbler Jack Animam sa pagpapatuloy ng aksyon sa First Women’s Basketball League of Serbia, ngunit kinapos ang Radnicki Kragujevac sa dulo tungo sa 86-63 loss sa kamay ng ZKK Kraljevo, Linggo ng umaga (Manila time) sa Kraljevo Sports Hall. Ito ang ikalawang sunod na talo ng Radnicki sa torneo. Hindi nagpaawat ang 22-anyos na si Animam, nang magpasabog ng 16 points at nine rebounds sa first half, bagama’t naghahabol ang kanyang koponan, 49-33 sa halftime. Nagawang maibaba ng Radnicki…

Read More

SMB-TNT DO-OR-DIE NA!

SADYANG walang tulak-kabigin sa tapatang Talk N’ Text at San Miguel Beer. Nitong Biyernes ay nakapwersa ng decider Game 7 ang SMB makaraang muling magwagi laban sa TNT, 103-90. Dahil sa panalo ng Beermen ay nagtabla sila sa ikatlong pagkakataon ng Tropang Giga, sa Game 6 ng 2021 PBA Philippine Cup Semifinals sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga. Nakaungos sa Game 1 ang TNT, ngunit agad bumawi ang SMB sa Game 2. Muling lumamang ng Tropang Giga sa Game 3, ngunit maagap na nakabalikwas ang Beermen…

Read More

WORLD TITLE DEDEPENSAHAN NI YULO

PUNTIRYA ni 2020 +1 Tokyo Olympian Carlos Yulo na mapanatili ang kanyang paghahari sa floor exercise sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships. Nasa Kitakyushu, Japan si Yulo at puspusang naghahanda sa naturang torneo na gaganapin ang qualification round at all-around apparatus finals sa Oktubre 18-24. Wagi ang Pinoy gymnast sa floor exercise noong 2019 World Championships sa Germany, kaya asam niya na ma-panatili ang kanyang titulo. Matapos ang kabiguan sa nakaraang Tokyo Games, agad bumawi si Yulo noong nakaraang buwan at nakapagbulsa ng isang ginto at isang tansong medalya…

Read More

3rd WIN ASAM NINA THIRDY, KOBE BALITANG B.LEAGUE

Ni ANN ENCARNACION   KAPWA target nina Thirdy Ravena at  San-En Neo­Phoenix at Kobe Paras at Niigata Albirex BB ang ikatlong panalo ng kanilang teams ngayong Sabado sa 2021-22 B.League. Maghaharap ang Neo-Phoenix, may 2-2 win-loss record, at Hiroshima Dragonflies (3-1), 12:05 ng tanghali. Habang makakasagupa ng Albirex BB (2-2) ang ­Levanga Hokkaido (0-4), ganap na 1:05pm. Matatandaang nagkaroon ng back-to-back games ang teams ng magkaibigang Ravena at Paras noong nakaraang linggo kung kailan nagtabla sila sa 1-1 panalo-talo. 293

Read More